Campus Horror Stories

916 20 0
                                    


1.) Ang White Lady at si Manong Guard.

Noong nag-college ako, nagtrabaho ako bilang isang Student Assistant ng school. Ibig sabihin, nag-aaral ako sa umaga at nagtatrabaho ako sa gabi. Lahat ng ito ay ginagawa ko sa aming campus. Dahil nga sa ganitong nature ng aming trabaho, di maiiwasan na abutan talaga kami ng gabi. Sa mga ganitong pagkakataon ay hindi na kami uuwi lalo na kung naubusan na ng jeep sa tapat ng SM dahil wala ng paraan para makauwi pa ng maaga at kung uuwi naman ay baka kulangin ka pa sa tulog. Nag-decide ako noong gabing iyon na huwag ng umuwi at sa computer labotory na lang matulog. Pinatay ko lahat ng computer at tinanggal ang plug sa mga saksakan, nagwalis at saka naglatag sa sahig para humanda na sa pagtulog. Maya-maya pa ay dumating si Manong Guard. Nagro-roving kasi siya noon. Dahil hindi pa naman ako inaantok, nakipagkwentuhan muna ako kay Manong Guard. Tinanong ko sya kung mayroon ba syang mga nakakatakot na karanasan sa campus na iyon dahil nga gusto kong malaman kahit bago lang siya doon. Seryoso ang mukha nya ng bigla syang nagkwento. "Meron. Dito mismo sa loob ng computer laboratory na ito." Pinagmasdan ko ang mukha nya. Nakatingin sya sa malayo habang nagkukuwento na para bang may iniisip. "Nandito ako noon. Dito din ako nagpahinga nun galing sa duty kasi sobrang pagod ko. Ung white board na yan, dyan ko nakita ung babae na mahaba ang buhok at nakaputing palda. Lumulutang pa nga sya at lumilipad ang kanyang buhok. Natakot ako nun kaya naman dali-dali na akong tumakbo at doon na lang sa baba nagpahinga." ang sabi pa nya.
Pinipilit kong tingnan ang kanyang reaction kung nagsasabi ba sya ng totoo. Hindi ko makitang parang totoo ang kwento nya. Pero totoo man o hindi, bahala na sya sa buhay nya kung gusto nya lang manakot o magkwento ng isang totoong personal na karanasan.

2.) Si KC at ang kanyang OBE.

Isang tanghaling tapat noon at busy kami sa pag-asikaso ng mga brochures na dadalhin namin para ipamigay sa mga estudyanteng gagraduate ng high school. Isa kasi iyon sa aming marketing strategy para makuha ang atensyon ng mga graduating para sa amin sila mag-enrol. Isa pa, madaming mga kolehiyo ang nag-aagawan ng tsansa para makakuha ng maraming enrollees sa kanya-kanyang paaralan.
Nakaupo kami sa library ng mga oras na iyon. Pinagkukumpol namin ang mga brochures at saka itinatali. Maya-maya pa ay narinig kong nagsalita si KC. "Alam nyo, ang weird ng karanasan ko kanina sa bahay. First time ko maranasan iyon. Pero di ko alam kung panaginip ba talaga o totoo." ang sabi pa nya. "Natutulog kasi ako noon, katabi ko ung kabinet namin sa bandang kaliwa ko tapos sa bandang kanan naman na pader ay may orasan. Madali kong makikita ang orasan basta lumingon lang ako. Tapos mga ilang sandali pa bigla na akong napapikit at napatulog. Sobrang pagod ko noon kaya nakatulog agad ako. Kaya lang, bigla kong naramdaman na bumigat ang pakiramdam ko tapos maya-maya parang gumaan naman ang katawan ko. Para akong nakalutang. After noon bigla akong nagising pero ang weird lang kasi nakikita ko ang sarili ko na natutulog! Wala naman ako sa higaan pero nakikita ko ang sarili ko nakahiga. Tumingin ako sa aking paligid at nakikita ko naman na ganun pa rin ang hitsura ng kwarto. Kung panaginip un bakit ganun kaunti lang ang iniandar ng oras pagtingin ko sa orasan? Pero mabuti nga nakabalik pa ako sa katawan ko eh. Pagbalik ko nga noon uhaw na uhaw ako kaya inom agad ako ng maraming tubig." Sumagot si David, "Ah. Ang tawag dyan sa naranasan mo ay Astral Projection." Sumagot din ako na normal na nangyayari ang ganun. Ang modern term sa astral projection ay OBE o meaning Out-of-Body Experience upang i-describe ang mga astral projection experiences ng mga tao, paliwanag ko pa. After ng kwentuhan, saka kami nag-asikaso sa pag-alis.

3.) Si Bella at ang kanyang Doppelganger.

Isang umaga ng Lunes, panibagong araw na naman ng pagpasok sa eskwelahan. As usual, nasa loob lang kami ng aming silid-aralan habang naghihintay sa aming unang propesor ng araw na iyon. Kaunti pa lang kami sa kwarto, pero unti-unti nang dumarating paisa-isa ang iba ko pang kaklase. Dumating una si Daniel sunod si Risa, Gladys, si Macky at pagkatapos niya ay si Rona. Umupo sa kanyang upuan si Rona at nag-ayos. Maya-maya pa ay dumating na din si Rene, si Manilyn at si JC. Madami pang ibang dumating na din. Mga halos 10 minuto pagkadating ni Rona ay dumating si Bella. Pagpasok sa pinto ay napatingin si Rona at seryoso lang ang pagtingin nito kay Bella. Pagkatapos nito ay nagtatakang sinabi ni Rona, "Ang bilis mo magpalit ng damit ah."
"Ah ako? Haynaku! Ang init-init tapos ang traffic sa tulay! Akala ko pa naman male-late na ako!" ang sabi ni Bella. "Kadarating mo lang?" ang tanong ni Rona. "Oo. Sobrang kapagod na biyahe." ang sagot ng isa. Nagulat si Rona at nagtaka, "Eh sino ung nakasalubong ko kanina sa hagdan na nakaupo? Naka-P.E. Uniform ka pa nga nun. Wala namang ibang daraanan doon sa hagdan kundi iyon lang. Nagtataka nga ako sayo eh binati kita ng good morning tapos tiningnan mo lang ako. Tapos nagtataka pa ako kasi bakit umupo ka pa doon at di ka na lang dumiretso sa classroom. Tapos iyan, di ka naman naka-P.E uniform." "Hindi no! Kadarating ko lang talaga. Ayan oh tingnan mo pawis na pawis pa ako." ang pagwewelga ni Bella. Naka-uniform ito na light blue ang kulay at dark blue na skirt. Ito ang usual na uniform ng mga babae sa amin.
"Nakita talaga kita. Tinitigan mo pa nga ako ng seryoso at hindi ka nagsasalita. Tinitigan mo lang ako"
Knowing Bella, alam namin na madaldal ito. Walang preno ang bibig nito. Kung si Bella nga iyon ay bakit tinitigan nya lang ang isa sa mga close friends nya ng seryoso at di nagsalita pagkatapos siyang batiin nito? Nakikinig lang ako sa usapan nila at bahagya lang akong napangiti. Alam ko na kasi kung ano ang nakita ni Rona. Lumingon si Rona sa akin. Malapit lang naman sila sa kinauupuan ko. Nasa likod nila ako. Parehas silang napatingin noon sabay tinanong ako ni Rona kung ano daw ba ang nakita ni Bella. "Doppelganger," ang sabi ko. "Mga spirits na mahilig manggaya ng itsura ng mga tao. Malalaman mo agad madalas kung sino ang Doppelganger kasi salungat sila kadalasan ng taong ginagaya nila. Parang Ying at Yang. Kung gaano kadaldal ang tao ay kabaliktaran ito ng Doppelganger Wala ring interes ang mga Doppelganger sa mga interes ng ginagaya nito." Nagtinginan silang dalawa. "Huwag kayong mag-alala." ang sabi ko. "Wala namang masamang ibig sabihin kapag nakita ng ibang tao ang Doppelganger mo. Ang masama, ang ikaw mismo ang makakita ng sarili mong Doppelganger." Sabay silang tumango at sinabing, "Ganoon ba?!" Unti-unting nahimasmasan ang dalawa ng malamang wala naman palang dapat ikabahala. "Okay, class. Wala ng maingay!" ang sabi ng propesor pagpasok nito sa pinto. At nagsimula na ang klase.

>>Blackhat
*Marikina

Scary Stories 4Where stories live. Discover now