Ang mga Pasaway

210 6 0
                                    


Limot na ni mama yung taon pero tingin niya 1989 or 1990 daw ito nangyari. At ito yata daw ang pinaka-worst na karanasan niya.
Nagtatrabaho si mama sa isang bar na ang pangalan ay Lavien Rose located sa Saitama. Kasagsagan ng pag-ulan ng snow nung gabi na yun at wala na halos customer sa bar nun dahil madaling araw na daw at pasara na ang bar nila. Hinihintay nila mama si Kalbo (papa-sang) daw nila dahil yun ang susundo sa kanila pauwi sa tinitirahan nilang bahay. Habang naghihintay silang magkakatrabaho  nag-practice muna ng kanta yung katrabaho nilang si Lila. Nasa kalagitnaan daw ng kantahan sila mama ng biglang magmangoy yung Crystal ball sa bar nila dahil yung katrabaho niyang si Lila kumakanta ng "Isang linggong Pag-ibig" sa araw ng Biyernes. Sinita ng isa sa kasamahan ni mama si Lila at sinabing "Hoy, tama na pagkanta Biyernes ngayon!" madaling araw na din kasi nun at napakatahimik na sa lugar. Hindi naman daw nagpaawat yung Lila at nagpatuloy pa din sa pagkanta, ayaw na ding tumigil sa kakamangoy yung crystal ball sa bar kaya inakyat na ng Tenchou nila mama para i-check, Nasugatan pa daw yung Tenchou nila mama dahil sinubukang linisin yung crystal ball kaso sa tuwing kakanta yung Lila mangmamangoy na naman daw ito. Pinatitigil na nila mama yung Lila dahil mga 3:30am na at hindi na daw maganda ang tunog nung crystal ball parang babaeng napalahaw ng iyak.
Maya-maya pa daw napansin na nila mama na may kakaiba nang nangyayari at nagsimula daw yun ng biglang magpipo (tumunog yung alarm) ang pintuan ng bar nila mama. Nagpipipo lang daw yun kapag may tatapat na tao. Sinilip daw ng isa sa mga waiters yung labas ng bar pero wala naman daw tao at umuulan pa din ng snow. Muling tumunog ang pipo sa may pinto at wala pa ding tao pagsilip nila. Ilang sandali pa napansin nilang si Lila na kanina pa nakaupo sa sulok at umiinom ng alak ay nagsimula ng ngumisi-ngisi. Panay na din daw ang hampas niya sa kanyang sariling hita. Nabahala sila mama kaya yung isa nilang katrabaho tinawag-tawag na daw si Lila. "Hoy Lila huwag ka ngang ganyan umayos ka!", maya-maya pa nagsimula na daw humagikhik ng tawa si Lila at umiyak na parang nababaliw, dun na na-realized nila mama na sinasapian na yung katrabaho nila. Nagsimula nang mambato ng baso si Lila, naghuhumiyaw na siya sa bar na kasalukuyang wala ng tao kundi ang mga nagtatrabaho nalang. Natakot ng sobra sila mama lalo't umiikot na din daw ang mata ni Lila ng mga oras na yun, lalo pa silang natakot nung nagsimulang umikot ulit yung crystal ball at magmangoy ng malakas. Hinawakan ng dalawang waiter na hapon si Lila ang kaso bigla na lang daw tumalsik yung isa. Nagtilian na sa takot sila mama dahil wala na daw makalapit dun sa katrabaho nila sa sobrang takot. Ilang minuto ang lumipas dumating yung Papa-sang nila mama na susundo sana sa kanila, dali-dali silang tumakbo dun sa hapon nilang Papa-sang at sinabing sinasapian na nga daw yung katrabaho nilang si Lila. Ayaw maniwala ng papa-sang nila mama na may sapi yung katrabaho nila kaya inutusan na lang niya yung ibang waiter na isakay sa sasakyan si Lila at dadalhin daw niya sa ospital. Sinubukang buhatin si Lila papasok ng Van ang kaso hindi daw mabuhat ng 2 lalaki lang kaya apat pa ang kumarga. Ipinasundo sila mama ng papa-sang nila sa isa na lang nilang manager at hinatid na sila sa bahay. Ilang oras ang makalipas, dumating ang Papa-sang nila kasama si Lila na buhat ng 4 na lalaki dahil mabigat pa din daw pero di gaya kanina hindi na ito nagwawala. Sabi ng Papa-sang nila hindi daw tinanggap sa ospital si Lila dahil wala naman daw nakitang problema ang doctor dito. Si mama naman tumulong sa pag-aasikaso sa kasamahan nilang takot na takot pa din at ayaw lumapit kay Lila. Sinabi ni mama na sa sala daw muna patulugin si Lila kasama ng iba nilang katrabaho at huwag daw munang patulugin doon sa kwarto, kasalukuyan kasing nakapwesto ang kama ni Lila sa tabi ng bintana at sa tapat mismo ng bintanang iyon ay may patay na puno. Makalipas ang ilang araw bumalik sa normal ang lahat pero hindi pa rin pinapatulog ni mama si Lila sa sarili niyang kama, bale 4 silang natutulog sa kwarto noon kasama si Lila pero dahil yung kama lang ni Lila ang nakadikit sa tabi ng bintana wala munang gumagamit nito ngayon.

Day-off nila mama at nagkayayaan silang kumain sa labas. Dalawa sa katrabaho niyang sina Jennifer at katrabaho 2 (di na maalala ni mama pangalan sorry) nagpaiwan daw sa bahay magpapahinga, itong mga gaga naman daw niyang katrabaho hindi nila alam na dun pala natulog sa kwarto nila at sa mismong kama pa ni Lila natulog! Pagkauwing-pagkauwi daw nila mama nagkalat daw yung mga gamit sa bahay. Yung mga plato basag, yung mga pagkain gaya ng bigas at prutas parang isinaboy sa kung saan. Hinanap agad nila mama yung dalawa kasi akala pinasok ng magnanakaw, pagpanik sa taas bukas na bukas yung bintana sa kwarto nila mama, yung mga gamit nila mama sa kwarto nila pati mga damit nagkalat. Hinanap nila mama yung dalawa nilang katrabaho kaso wala daw sa kwarto. Nung pagtagal nakita nila yung dalawa na nakahalukipkip at nagtatago doon sa maliit na storage room na taguan ng mga panglinis sa bahay.
Tinanong nila mama kung ano ang nangyari tapos nagkwento si Jennifer. Natutulog lang daw silang dalawa dun sa kwarto, si Jennifer humiga daw sa kama ni mama tapos yung isa doon sa kama ni Lila, kwento nung humiga sa kama ni Lila kay Jennifer nanaginip daw siya na may dalawang matandang mag-asawa dun sa tabi ng patay na puno may dala-dalang stroller ng baby tapos kinukuha daw siya. Pinagalitan ni mama yung dalawa dahil pinagsabihan na niya ito na huwag ng matutulog dun sa kama ni Lila pero hindi sila nakinig.
Nagtanong ang katrabaho ni mama bakit daw ang gulo ng bahay. Kwento ulit nung Jennifer nakita niya daw na binabangungot yung isa kaya ginising niya, nagkwento daw sa kanya yung isa about sa napanaginipan kaya nag-alala siya at naisip na lumipat na lang sila ng kwarto, isasarado na daw sana nung Jennifer yung bintana ng biglang napatingin siya sa baba ng patay na puno sa labas ng bahay, nagulat na lang daw siya ng makita niya yung kinuwento nung isa. dun sa tabi ng patay na puno may nakatayong dalawang matanda na mukhang mag-asawa na may dalang stroller tapos ang hahaba daw ng ilong parang sa witch. Bigla daw lumakas yung hangin parang may ipo-ipo kaya napatakbo sila palabas ng kwarto, pababa na daw sila ng biglang parang may nagbukas ng pinto tapos nakita na lang daw niya yung matandang babae tumakbo papasok ng bahay. Nagtago daw sila sa pinakamalapit na pinto at di na sila lumabas. Ang pinagtataka lang daw nung isang kasama ni Jennifer (yung binangungot na di maalala ni mama ang pangalan kaya nahihirapan akong ikwento hays!) wala naman daw siyang nakita nung mga oras na yun at di niya nakita yung sinasabi ni Jennifer kasi nung time na nagkwento daw siya ng napanaginipan niya kay Jennifer bigla na lang daw ngang tumayo si Jennifer at isasara daw sana yung bintana ang kaso daw, nagulat na lang siya kasi bigla itong tumakbo at hinila siya palabas ng kwarto hanggang sa makapagtago sila, Di na daw siya pumalag dun sa Jennifer kasi natakot na din daw siya baka kung may ano nga daw kasi.
In the end kinuwento nila sa Papa-sang nila yung nangyari dahil ito yung may-ari ng bahay. Sabi ng papa-sang nila pabebendesyunan na lang daw yung bahay at huwag na nila intindihin. Nagre-request sila na ilipat sila sa ibang bahay kahit apartment na maliit lang pero kuripoterz yung papa-sang nila kaya di pumayag. Dun lang din nila napag-alaman na dati palang sementeryo at cremation area yung malawak na lupa sa likod bahay nila.

*insert shanti dope
MAPAPAMURA KA NG PAKSIYET MALUTONG~

—PODI

Scary Stories 4Where stories live. Discover now