Kwentong Sundalo (Part 5)

322 11 0
                                    


PART 5

Nag-usap kami ni Marlon tungkol sa inaalok ko sa kanya na magpapagawa kami ng anting-anting. Sabi nya eh huwag daw akong maniwala sa mga kalokohan ni Mendez dahil baka inuuto lang daw ako. May part din naman sakin na maniniwala sa kanya dahil sa matagal na syang sundalo at may mga karanasan na din sya dito. Kaya naman nag-set ako ng oras at araw kung kelan kami bibisita sa albularyo para magpagawa ng anting-anting. Sakto naman na may lakad si Chief papuntang Cebu. Umalis kami ng campo mga 6pm at nakasibilyan lang. Mahahalata pa rin kami na isa kaming sundalo dahil sa tindig namin at sa haircut. Sumama si Mendez sa amin at nag-motor lang kaming tatlo. Bale dalawang motor ginamit namin at naka-angkas lang si Marlon sakin. Malayo din yung pinuntahan namin pero nagtaka ako kay Mendez dahil hindi nya suot ang anting-anting nya at halos maligo ng pabango eh pupunta lang naman kami sa albularyo. 20 mins ride mula sa campo kung moderate lang ang takbo namin at si Mendez and nag-lead kung saan pupunta. Ang laki talaga ng expectation ko sa lugar na pupuntahan namin pero madidismaya lang pala ako. Pagparada namin alam ko na agad na may gagawin na namang kalokohan itong si Mendez. Nag-stop kami sa ******* at ng malaman ko, isa palang underground bar ang pinuntahan namin, kalokohan. "Akala ko ba Mendez bahay ng albularyo ang pupuntahan natin, bakit bahay ng mga bayaran ito?" Tanong ko sa kanya. Tumawa lang sya ng at sinabi na "Hays Makoy relaaaaax. Sweldo na natin next week tsaka, mag-happy-happy naman tayo minsan kahit delikado ang trabaho natin." Sagot nya sakin. "Naku Mendez kung hindi lang kita kaibigan isinumbong na kita sa misis mo." Sagot ko naman sa kanya. Itong si Marlon naman mukhang excited at parang kumikinang ang mga mata sa mga nakikitang mga hipon. "Oh sige na pasok na tayo Makoy may ipapakilala ako sayo ahahaha." Sabi naman ni Mendez sakin. Well as usual pagpasok doon marami talagang mga nag-iinumang lasing, babae man o lalaki. Gusto ko na ngang umuwi sa katunayan dahil baka may mga kakilala pa dito ni Chief at isumbong pa kami. Uminom kami ng hard kasi mabigat sa tiyan kapag beer. Ilang minuto pa lumapit na sa amin ang tatlong babae at mukhang kilala ni Mendez. Magaganda rin naman at seksi pero ewan ko ba ba't hindi ako interesado sa mga babae. Lumapit sakin ang nagngangalang Mildred. Maputi at talagang nakakapanindig 'Junjun' kung tititigan mo sya. Disi-otso pa talaga ang edad nya. Kakaiba kung tipong gumalaw at makipag-usap eh sanay na sanay sa ginagawa. Panay pag-uusap nila Marlon at Mendez kasama ang babae nila, nagpapakasaya. "Makoy teka lang ahh babalik lang kami, saglit lang Makoy wantaym ambush lang sabay urong sulong." Sabi ni Mendez sakin at tumatawa sila pareho ni Marlon. Sa halip na patulan ko yung babae kinausap ko sya, hindi pa naman ako lasing dahil busog ako bago uminom at umiinit lang ang tiyan ko. Kinompronta ko sya kung bakit naging ganito ang buhay nya, kung bakit sya kumakapit sa patalim. Bigla syang tumahimik at mukhang nagdadalawang isip magsalita. Sayang kasi ehh, maganda sya at seksi din at mukhang matalino. Pero ganitong gawain lang ang bagsak nya. Sa pagtatanong ko napasalita ko talaga sya. Biktima lang pala sya ng mga bugaw dahil sa kagustuhang umangat sa kahirapan. No choice na, at nawalan na daw sya ng pag-asa. Naawa ako sa kanya dahil sa kinahinatnan nya. Habang nag-uusap kami sumabat naman yung isa pang babae na nagtatrabaho dun. Tingin ko mga 28 to 30 na ang edad. Pinaalis nya ang babae at pinapasok sa kwarto nila dahil may customer daw na nakapagbayad na at nag-aabang sa kanya. Umalis ito at nang akmang inabot ko ang kamay ko kay Mildred para pigilan sya ngunit hinawakan ng babae ang kamay ko. "Oops! Easy lang ako ang tatabi sayo." Tapos tumabi sya sakin habang hinahawakan ang braso ko. Sya si Mylene, para syang single mom eh, kasi seksi din, maputi, attractive at laki ng hinaharap. Nakipag-usap sya sakin at panay ang pag-e-entertain nya. Tinatanong kung taga saan ako, ano ang pangalan ko, trabaho ko, malaki ba bahay ko, may kotse ba ako. Hindi ko pinaalam na isa akong sundalo. Ang sinabi ko ay isa lang akong Teacher at wala akong malaking bahay o kahit sasakyan. Napansin ko medyo nawalan sya ng gana makipag-usap at panay inom ng inom sa binili naming alak. May nag-text sa kanya at bigla syang tumagilid, ayaw magpabasa. Napansin ko sa likod nya malapit sa batok nya na may isang tattoo. Iba ang symbol na nakalagay sa batok nya dahil triangle na naka-up and down na mukhang star kung tignan at may nakaguhit sa gitna na parang kambing o demonyong may mahabang sungay. Pamilyar sakin ang tattoo na iyon at parang nakita ko na ito dati. Tinanong ko sya at sinabi na "Kakaiba ang tattoo mo, siguro may grupo ka na nag-uugnay sa tattoo mo?" At bigla nyang itinigil ang pagte-text at tumayo. "Wait lang po sir ahh may customer pa ako na imi-meet sa labas. Maiwan na muna kita." Tapos umalis na sya. Habang naglalakad sya paalis tinitigan ko sya at bigla syang lumingon sakin ng kakaiba tapos dumiretso na papuntang pintuan palabas. Kalahating oras na ang nakalipas at maya-maya pa nakabalik na sila Marlon at Mendez ngunit di na kasama ang babae nila. Tawa sila ng tawa eh tapos nag-uusap at nagpapayabangan kung paano nila ginawa ang "Urong-Sulong" thingy nila. Habang patuloy kami sa pag-uusap at pag-iinuman nag-aya na ako sa kanila na umuwi na dahil malapit na mag-alas otso ng gabi at hahanapin na kami. Ayaw pa nila umalis eh dahil sayang daw ang natitira pang alak sa bote kaya tumayo ako at nauna akong lumabas. Habang papunta ako sa naka-garahe naming motor may narinig akong babae na nagsusuka sa gilid malapit sa cr. Nakakadiri kung pakikinggan mo at mukhang masusuka rin ako kapag naririnig ito. Mukhang pinipilit nya magsuka at umuubo pa. Kaya nagpasya na akong sumilip dahil baka kung ano na ang nangyayari. Pagsilip ko nakita ko si Mylene, nakayuko lang sya at nagsusuka sya. Kitang-kita ko ang pagnganga nya at parang may hinahatak sa loob ng bibig nya. Isang buhok ang hinahatak nya gamit ang dalawang kamay at napakarami at makapal pa ito. Tinakpan ko ang bibig ko dahil nasusuka ako sa nakikita ko. Narinig ko na palabas na si Makoy at Mendez kaya nung lumabas sila lumapit agad ako sa kanila at hinila silang dalawa. "Bakit ano ba Makoy may nag-i-e*tan ba diyan?" Tanong ni Marlon sakin. "Shhhh huwag kang maingay bugok baka marinig tayo." Sagot ko kay Marlon at tumatawa sila ng mahina at mukhang excited sa makikita. Dahan-dahan kaming sumilip at pagsilip namin sumuka ang babae ng napakahabang buhok, sunod naman ay mga buto, dugo at sunod na isinuka nya ay isang piraso ng mata ng tao. Pagkatapos nyang magsuka ay kumuha sya ng cellophane sa bag nya at isa-isa nya itong pinulot. Ibinaling namin ang tingin at nagbulungan kaming tatlo kung ano ang gagawin namin. "Tatlo tayo, kung aswang yan at aatakihin tayo, aba tatakbo tayo ng magkaibang direksyon para malito sya kung sino ang hahabulin nya." Sabi ni Marlon sa amin. "Ahh hindi huwag, igagapos natin tapos pagsusuntukin sa tiyan tapos gangbang." Sabi naman ni Mendez. Puro mga walang kwenta kausap at kalokohan ang nasa isip eh kaya sinabi ko "Kung aatakihin tayo pagbubugbugin natin tapos sabay takbo. Di nya kaya tatlo tayo." Tapos tumango sila. Pagsilip namin ng sabay napasigaw kami ng malakas dahil sa gulat. Nakatingin na sa amin at nanlilisik ang mga mata habang nakadapa. Naunang tumakbo sa daan si Mendez habang naninigas ang tuhod ko. Si Marlon naman nagmamadaling pumunta at pinaandar ang motor. Nakatitig lang ako sa gulat habang dahan-dahan itong gumagapang. Binato ako ng tsinelas ni Marlon at sinabi na "Hoy bugok alis na tayo!" At bigla akong tumakbo at napaangkas agad sa motor. Pag-angkas ko pinatakbo nya na ito, sa sobrang taranta ni Marlon at medyo lasing na natumba kami. Pero tumayo agad kami at hinawakan ko agad ang manibela para ako na ang mag-drive. Pagkatapos umangkas si Marlon habang sigaw ng sigaw. Mga ilang metro ang layo naabutan namin si Mendez na tumatakbo parin sa gitna ng daan. Ipinarada ko ito at umangkas agad sya. Nagtamo kami ng ilang sugat habang basag naman ang CP ni Marlon. Napakasakit ng tuhod at balakang ko dahil sa natamong galos pero patuloy pa rin sa pagmamaneho. Kinabukasan halos di kami makatayo ni Marlon sa sakit ng katawan pero pinilit pa rin namin dahil may obligasyon rin kami. "Oh Marlon at Makoy kamusta na kayo? Ehehehe." Sabi ni Mendez sa amin. "Oh bakit kamusta na motor mo na naiwan sa bar?" Sagot ko sa kanya. "Tumawag ako sa pinsan ko kaninang umaga para kunin ang susi dito sa campo at sunduin ang motor ko dun. Sabi nila basag daw ang mga lights pati na side mirror, flat pa ang mga gulong." Sagot naman nya. Tapos nagtawanan kami dahil malaki ang gagastusin nya dun. Tanong ng tanong ang mga kasamahan namin sa nangyari. Sabi nga nila naiingit sila sa amin dahil nakuha naming maglayas sa gabi at maka-experience ng hindi inaasahan kahit saan magpunta. Habang sila naman nababagot na sa campo at naghihintay lang ng milagro.

-NightVision

Scary Stories 4Where stories live. Discover now