My Tito's Wedding (Parts 1 & 2)

328 18 0
                                    


PART 1

Hello, Spookify! May ikukwento ako sa inyo about sa Tito ko.

Sa dalawang kapatid na lalaki ni Mommy, si Tito Carlo ang pinaka-close naming magpipinsan. Siya yung nakalakihan naming kalaro, kakwentuhan, at kabiruan. Bunso kasi si Tito kaya siya ang madalas na mautusan na bantayan kami.

Nung elementary si Tito, naging sobrang sakitin siya kaya napilitang magdrop out sa school. Dahil dito, hindi siya natutong magbasa at magsulat. Hinome schooled siya ni Lola pero all he learned is kung paano isulat ang kanyang pangalan. Yung pagiging sakitin niya, parang naging cause ng insufficient learning ability niya. Para mapalakas yung katawan ni Tito, hinayaan nila siyang mag-engage into sports. Sabi nga nila, kung may weaknesses ang isang tao, meron din siyang strengths. At sa situation ni Tito, ang basketball ang naging saving grace niya. Dun pa lang sa mga junior leagues, nakitaan na ng talent sa basketball si Tito Carlo. So pinush nina Lola yung hilig niya. Hanggang sa nagbinata na si Tito, madalas siyang tanghaling MVP at laging kasama sa Mythical Five. Kapag na-a-award-an siya at nandoon kami sa event, tatawagin niya ako at kakargahin sa balikat tapos ay ipapahawak sakin yung trophy niya. Naaalala ko pa nga noon kapag may mga larong inter-barangay, lagi nilang ina-anticipate ang paglalaro ni Tito. Nakaka-proud, sobra. At nakakaiyak.

Nung 4th year high school ako, naimbitahan si Tito na maglaro as "import" sa home province nung basketball buddy niya. One week siyang nag-stay doon dahil after nung game nila, ipapasyal pa sila nung buddy niya. Nung umuwi siya sa amin, may kasama siyang babae, si Tita Joan. Shookt kami that time, lalo na si Lola, kasi very untypical na gawin iyon ni Tito kasi ilag yun sa mga babae eh (dahil nga dun sa educational status niya). Sa first and second night, pinatulog si Tita Joan katabi ni Tita Shey. Nung 3rd day na niya, kinausap na siya ni Lola na baka hinahanap na siya sa kanila at nag-offer na ihatid na siya. Wala rin naman kasi siyang dalang damit at pinapahiram lang siya ni Tita Shey. Nag-aalala na rin kami nun kasi baka kasuhan si Tito ng kidnapping. Di naman kumikibo nun si Tita Joan at nakikinig lang kay Lola. Si Tito Carlo, tahimik lang mula nung dumating sila. Pag kinakausap mo, halos one-worded answers lang ang sinasabi. Nung 3rd night, di alam ni Tita Shey na lumipat ng kwarto si Tita Joan. Kinabukasan, hinahanap nila at nalaman na sa room ni Tito siya natulog. After ng mahabang family discussion, nag-decide sina Lola na ipakasal silang dalawa.

Kinabukasan, namanhikan na sina Lola kina Tita Joan. Mga adults lang ang sumama nun at naiwan kaming mga bata kay Tita Shey. Sobrang layo daw ng baryo nina Tita Joan. Pagdating nila sa kabilang province, ilang oras na byahe pa para marating yung mismong baryo. Sa bundok kasi yun kaya nakakatakot daw yung highway na dadaanan. Naging okay naman daw yung pag-uusap pero nung pauwi na sila, ayaw silang paalisin nung isang tiyuhin ni Tita Joan. Nung una, naisip nila na yun ay dahil delikado yung daan lalo na at baka abutan sila ng dilim sa highway. Kaya lang, nagkataon na na-overheard ni Daddy yung pag-uusap nung tatay at tiyuhin ni Tita Joan sa likod-bahay. Hindi maintindihan ni Dad yung usapan dahil ibang salita ang gamit nila, pero mase-sense mo daw na galit na galit yung tiyuhin at parang nag-a-argue yung dalawa. Sumilip si Dad ng kaunti nang marinig niya yung boses ni Tita Joan. Umiiyak daw siya na parang nakikiusap sa tatay niya. And weird daw sabi ni Dad kaya binanggit niya ito kay Mommy. Nung bumalik sa kanila si Tita Joan, siya na yung mismong nagyaya na umalis na sila. Kaagad namang tumayo nun si Dad kaya napasunod na rin yung iba.

After two months, dumating na rin yung araw ng kasal. Sobrang hassle yun dahil gusto ng family ni Tita Joan ay sa kanila gaganapin yung kasal. Sa bayan yung ceremony tapos sa baryo yung reception. Kawawa yung mga bisita namin nun kasi bago sila makakain ay gutom na sila ng bongga tapos pag-uwi gutom na sila ulit dahil sa layo ng biyahe. Sunday yung mismong araw ng kasal pero Friday morning ay nagpunta na kami doon. Tatlong truck yung kasama namin para sa mga gamit pangluto, tables, chairs, mga mantel, tolda, sound system, mga gulay, karne, etc. As in bitbit namin lahat ultimo karayom at sinulid. Tapos dalawang van at isang jeep para sa amin, mga tagaluto, mga miron, alipores, etc.

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon