Some of my scary experiences

290 5 0
                                    


Hello Everyone! Admin, kindly hide my identity po. Thanks heaps.

I'll try to compile lahat ng mga na-experienced ko pero looks like kukulangin ang isang post para pagsama-samahin lahat hehe. For now eto na lang muna po ise-share ko.

White Lady

Nasend ko na to sa Spookify Org, 2 yrs ago. Resend ko lang para sa mga hindi nakabasa or nakakita. Nakunan ko po ito nung 2017 nung GY shift pa ako (sa BPO Industry).

June 2017 nung magla-lunch break ako around 2am-3AM to (lunch break namin kasi US timezone hehe baka ma-confuse kayo) dahil naglalakad ako mag-isa papunta sa isang convenience store nung mag-decide ako na mag-pic ng paligid ewan ko ba ano naisipan ko ba't nag-take ako ng mga pics at that time. One thing's for sure - di ko naimagine na meron pala akong mahahagip ng mga time na yon. Kayo na bahala humusga. Gusto ko lang po share sa inyo.

Doppelganger

Up until now di ko makalimutan itong pangyayari na ito. Same year 2017 this time, involve na yung kateam ko. Yung kateam ko na lalaki, let's call him Jay - ang usual routine nya is magyoyosi break lang sya pag lunch break nya na (hindi kami sabay-sabay nagbe-break kasi we have to take turns para merong maiiwan mag-take ng phone calls) dahil kami na lang naiiwan sa ganong oras na shift nasanay na ako na bigla siyang tatayo sa upuan nya at bababa pra magyosi. There's this one incident na di ko alam kung talaga bang napaglaruan ako or what. 5:30 AM magbe-break na si Jay -- so ako naman nag-aabang lng ng incoming calls while checking our mailboxes at the same time. Pagtingin ko sa dashboard namin naka-punch na si Jay for his lunchbreak. 20 mins na siyang naka-punch to be more specific. after a minute, bigla akong nagulat kasi may umubo. Paglingon ko, dahil nsa left dulo sya ng spine namin sa room nakita ko hindi pala bumaba si Jay tinake lang nya yung break nya pero nandun lng sya sa station nya. Inisip ko na baka itinulog lang nya yung break nya kaya dedma lang ako at nag-ayos na lang ng excel tracker ko.

After 20 mins, eto na... tumunog ang pintuan ng room namin and to my shock - galing sa labas si Jay! So di ko alam kung mag-a-undertime na ako sa takot nung mga time na yun! Sino pala yung nakita kong naka-slouch sa upuan nya at yung umubo?Bigla ako nag-IM sa Skype nya and told him na may nakaupo sa station nya, to my surprise mas marami pala siyang creepy and spooky experiences pag naiiwan na sya dun (1AM-10AM sya, ako 11PM-8AM) after that incident, I made sure na hindi na ako magko-cover ng mga shift ng mga mag-aabsent dahil di ko kakayanin talaga.

Maraming nakwento sakin si Jay specifically kay "Jun-jun" na famous sa mga call centers. Pag sinipag ako ikocompile ko din yun.

Melissa | Batibat

Eto "urban legend" lang ito sa isang call center na napasukan ko. Nung baguhan pa lang ako sa call center madalas akong inaantok pag bandang 2AM na kaya ginagawa ko tine-take ko yung lunch break ko pero itutulog ko lang sya. So eto na nga. One time, inaya ako nung isang ka-work ko na matulog kame sa sleeping area namin sa opis kasi pareho kaming antukin haha at para meron siyang kasama papunta dun. Yung sleeping area ng opis namin is kasama na rin ang clinic -- nandun na rin si ateng nurse na naka-duty. After namin magpalista (may limit kasi yung oras ng pag-sleep) pumili na kami ng pwesto namin, yung kasama ko let's call her Yan, sa ibabaw sya nag-sleep ako sa ilalim ng double deck. Dahil sa antok, mabilis bumigat ang talukap ng mga mata ko at nakatulog na agad. Mga ilang minuto nakalipas, parang nahihirapan akong huminga so bumalikwas ako ng pwesto pero di na ako makagalaw. Parang merong nakaupo sa dibdib ko. I was really struggling to move my body. Tsaka ko lang na-realized na binabangungot na ako. Siguro mga 2 mins akong pilit na gumagawa ng paraan na maigalaw ang katawan ko, when suddenly nagsalita yung nakadagan sa dibdib ko "GUSTO MO BANG MAKAKITA NG MULTO?"
yan exact words nya up until now tandang tanda ko pa huhuhu.

Di ko alam ba't ganyan dialogue nya. After nun, puro black lang ang nakikita ko, as in puro kadiliman lang. Ginawa ko yung bilin sakin ng nanay ko, igalaw yung hinliliit ko pag binabangungot ako, for some reason effective sya. Nakabalik na ako sa ulirat. Nung nagising na ako -- niyugyog ko na rin yung kasama ko na nasa itaas and told her na balik na kami sa floor. dedma lang and wala akong minention sa kanya. Pero bago kami bumalik sa floor, di ko alam bakit kinausap ko si ateng nurse and asked her...

"Bakit mo binibigay bag ko kay Melissa?"

Natulala yung nurse sabi nya "Sino po si Melissa?"

Nagkatinginan kami ng friend ko sabay labas ng sleeping area.

Dun ko lang nalaman na meron daw isang babae na nagpaparamdam sa opis namin and her name is Melissa - apparently she committed suicide, di ko alam bakit dun sa opis namin baka kasi merong back story behind it.

And di ko rin alam bakit ko nasabi kay nurse yun.

Sana po ay nagustuhan ninyo ang mga na-i-share kong experiences sa inyo. Sensya na po di ako ganon kahusay magkwento.

Until next time!

Storm | Pampanga

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon