Tricycle

185 5 0
                                    


Hello po mga ka-spookifiers, lagi po ako nagbabasa dito sa spookify siguro nga ito na talaga ang tambayan ko mapa-umaga man o gabi, gusto ko lang pong i-share sa inyo ang na-experienced ko, first time ko lang po ito sana po ma-i-post.

Tatlong taon na ang nakalipas nang mangyari ito, Feb 12 alalang-alala ko pa. Gabi na at inaantay ko pa sila mama at papa sa kanilang trabaho. May tricycle kami na service namin kapag pumapasok kami ng school at sila mama naman ay sa kanilang trabaho. Habang inaantay ko sila mama na mag-uwian, ang sabi sakin ni papa ay huwag na kaming magmeryenda ng kapatid ko at may pupuntahan kaming birthday-an so sinunod ko naman ang sinabi ni papa para rin makarami ako ng kain mamaya. 7pm na at nag-uwian na sila, sumakay na kami ng tricycle namin upang pumunta na kami sa birthday-an. Feb 12, birthday ng inaanak ko sa binyag na si JM (hindi niya tunay na pangalan) high school pa lamang ako ay may inaanak na ako dahil ang kasamahan ni mama sa trabaho ay kinuha ako na isa sa mga ninang ng kanyang anak kaya eto pupunta na kami sa bahay nila. Bago pa makarating sa birthday-an, ang dadaanan namin ay isang mahaba, madilim at mabatong daanan at walang gaanong dumadaan dito.

Ang pwesto namin sa tricycle ay si mama nasa likod ni papa, si papa ang nagda-drive, ako at ang kapatid ko naman na lalaki ay sa loob ng tricycle.

Kasalukuyan kaming nasa aming daanan ng may sinusundan kaming tricycle na pula. Busy ang kapatid ko dahil nagte-text, si mama naman ay nakayakap ang kanang kamay kay papa dahil nasa likod siya ni papa at ako naman ay wala lang nakatingin lang sa aming dinadaanan ng napansin ko yung sinusundan naming tricycle na pula.

Napansin ko ito dahil ang tricycle na ito ay wala man lang driver tapos naisipan kong kalabitin ang kapatid ko at ituro sa kanya ang tricycle na sinusundan namin at bigla siyang namangha at bilib na bilib at pano daw nangyari yun habang ako naman ay takot na takot na.

Kinalabit ko si mama upang sabihin sa kanya kung anuman ang nakita ko at sinabing "mama, tignan mo yung tricycle o walang nagda-drive" tapos ang sagot niya naman sakin ay "meron anak nasa loob yung nagda-drive, isang kamay lang ang gamit niya" hinayaan ko nalang ito dahil parang naniwala ako kay mama noon na nasa loob yung driver at iniisip ko na baka natatanaw rin ni mama yung driver na nasa loob dahil nasa likod lang siya ni papa.

Hindi na ako natakot dahil ganun din ang sabi ni papa na nasa loob daw ang driver.

Nang papaliko na kami at yung tricycle na pula ay diretso lang parang walang patutunguhan, napagpasyahan kong tignan ang tricycle na pula dahil papaliko naman kami sa kaliwa at isang silip lang para mapatunayan kong nasa loob nga ang driver, nang sumilip ako laking gulat ko na ang tricycle ay bigla nalang nawala na parang bula, wala namang ibang kanto na pwede niyang likuan maliban sa kanto na pinasukan namin. Mas nagulat ako sa nakita ko. Nang makarating kami sa birthday-an medyo nawala yung takot ko (sadyang kinakalimutan ko lang) natapos ang lahat-lahat ng kainan at kwentuhan ng nag-aya na si papa na umuwi dahil medyo nakainom na siya at malayo pa ang uuwian namin.

Nang nakauwi na kami bigla akong kinausap ni mama at sinabing "oo anak, wala ngang nagda-drive dun sa tricycle na sinusundan natin, ayaw lang namin ni papa mo na matakot kayo kaya nagsinungaling kami pero alam namin na takot ka na rin kanina pati kami ni papa mo natakot na din na parang may kakaiba kanina"

Mas lalo akong natakot at napaluha sa sinabi ni mama dahil halos mabaliw-baliw na ako sa kakaisip nito, isip ako ng isip kung bakit ganun kung nasa loob ang driver bakit hindi man lang gumegewang yung tricycle dahil mabato yung dinadaanan namin, as in parang semento yung daanan nung pulang tricycle habang kami ay hirap na hirap na sa daanan na yun.

Hindi na ko nakatulog nung sinabi ni mama ang totoo na wala ngang nagda-drive.

Hanggang dito nalang po yung kwento sorry po kung magulo or what salamat po sa oras ninyo sana po ay nagustuhan ninyo. God bless you po!

Financial Management Student
Santiago City, Isabela

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon