Stranger

311 8 0
                                    


Hi Admins. Paki-hide naman po ang identity ko. Salamat ng marami.

Hi Spookifiers! Pangalawang beses ko na 'tong mag-send ng story. Yung ang title 'Unusual'. Medyo may connect kasi sa naunang post ko. Sana ma-post ito, sorry kung di ako magaling magkwento. Pero sana mag-gets n'yo.

Mga alas kwatro ng umaga non, sa Negros kasi 3-4am gising na kami. Lumabas ako para bumili ng Arrozcaldo at Pandesal. Yung bahay kasi namin malapit sa Highway. At siguro 30 meters away yung sementeryo. Una private, libingan ng mga kilalang pamilya at public.
Tumawid ako para bumili kay Tiyay Nene. Nang mahagip ng tingin ko ang kapatid kong si Jom. Muntikan na kasi masagasaan ng Truck ng Tubo. Sumigaw ako sa takot. Nilingon n'ya lang ako at saka nginitian. Yung nakakalokong ngiti. Agad-agad bumalik ako sa bahay para kumustahin siya. Pero di ko siya nakita sa salas at sa kusina. "Ma, diin si Jom? Dutayan nasa bala maipit sang truck." (Ma, nasaan si Jom, muntik na siyang masagasaan). Kunot noo akong sinagot ni mama nang "Na ano ka? Atu utod mo sa kwarto tulog. Alas tres nana gani nag-abot." (Anong nangyari sa'yo? Nandoon kapatid mo sa kwarto natutulog. Alas tres na kaya umuwi yan.) Tumawa nalang ang lola at sinabing, "Masunog naman ta bayu ni Jom." (Magsusunog na naman tayo ng damit ni Jom.) Nagkibit balikat nalang ako, dahil di naman yon first time nangyari. Meron din makikita siya ni mama na nasa gate, tapos ni lolo sa kusina na may hawak na kutsilyo. Inatake ng high blood non ang lolo ko. Ewan ko kung pamahiin lang yung pagsusunog ng damit, pero kapag ginagawa wala namang may nangyayari sa kanyang masama. Di ko lang alam ba't lagi siyang ginagaya. Pati boses niya.

-----

Undas nung nakaraang taon. Halos siguro mga kapitbahay namin negosyo ang bulaklak, kandila, pailaw, tubig o kung anu-ano na pwedeng ibenta. Daanan kasi ng mga tao. Di naman bago sa'kin yung makakita ng kaluluwa. Siguro buong buhay ko, ginagawa na nila akong baliw. Nung time na yon pagod na sina mama so ako ang nagbantay. Siguro mga 7pm palang non. Marami akong customers, di na ako tumitingin sa mga tao. Abot nalang ako ng sukli sa kinukuha nila, nung bigla nalang yung ale nagsalita na parang may kasama ako. Tinatanong niya kung magkano yung malaking kandilang kulay dilaw. Tapos sabi niya "Ano ba yan, bingi ba yang kasama mo 'day?" Nung lumingon ako. Parang gusto kong umalis sa kinauupuan ko. Di ko alam kung matagal na ba siya sa likuran ko. Blurred para sakin yung image ng lalaki, pero ang pinagtataka ko lang ay bakit feeling nung ale buhay siya. Halata namang hindi na. Tapos first time ko naka-encounter ng di ko siya naramdaman. Yung bigat, yung parang mahihilo ako at dumidilim ang paligid as usual. Kakaiba sa lahat.
Pagkaalis na ng ilang customers sabi ko nalang "In Jesus Christ name, layuan mo ako" (turo sa'kin yan ng lola ko. para daw di ako gambalain) Pagmulat ko, nilingon ko siya. Nandon pa rin siya. Hinayaan ko na lang, siguro mga ilang minuto dumating si Papa. Paglingon ko wala na siya.

-----

Nitong taon, January. Sa amin naghapunan ang dating may-ari ng bahay namin. Para na rin pasasalamat at nabayaran na rin ng balance sa bahay. Rent to own kasi ito kumbaga. Habang kumakain, kwentuhan sila mama, lola, papa saka yung may-ari na lalaki at kapatid nitong si Tiyang Rona. Kami ng kapatid ko at ni lolo nakikinig lang.
Nagulat ako sa kwento ng lalaki. (nakalimutan ko kasi pangalan n'ya. isang beses ko palang siyang nakita)
"Marami ng alaala sa bahay na ito. Dito na namatay ang nanay at tatay ko. Pati na rin ang bunso naming si Cesar, nasaksak siya diyan mismo sa gate ng bahay. Siguro namatay na rin sa hinanakit ang nanay ko dahil habang kami ay himbing sa pagkakatulog sa loob, may nangyari na palang masama sa kapatid namin. Mabait na bata yon, 19 palang siya non at magtatapos na sana ng Engineering. Okay naman at napakulong naman namin yung pumatay na tinuring niyang kaibigan."
Sa dalawang taon namin sa bahay na ito. Kung anu-anong kababalaghan ang naranasan namin. Yung paggaya sa kapatid ko, parang magkatulad sila dahil 19 yrs old ang kapatid ko ngayon. Di ko alam kung siya nga ba yung gumagaya. kung siya man, di ko rin alam kung bakit niya ginagaya. After malaman ng lola ko. Nagtirik siya ng kandila sa gate ng bahay namin. Tapos kinakausap niya.

-----

Last week lang nang mapanaginipan ko ang lalaki. Parang yung scene makatotohanan, madilim at parang dama ko yung ihip ng hangin. Nakikita ko ang sarili ko na nakatanaw sa lalaki kasama pa ang mga kaibigan n'ya. Di ko sigurado kung ilan sila. Pero siguro lima o anim. Parang nasa isang compound sila nag-iinuman. Naririning ko pati yung mga tawa tapos usapan na hindi ko naman maintindihan. Tapos biglang habulan. Di ko maalala lahat pero nasa memory ko pa yung hinahabol siya hanggang makarating sa poste. Yung gate nakikita ko, pero kulay brown. Ngayon kasi green ang kulay ng gate ng bahay. Dinig ko yung paghingi niya ng tulong, pero nanay lang yung naintindihan ko o siguro naaalala ko. Di ko nakita ang mismong pagsaksak, ang nakita ko ay may saksak na siya tapos nakahawak siya sa dibdib niya. Alalang-alala ko pa na kulay pula ang polo niya. Pero paglingon ko nakita ko yung dalawang lalaki at di ko sila nakita sa kasama niya habang nagsasaya. Parang ibang tao yung may gawa sa kanya.  Pagkagising ko, para akong natataranta tapos tumakbo ako ng gate. Akala ko panaginip pa. Kinausap ako ng lola ko habang nagwawalis. Pero para akong pagod na pagod. Dalawang beses na akong nakakapanaginip ng ganito. Di ko alam kung bakit ako nakakaranas ng ganito. Sana di na maulit pa. Hayaan nalang silang maghabol. Joke.

LadyBug

Scary Stories 4Where stories live. Discover now