Burgos

192 5 0
                                    


Hi admin, I just want to share my story last 2015 when me and my colleagues went to Pangasinan. by the way I'm Katrina Yan.

That was November 2015 nung nagkayayaan kami ng mga katrabaho ko na magpunta sa Hundred Islands, Pangasinan. Ang iba ay maagang gumising kasi maaga yung call time namin pero ako hindi nakatulog masyado dahil excited 'coz that was my 1st time to go to Hundred Islands. 6am umalis na kami from Manila, 10 kami lahat and isang sasakyan lang ang gamit. Nung medyo maaga pa everything was so nice, all was so well. Sobrang saya, food trip, sound, picture-picture etc. Actually Hundred Islands lang talaga ang balak naming puntahan, wala na kaming ibang itinerary. Habang nasa biyahe saka lang namin napag-usapan na pumunta sa Enchanted Falls and Enchanted Cave and the next morning nalang mag-Hundred Islands. We all agreed na ganon na nga muna yung gawin namin sa day 1 pero may isa kaming problema, wala kaming tutuluyan if ever. One of my colleagues, si Ian meron syang kakilala na may bahay sa Burgos which is pwede naming tuluyan after namin mag-swimming sa Enchanted Falls so okay na ang lahat, going to Enchanted Falls ay liblib yung daan, rough road, magkakalayo ang mga bahay, malayo ang itsura sa dinadaanan namin na maraming establishments, patag ang daan pero okay lang kasi worth it ang sikip ng daan, layo at tagtag ng biyahe. Masasabi ko na ang ganda ng falls na yun ang saya kasi sobrang nalibang kami sa paglangoy at pagtalon sa falls, hindi namin namalayan ang oras in short inabot kami ng dilim sa daan pabalik. Habang binabaybay namin ang daan pabalik medyo natakot na ako kasi sobrang dilim tanging ilaw lang ng sasakyan at mangilan-ngilan na bahay ang makikita pero dahil madami kami habang nasa biyahe nagbibiruan nalang kami para mawala ang takot. Habang binabaybay namin ang daan papunta sa main road nabaling ang tingin ko sa isang punong malaki and laking gulat ko nung sa ibaba ng puno na yun may isang imahe ng bata, wala syang damit pantaas nakaupo sya sa ilalim ng malaking puno like wtf!. Anong gagawin ng isang bata sa ganon kadilim at kaliblib na daan pilit ko syang hindi tinignan pero nung lumampas na yung sasakyan namin sa kanya ng kaunti napatingin ulit ako sa kanya btw, sa likod po pala ako ng sasakyan nakapwesto nakatingin sya sa palayo naming sasakyan habang nakatuwad. Yung ulo nya nasa ilalim ng pagitan ng mga paa nya. Doon na lahat kami natahimik, gusto nalang naming makalabas sa lugar na yun.

FF. Nakalabas na kami sa main road nun tapos yung si Ian kinontak na yung katiwala doon sa bahay na tutuluyan namin. Sabi nya wala pang isang oras yung biyahe from our location doon sa bahay so napanatag na kami. Hindi namin alam yung  daan papunta sa bahay kaya gumamit kami ng waze. Sa una okay pa pero habang binabaybay namin yung daan unti-unti napansin namin na kaunti nalang yung mga nakakasalubong at nakakasabay namin na sasakyan at pakaunti ng pakaunti nalang yung street lights hanggang sa dumating sa point na  wala nang mga sasakyan, kami nalang ulit ang nasa daan at ilaw nalang ng sasakyan ang liwanag. Nagsimula na ulit kaming kilabutan, walang kibuan sa sasakyan lahat kami nakatutok sa daan. Tandang-tanda ko noon meron kaming nadaanan na isang tulay kasunod ng arko at kasunod ay nakahintong truck. Ilang minuto bago kami lumagpas sa nakahintong truck nawalan ng signal ang gamit naming phone na may waze sinabi nung isa kong kasama na baka meron sa aming merong waze pero ang pinagtataka namin lahat kami ay empty batt, wala kahit isa sa amin ang may charge ang phone. Huminto kami sandali sa gitna ng daan at nag-pray kinalma namin ang mga sarili namin at  pinilit na huwag mag-panic, ilang sandali pa nagpatuloy na kami sa biyahe. Ang daming bumibiyahe, lagpas isang oras na kaming  bumibiyahe hindi namin alam yung pupuntahan saka dire-diretso lang ang daan maya-maya nagulat kami kasi nadaanan na naman namin yung tulay, arko at truck na nakahinto. Dito na kami nag-panic lahat. Naiyak na ako sa sobrang takot habang nagdarasal. That time iniisip ko baka hindi na kami makaalis palabas ng daan na yun. That time sinabi namin sa nagda-drive na bumusina sya as a sign of respect sa kung anuman ang meron sa lugar na yun. Makalipas pa ang ilang minuto parang himalang meron kaming nadaanan na ginagawang daan at may mga tao na para kaming nabunutan ng tinik sa pagkakataon na yun. Nagtanong kami kung saan yung papunta doon sa lugar ng bahay na tutuluyan namin  at sa awa ng Diyos nakarating naman kami ng safe. Takang-takang yung caretaker at tinanong kung saan pa daw kami nagpunta at hindi nila kami ma-contact at inabot kmi ng 3hrs sa biyahe. Walang nagsalita that time at lahat ay maaga nang nagpahinga dahil kinabukasan ay pupunta pa ng Hundred Islands.

Thanks po admin sana ma-post.

Katrina Yan

Scary Stories 4Kde žijí příběhy. Začni objevovat