Call Center

251 10 0
                                    

I'm not good in writing stories but I'll try my best to share my experience working as a Call Center Agent. Just call Brei (not my real name). Nagtatrabaho ako bilang Customer Service Representative sa isang call center company. Maraming nagsasabi na mahirap daw ang maging call center agent, trabaho sa gabi, tulog sa umaga at walang holiday-holiday sa mga call centers, Semana Santa, kahit Christmas at New Year may trabaho pa rin. No choice, foreigners yung in-a-assist namin so sa kanila magkaiba ang holiday. Matagal na din ako sa ganung trabaho dahil hobby ko din naman ang magpuyat kahit noong hindi pa ako nagtatrabaho kaya naman siguro nasanay na ako sa trabaho ko. Night shift ang schedule ko at dahil mahirap mag-commute, minsan sa sleeping quarters na ako natutulog.

Maundy Thursday (semana santa). After ko mag-break ay nakatanggap ako ng tawag at isang babae ang customer/caller. Umabot sa punto na may kailangan akong i-process sa account nya at sinabi kong "Ma'am kindly stay on line as I need to process your request." Naririnig ko sa background noise na may kausap si Ma'am na lalaki at tingin ko ay papa nya, medyo matanda na kasi ang boses. After 3 minutes, "Alright, Ma'am? I need to verify some information from you. So I need to ask a few questions. Is it okay?"
Hindi sumagot si Ma'am. So inulit ko ang pagtatanong, nag-antay ako ng 2 minutes ngunit wala pa ring response mula sa caller. Ang tahimik sa kabilang line at wala na rin akong naririnig na nag-uusap. Napasulyap ako sa orasan, "1:11AM" so it means Good Friday na nung time na yun. "Hello Ma'am are you still there?" Tanong kong muli ng may narinig akong ingay or static sa line. Naisip ko na baka may pinuntahan saglit yung customer at iniwan ang phone nya ng hindi nya ako in-inform. I waited patiently sa answer mula sa customer ng bigla nalang may ingay akong narinig na para bang may umandar na machine, tila isang generator at sobrang ingay. "Ma'am? Are you there?" Tanong ko muli, nandun pa rin ang ingay sa kabilang line nung may narinig ako na parang kinikiskis ang phone ng caller sa table or sahig na hindi ko maipaliwanag, nang may sumigaw na isang babae na tila medyo malayo sa kinaroroonan ng phone, tumayo ang balahibo ko ng marinig ko ang sigaw na tila ba isang babaeng humihingi ng saklolo at sinasabunutan para patayin. Yung sigaw na parang sa horror movies mo lang naririnig. Nataranta na ako baka ano na ang nangyarisa customer ko nung time na yun. Nakikinig pa rin ako at umaasang sasagot si caller. Nakarinig ako na may boses ng isang malaking lalaki na parang devil sa movie ang boses, hindi maintindihan ang mga sinasabi niya at lalo pa at iba ang language, hindi ko alam kung language ba talaga yun o parang isang spell at patuloy pa rin ang mga ingay kasabay ng boses nung malaking lalaki. After 6-7minutes, naputol yung line. Tinawagan ko ang caller muli para ipagpatuloy ang nasimulang transaction.
"Hello?" Answer ni caller.
"Hi, This is Brei again Ma'am from ***. The line was disconnected so I call back to continue assisting you."
CALLER: "Oh! It's you. I'm sorry, I ended the call intentionally. I can't just stand to listen, It's sounded like someone is possessed by a demon on your end."
Nanlaki mga mata ko ng malaman ko na hindi lang pala ako ang nakarinig non.
ME: "I heard the same thing Ma'am."
CALLER: "So what was that? It's weird and creepy. I've never heard that kind of static on a telephone line before."
ME: "I don't even know Ma'am, but it's okay. Let's just go ahead and continue what we've started." Pag-i-iba ko ng usapan.
After ng shift ay naikwento ko sa team leader ko yung na-experienced ko. Sinabi nya sakin na meron din daw naka-experienced nung ganong bagay sa parehong computer station pero na-capture sa recording yung call nya ng araw na yon. Nag-i-instruct daw si lalaking agent sa customer ng nagka-static sa line at sumingit ang boses ng isang babae.
"What?!" Tanong ni customer.
Nag-apologize si agent at inulit yung sinasabi nya. Napa 'what' si customer dahil sa sumingit na boses. The day after nung pangyayari ay pinarinig sa kanya ang recording ng call nya at sabi nya pag-uwi daw nya ng bahay ay may mahaba syang sugat sa left leg nya at hindi daw nya matandaan kung saan nya nakuha ang sugat nya.
Natulog din ako sa sleeping quarters once at hindi na mauulit yun. Nagka-sleep paralysis ako at natatanaw kong may batang lalaki na nakatitig sa ibabaw ko. Hindi masyadong klaro yung mukha nya based sa nakikita ko, lubos ang pasasalamat ko ng may nag-alarm na phone at nagising ako. Sabi pa nga ng mga guards na may bata daw na pagala-gala sa training rooms at naglalaro ng mga keyboards. "Junjun" ang tawag namin sa batang lalaki at kahit saang Call Centers merong "Junjun", diba mga CC agents?
Yun yung pinaka-unforgettable call ko. After nun ay hindi na ako umupo ulit sa ganung station.

~Brei_xx

Scary Stories 4Donde viven las historias. Descúbrelo ahora