My Unknown Identity (Parts 1-2)

221 4 1
                                    


PART 1

Hi! Silent reader ako dito at nagbabasa ako tuwing vacant ko sa school. Gusto ko lang sanang magkwento tungkol sa nangyari sa akin.

18 years old ako at kakaiba ang pamumuhay ko sa mundong ito simula ng naging teenager ako. May kakayahan na akong makita ang nakaraan at ang kasalukuyan na mga pangyayari. Hawakan ko lang ang isang gamit malalaman ko na ang emosyon ng taong gumamit nito. Kapag natutulala ako minsan nakikita ko naman ang pwedeng mangyari sa future. Pero ngayon iba na, titigan ko na lang alam ko na. Kaya ko din basahin kung anong nararamdaman mo sa pagtitig sa mga mata at sa simpleng drawing lang at ganoon din kapag nahawakan ko na ang isang tao. Kaya ko ding makipag-usap sa mga kaluluwa sa panaginip at habang gising kasi kadalasan dalawa kami sa katawan ko.

Paano nagsimula ang lahat? Bata pa lang ako lapitin na ako ng mga kaluluwa sa di malamang kadahilanan. Noon nanaginip ako ng isang matandang babae hinawakan niya ako sa balikat tapos sabi niya "Hawakan mo lang malalaman mo na ang nakaraan at mangyayari." Ang galing 'no? Pero sa una ang weird talaga ng ganoon parang isang malaking joke sa buhay ko pero sinubukan ko baka naman kasi totoo yung sinasabi ni lola.

Para malinawan kayo, ito yung istorya paano ko nagagawa yun. Nasa school ako noon maraming istorya ang naglalaro sa school na yun tungkol sa history niya, ilan naman ang sabi hospital tapos naging school na pero di ako naniniwala sa laki noon. Edi ito nga si ako, pumunta ako sa pinaka-lobby ng school at umupo sa sahig kung saan ko nilapag yung mga kamay ko nanahimik saka pumikit. Nakita ko lahat-lahat sa school, yung lobby kung nasaan ako nakaupo, doon pinatay lahat ng mga nagtatago tapos yung simbahan sa tapat ng lobby ay isang kulungan at yung computer laboratory ay isang morgue. Maraming umiiyak, nagmamakaawa at sinasaktan. Nalaman ko din ang school ko dati ay isang talahib na lugar na building na taguan sa Japan Era sa akin. Sa mga nalaman ko kinausap ko yung guard na kaibigan ko na din, e di kinuwento ko lahat-lahat ng nalaman ko pero tulala siya tas ayun kinuha ko ang attention ni kuya bigla niyang pinitik ang noo ko at doon ko nakita yung puting babae sa guard house.

Maliban sa mga nakaraan, nakakaramdam din ako ng bigla-bigla kung may kaluluwa o wala. Gabi na noon nasa biyahe pa kami ng pamilya ko roadtrip, nasa isang lugar kami tas madilim. Nakatingin lang ako sa salamin tas ang bigat ng pakiramdam ko na parang may nakadagan. Pero ang malala may nararamdaman akong mga nakatingin, humihingi ng tulong, umliyak at mga patay tapos labas pasok. Sinubukan ko ipikit mga mata ko at doon na ako simulang matakot, yung mga nararamdaman ko nakatunghay na sa salamin ng mga kotse na dumadaan doon tas yung isang malaking garden doon kung saan nakahinto yung kotse namin ay isang American hospital noon pa sa era ng sinakop tayo. Ang daming patay halo-halo mga bangkay ng patay sa hindi. Malagim talaga.

Di ko alam kung bakit napunta sa akin yan pero kung ako ang tatanungin, di ko gusto kasi kung anu-ano na lang ang nakikita ko kahit nakapikit at kahit nga pader ng bahay namin may nakikita akong nakaraan na di ko gusto.

Marami pang kaganapan sa buhay ko. Yan muna ang ikukuwento ko sa inyo bago yung ibang abilidad na mayron ako. Kung may tanong kayo huwag mahihiya.

PART 2

Binasa ko yung mga comments nyo simula umaga na paggising ko at yung inaasahan kong mangyari na may di naniniwala. Siguro ako kapag nasa lugar nyo iisipin kung gawa-gawa lang lahat, hindi ko po kayo pinipilit maniwala sa mga kinukwento ko pero salamat po sa mga opinion nyo.

Take note, binisita ko yung mga fb ng ibang nag-comment at may nakakatuwang mangyayari sa kanila at ilan naman kaya nyo yan.

Ito na po yung mga katanungan nyo.

Q#1. SA DAMI NYO NA MAY GANYANG ABILIDAD. SA TINGIN MO ANO ANG PAGKAKAIBA NYO?.
- Siguro kung paano kami mamuhay sa abilidad na mayron na kami saka yung pagkakaiba namin ay yung kung anong mayron kami.

Scary Stories 4Où les histoires vivent. Découvrez maintenant