Buhay ang kapalit

216 5 0
                                    


Hello Spookifiers! I'm here again. Vienne from Iloilo City. Sabi ko last time magkukuwento ako more tungkol sa Antique creeps but this is more interesting. And thank you nga pala admin for posting my first story! Simulan na natin..

Ang school namin noon ay kilala sa tawag na Mang Tomas Community High School at ngayo'y naging Mang Tomas National High School na (not the school's real name syempre) So ayun, over the years, di ko talaga maiwasang makarinig ng iba't ibang nakakatakot na kwento tungkol sa school namin. And I, myself experienced a lot too. I heard this one shocking story tungkol sa construction ng 2-storey Administration Building ng school. Yung school namin originally is cemetery pero it's a non-catholic cemetery so hindi tlaga ito ganun kalinis at hindi naaayos. It's not just a story kasi yung cemetery is still existing now sa likod ng school namin. So dahil nga private yung cemetery at ang mga hindi nabebendisyunan or mga corpse na walang nagmamay-ari yung mostly na inililibing. So walang tagapaglinis, magulo at hindi name-maintain. Over the years, naging mini forest ito with sobrang malalaking mga puno (ewan lang kung mapi-picture out nyo). When the school was first built noong 1966, most part ng cemetery in-occupy ng school so yung cemetery sa likod ng school hindi na ganun kalaki. And yung mga punong malalaki, as believed by the elder teachers ay may naninirahan. So merong mga puno na na-enclose sa school and hindi nila ito ginalaw not until 1987.

Year 1987, meron lang dalawang office ang school and hindi ito enough para sa lumalagong population ng mga teachers at students. Nagpulong ang Principal at mga heads ng school na magpatayo ng 2-storey Administration Building na may sapat na offices at Labs. Pinagdesisyunan nila na putulin ang isang pinakamalaking puno at doon mismo itatayo ang Administration Building. Na-i-schedule na ang mismong construction period at meron na ring mga construction workers.

April 1988, bakasyon, sinimulan ang construction ng Admin Bldg. Gamit ang chainsaw walang pagdadalawang isip na pinutol ang napakalaking puno at nilinis ang napakalaking espasyo na pagtatayuan ng building. Pero nung gabi matapos maputol ang puno, nagkasakit ang mamang mismong pumutol ng puno at pagkaraan ng ilang araw ay namatay. Coincidence lang kaya ang lahat? Tuloy pa din sa pagsasagawa ng  building ang mga construction workers kahit unti-unting nagkakasakit ang ilan pa nilang kasama. Nabalitaan din ang pagkamatay ng Principal ng school. Inatake sa puso si Ma'am Reyes (hndi totoong apelyido) at nakitang nakabulagta sa kwarto nito. Ikinalungkot ng buong school ang nangyari kay ma'am and sumunod rin ang isang head na asawa ni Sir Gallido (not his real surname) na agarang namatay dahil sa cancer at hanggang ngayon hindi nito malilimutan ang pgkawala ng asawa. Ilang araw bago inilibing si Sir Gallido, isinugod naman sa ospital ang isang head na nakitang may butas sa baga, hindi din nagtagal at binawian din ng buhay. Ang iba pang heads na pasimuno ng lahat ay nawalan ng buhay dahil sa pagpapatayo ng Admin Bldg. Meron ding mga construction workers na hindi nakatakas sa kababalaghan. Haka-haka man ang mga pangyayaring ito sa iba, hindi pa rin natin maipagkakaila ang mga elementong maaaring nagambala sa pagkawala ng punong maaaring nagsilbing tahanan nila.

Hanggang ngayon, patuloy pa ding ginagamit ang Admin Bldg. At marami na ang nagpatunay sa misteryong bumabalot sa building na yon. Teacher na dumaan at nakarinig na pinaglalaruan ang keyboard sa loob ng Computer Lab habang naka-lock. School guard na nakarinig ng halakhak ng mga naglalarong bata sa 2nd floor habang naka-lock at nakasara ang mini gate paakyat ng hagdan. May gumagalang mabibigat ang mga paa na may kasamang tunog ng kadena na dinig sa buong building, minsan may maaamoy ng sobrang bangong bulaklak na hndi malaman-laman kung saan nagmumula at marami pang hndi maipaliwanag na pangyayari. Marami mang buhay ang nawala, ang sinakripisyo naman ng mga tao sa likod ng pagpapatayo ng Admin Building ay hindi matatawaran.

Vienne
Iloilo City

Scary Stories 4Where stories live. Discover now