Diplomat

1.1K 30 0
                                    


It was wayback July 2018, nasa Baguio City kami for a 3 days tour. Di maganda ang panahon nung time na pumunta kami, maya't maya ang pagbuhos ng malakas na ulan at sobrang lamig.

Hapon na nang dumating kami kaya nag-decide kami na kumain lang muna sa labas at magpahinga nalang. Nung second day, dinala kami ng taxi driver na ni-rent namin sa Diplomat Hotel (actually nung time na ito hindi namin alam na papunta na kaming Diplomat dahil ayaw nyang sabihin at basta daw kaya di kami prepared). Pagkababa namin, iniwan nya na kami dun at mag-aantay daw sya sa may labas. Pagpasok namin, wala masyadong tao at tahimik (dalawang tao lang dinatnan naming nag-iikot sa baba). Dahil na rin siguro sa sama ng panahon at wala masyadong guest. Mabigat sa pakiramdam habang naglalakad at naglilibot ako sa lugar. Ang nasa isip ko ng mga panahon na ito, inaapakan ko ngayon yung lugar kung saan maraming inosenteng namatay noong giyera. At parang ang daming nakatingin sayo pero wala naman, creepy. Sayang lang at di kami nakaakyat sa taas kasi sabi ni Kuyang Guard bawal na daw.

Mga 10pm pag-uwi namin, nag-ayos-ayos na kami para matulog. Habang nagha-half bath ako, napapatingin ako palagi sa salamin ng CR na para bang may nagsasabi sakin na tumingin ako don. Parang may energy sa salamin na di ko mawari, ang weird. Matutulog na kami, ayoko sanang i-off ang TV at ilaw ng time na ito para may konting ingay sana at maliwanag (kahit na di talaga ako sanay matulog ng maliwanag at maingay) di ko alam pero parang nakakaramdam ako ng takot, pero di makatulog kasama ko kaya in-off ko nalang. After mga 15-20mins siguro yun, biglang bumukas yung pinto sa may terrace ng room namin (kaharap lang nun ang bed namin). Sobrang lakas ng hangin, nagulat kami at mga 2 mins siguro bago kami nagkalakas ng loob na lapitan at isara. Nagtaka kami pano sya bumukas dahil ni-locked namin ang mga pinto bago matulog.

Natutulog na kami ng bigla akong napabangon at hinahapos dahil nanaginip akong may sumasakal saking madre na nakakulay itim at walang mukha. Naalimpungatan ang kasama ko at tinanong ako ano nangyari. Ang sabi ko pa sa kanya, "Ba't di mo ko tinulungan? Tinatawag kita kanina, sinasakal ako nung madre" sagot nya sakin wala naman daw siyang naririnig. Dahil dun sa bangungot ko, nasa eksaktong kinahihigaan ko lang nangyari na para bang gising talaga ako at feeling ko nakakasigaw ako. Ni-check ko ang oras sa phone, 2:50am. Pagkatapos nun ay nagdasal kami ng taimtim. Di ako agad nakatulog dahil pakiramdam ko nandyan lang sya sa tabi.

Nag-search ako sa youtube ng mga documentaries about sa Diplomat Hotel ng Baguio. May napanuod ako na interview ng isa sa mga guards na nagtrabaho dito, at sabi-sabi daw na pag pumasok ka sa Diplomat meron daw iba na sinusundan ng kaluluwa at nagpaparamdam sa kanila.

199x kid ~

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon