Maligno, Dasal, Bintana & Halik

249 6 0
                                    


Hi I'm Jaymie, first time ko mag-share ng stories ko dito, ayon po ito sa totoong kwento at pangyayari, sana magustuhan nyo. Salamat!.

MALIGNO

Taong 2011, sa bahay ng aking lolo kami nakatira sa Makati, kakatapos lang namin maghapunan at ako ang nakatoka sa paghuhugas ng plato, at habang hinuhugasan ko ang aming pinagkainan, pakanta-kanta pa ako non ng napansin ko banda sa may bintana ng lababo namin ay parang may nakatingin sakin, pagtingin ko sa bintana hindi ako nagkamali at may nakita akong maitim na tao. Talaga namang napakaitim ng balat nito at hindi naman kalakihan na tao. Nanlilisik at namumula ang mga mata nito. Sa mga oras na yun hindi ako makasigaw kahit gustong-gusto ko ng sumigaw, ni hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Natakot talaga ako dahil nagkatitigan talaga kami at nagkaroon ako ng lakas para tumakbo paakyat ng kwarto. Habang paakyat ako nadapa-dapa pa ako sa hagdan sa sobrang takot at pag-akyat ko tinanong nila bakit namumutla at tumatakbo ako paakyat, kinuwento ko sa kanila ung nakita ko at bumaba sila para tignan pero pagtingin nila wala namang ibang tao, sobrang natakot talaga ako at simula non, hindi na ako naghuhugas mag-isa at pinalagyan na ng ate ko ng kurtina ang bintana para may takip.

DASAL

Pagkatapos kong makita ang taong itim sa aming bintana, hindi ako nakatulog at talaga namang nagkasakit ako, sinabi mg tita ko na dalhin nga ako sa manggagamot para malaman bakit ako nagkasakit at hindi nagdalawang isip ang kapatid ko na dalhin ako duon sa sinabing manggagamot, may ginawa siyang parang ritwal bago maggamot, dasal-dasal ganyan. Pagkatapos nya akong gamutin lumabas sa tawas nya ay isang duwendeng itim. At pinakita nya sa amin ang piraso ng papel at hugis duwende at kulay itim ang kulay nito. At nakauwi na kami sa bahay at tapos na din maghapunan, at dahil ayaw nila akong iwan, sama-sama kaming natulog sa isang kwarto at sabay-sabay kaming nagdasal. At habang nagdarasal kami, biglang lumakas ang hangin sa aming paligid at nagkakalampagan ang mga plato at kutsara sa baba ng aming bahay, takot na takot kaming lahat kaya naman pati ang pagdarasal namin ay mali-mali na ang bigkas. Yung tipong ayaw nilang ituloy namin ang pagdarasal at sabi ng ate ko lakasan daw namin ang pagdarasal. Hanggang sa natapos namin ang dasal at naging kalma na ang paligid.

BINTANA

Nag-aagaw na ang liwanag at ang dilim ng ako ay makatulog sa aming kwarto, sanay kasi akong nakapatay ang mga ilaw kapag natutulog, sakto naman kadarating lang ng tita ko galing trabaho at umakyat siya para magbihis. Paglabas nya ng kwarto nya at bukas naman ang pinto ng aking aming kwarto may nakita syang anino na may nakasilip sa bintana parang tila pinagmamasdan ako matulog. Nang lumapit ang tita ko bigla itong nawala ng napakabilis, kaya naman ginising nya ako at binuksan ang ilaw, at ikinuwento ang nakita nya, simula noon hndi na ako nagpapatay ng ilaw kapag matutulog at hindi na rin ako pinatutulog mag-isa.

HALIK

Madaling araw habang ako ay natutulog, katabi ko ang 2 kong kapatid, pakiramdam ko may humahalik sa leeg ko at sa buong katawan ko at dahan-dahang binababa ang salawal ko, nakikita ko ang ginagawa sakin ngunit hndi ko makita sa panaginip ko ang gumagawa sa akin nito at talaga namang parang may ginagawa sakin na kakaiba, nagising ako sa panaginip ko. Parang totoong-totoo, pagtingin ko sa aking salawal nakababa ito hanggang hita, nakagawian ko na kasing matulog ng naka-dress lang at minsan naman ay malaki t-shirt lang, nagtataka ako ng makita kong nakababa na ito at ang mga katabi kong kapatid, sila'y tulog na tulog, natatakot na talaga ako at 2 beses iyon nangyari sa akin. Ikinuwento ko yon sa mga kapatid ko at natakot na din sila kasi nga baka hinahalay na ako ng hindi namin nalalaman, nagpunta uli kami sa manggagamot na unang gumamot sa akin nung nagkasakit ako, ganun padin ang ritwal at lumabas sa tawas ay anino pa din at sinabi nya din na gustong-gusto daw ako ng malignong iyon, at nabanggit pa niya na gusto akong kunin para maging prinsesa at nagtutugma naman iyon sa aking mga panaginip na minsan naglalalakad ako sa isang hardin na napakaganda ang mga bulaklak at talaga namang ngayon lang ako nakakita ng ganung bulaklak, patuloy akong naglalalakad at pumasok sa malaking bahay, hindi ko alam na may kausap ako pero bakit hindi ko sila makita, at pilit pinakakain sakin ang pagkain na nakahain, hindi ko talaga yun kinain at pilit nilang pinasusubo, hanggang sa nagising nalang ako umaga na pala, at kakaibang panaginip na naman iyon. Sunod-sunod na takot na ang nararamdaman ko, pakiramdam ko nababaliw na ako, natatakot na din ako magsabi sa ibang tao baka hindi ako paniwalaan at baka ako ay pagtawanan lamang, kaya pinasya kong itago nalang ito..

Jaymie

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon