Yamada-kun and The Unknown Entity (Part 1)

520 9 1
                                    


A/N : mababasa po sa Scary Stories 1 ang iba pang kwento ni Yamada. salamat. Enjou reading!

*********

May mga tao na naniniwala sa mga bagay na wala namang sapat na batayan. May mga taong bumabase sa nakikita bago maniwala. May mga taong kahit totoo naman pero sarado ang isip sa katotohanan. May mga tao naman na sadyang walang pakialam. Pero ako basta may pagkain tapos ang usapan. Matapos mangyari yung sa amin ng mga kapatid ko, naging normal naman ang buhay ko kahit paano. Hanggang sa nakagat ako ng kakaibang uri ng insekto-- si Ken. Nung una hindi ko alam kung ano siya. Engkanto, maligno, lamang lupa o demonyo. Ang gulo. Ang gulo-gulo haynaku. Ako lang ang nakakakita sa kanya. Minsan iniisip ko kung nababaliw na ba ako o sadyang pinaglalaruan na lang ako ng imahinasyon ko. Minsan lilitaw na lang siya bigla sa bahay dahil hindi rin naman siya nakikita ng mga kapatid ko. Minsan nahahagip siya ng paningin ko kapag nasa labas ako, sa bus, sa jeep parang nakakasabay ko siya. Minsan din sa panaginip pero di ko maalala yung mga nangyari. May ibat-ibang paraan para makausap ko siya.

Katulad nga ng sabi ko dati, na sa kanya galing yung mga insektong ginamit ko para magawa yung bagay na yun na napakaimposible. May kakayahan si Ken na kumontrol ng insekto. Insekto lang, hindi kasama ang mga arachnids (Spiders, scorpions) at myriapods (Centipedes). Kaya niyang utusan, kaya niyang gamitin yung mga sting panglaban (Di ko pa nakita 'to), kaya niyang magmistulang hugis tao (Nakakakilabot nung nasaksihan ko). Nung napadalas ang pagpapakita sa akin ni Ken, e napadalas din ang paggamit ko ng insekto niya. Dahil dito nakakapunta ang mga mata ko kung saan-saan. Depende sa klase ng insekto. Paru-paro para sa mapanganib na lugar. Tipaklong sa matataas na lugar. Salagubang sa madalas na may namamatay. Bubuyog sa lugar na laging pinupuntahan ng mga taong gustong mapag-isa. Mantis para sa lugar na saksi sa mga magandang pangyayari. Robberfly para sa mga lugar na iniiwasan ng lahat. At ang pinakamalala ay ipis. Siyempre di ko sinubukan ano ba. Lahat ng insektong ito ay kulay itim at may markang bungo sa mga pakpak at nakikita rin sila ng mga kapatid ko.

Pero aaminin ko, naengganyo ako non. Nasilaw. Sino ba namang di matutuwa diba kung magkaroon ka ng ganong kakayahan. Lagi kong excuse sa sarili ko nun hindi naman ito maituturing na pangungulam kaya siguro pwede naman kahit papaano.

Pero ano nga ba talaga si Ken. Bakit ako lang ang nakakakita sa kanya. Una sa mga napansin ko sa kanya ay wala siyang anino. Pangalawa wala siyang reflection sa salamin. Pangatlo hindi siya naka-capture ng camera. Pang-apat wala siyang philtrum. Ganito yan, ang lens ng camera ay base sa mata ng tao. Lahat ng nakikita ng mata ng tao ay kita din camera. Lahat ng bagay dito sa mundo ay nag-eemit ng frequency, mapatao, mapahayop, solid, liquid and gases. Ang Electromagnetic spectrum ay binubuo ng ibat-ibang frequencies. Among these frequencies may tinatawag tayong visible light, dito pumapasok ang roygbv. Ang visible light syempre self-explanatory na, ito ang kita sa mata ng tao. May tinatawag tayo ditong white light na kapag tumama sa isang medium (Syempre nag-eemit tayo ng frequency) e mag-eemit ng certain color na kita sa mata natin.

Anything that goes below and beyond that band (visible light) ay hindi na kita sa mata ng tao, walang reflection sa salamin at dahil nakakatagos dito ang sun rays walang formation ng anino. For example sound waves, xrays, radiowaves, infrared. Naisip ko na isa sa mga frequency na ito ang ini-emit ni Ken kaya siya hindi nakikita ng mga normal na mata at ng camera. Actually may mga paranormal "experts" na gumagamit ng electromagnetic detectors para sa mga cases nila. Di ko alam kung paano nila kina-classify yung mga nade-detect nila. Pero di ko alam dahil minsan diba may mga kaso na may sumisingit sa mga pictures.

Nung January 2016 dumating ang kababata/pinsan naming sa kuya Eibon, anak ni uncle Raul na kapatid rin ni mama. Si uncle Raul kinakatakutan noon dahil kilala siyang mambabarang sa kabisayaan. Walang manggagamot ang nakakapagbawi ng barang niya. Nga lang patay na rin siya. Si kuya Eibon, panglima sa magkakapatid, kasing edad ni Era. As usual affiliated sa witchcraft. Nakarating pa siya ng Malaysia, Thailand at India para matutunan ang uri ng pangkukulam doon. Aware si kuya noon sa aming pito except sa paggamit ko ng mga insekto. Di siya tumatanggap ng mga kliyente para mangkulam. Basta curious lang siya. Sa sobrang curious, may mga bagay na di niya alam nakakatakot na pag ginagawa niya. Blogger si kuya Eibon, nagtuturo ng occult facts at kung anu-ano pa. Isa sa mga hindi kapani-paniwalang spell na kayang niyang gawin ay may hawig sa expelliarmus. Tatlong palakpak kasabay ng isang orasyon *** **** ** *** ay nagagawa niyang bitawan ng kaaway niya ang kutsilyo o alin mang matatalim na bagay. Dalawang palakpak kaya niyang pasunurin ang isang hayop. Isang palakpak kaya niyang alisin panandalian ang ulirat ng isang tao. Bawat pagdikit ng palad dalawang segundo ang pagitan kaya medyo mabagal. Tatlong segundo naman ang pagitan pag magkaibang orasyon. Alam din naman ito ni Auntie Rem pero mas master ni Kuya Eibon. Pagkatapos niyang grumaduate ng highschool dalawang taon lang siya sa college tapos nakalipad na siya sa Malaysia, dito na nagsimula ang mas malalim na curiosity niya sa pangungulam. Naging part siya ng ibat-ibang samahan doon pero di rin siya nagtatagal. Isa sa mga nakakatakot na experience na nakwento sa akin ni kuya ay ang human sacrifice. Fundamental of witchcraft ang human sacrifice sa Malaysia. Talamak dito ang witch sabbath. Kumbaga sa normal na relihiyon ito yung tinatawag na abuloy. Madalas mga batang palaboy ang biktima. Sa pamamagitan nito nakakapanggamot sila ng mga sakit, nakakahanap ng mga bagay at tao na nawawala. Nakakatawa na buhay sa buhay ang kapalit. Iba rin talaga ang mga bagay na kayang gawin ng tao.

Scary Stories 4Where stories live. Discover now