Parusa o Abilidad?

353 12 0
                                    


Hi spookify, Avid reader ako dito. Nagbabasa ako lalo na tuwing 2am ng madaling araw or sa mga oras na di talaga ako makatulog. Nag-try na din akong mag-share ng story ko before. Sana ito ay matanggap na. Anyway, bago ko umpisahan ang kwento ko uunahan ko na kayo na hindi ako ganun kagaling magkwento.  Frustrated writer ako, so please bare with me. Nagsulat ako dahil litong-lito na ako sa kakayahan na meron ako. Gulong-gulo ako at hindi ko na alam ano ito.

Itago nyo nalang ako sa pangalang Sammie. (hindi tunay na pangalan) Mahirap man paniwalan pero I have this ability to see and talk with the ghost and ng mga iba't ibang klase ng entities. (Tikbalang, Dwende, White Lady, Black Lady) name it I can really talk to them. I can also read people's mind. Through their eyes malalaman ko kung ano ang ugali ng isang tao. Kayang-kaya ko ring i-throwback ang nangyari before.

It all started when I was young. Bata palang ako lapitin na daw talaga ako ng mga iba't ibang klasi ng entities. Aware naman ako sa kwento ng mommy ko na yon dahil 4 years old ako ng makakita ako ng dwende. Madalas akong magkasakit, lagnatin minsan na-o-ospital pa pero minsan naman ay konting patawas lang sa albularyo ay gumagaling na ako.

2nd year high school ako ng mahilig akong sobra sa mga multo, sa third eye and everything na hindi nakikita ng ating mga karaniwang mata. Ewan ko, madalas din kasing sabihin ng iba  na may third eye daw ako. There's this man sa school na sobrang close ko. Sa kanya kami um-o-order ng pagkain sa school. Nasabi ko sa kanya na nakakahiligan ko yun. Di ko makakalimutan ang sinabi niya na mayroon siyang libro about third eye. Ipapahiram niya daw sa akin yon. Umasa ako. Pero everyday pag tinatanong ko nasan na palagi niya nalang nakakalimutan. So I decided na huwag ng umasa don. Ginawa ko nag-explore akong mag-isa ko.

Bakasyon na, pasyal dito gala doon. Hindi ako naggagala ng may araw. Madalas sa gabi ako naglalabas-labas. May hawak akong camera habang nakatambay kami sa bahay ng kaibigan ko ng maisipan kong mag-ghost hunting.

"Saan ka pupunta?" "Basta!" Sagot ko at iniwan sila. Lumapit ako sa poste at pinicturan ito. "kung sinumang nandito please magpakita ka sa picture pero huwag sa personal!" Saad ko sa isip ko sabay click sa camera na hawak ko. Paulit-ulit ko itong pinindot pero walang lumitaw. Itim lang ang paligid poste at ang blue na gate na katabi ng poste lang ang lumitaw sa picture. Nadismaya ako kaya naisipan kong mag-ikot-ikot pa. Dahil baka sakali makatiyempo ako. Nang matapos na ay tsaka ako bumalik sa mga kaibigan ko.

"Oh may napala ka ba?" Tanong ni Jana sa akin. Tinignan ko isa-isa ang mga larawan pero wala man lang akong nakuhanan. "Badtrip!" Sagot ko. Alas dose na ng mapagpasyahan na naming umuwi. May sarili akong kwarto pero napagpasyahan kong tumabi sa kapatid ko. Dahil natatakot ako. Oo ang tanga ko diba? Naggo-ghost hunting pero natatakot. "Pahiram ng cellphone mo." Sabi niya. Binigay ko naman kaagad habang ako ay nagpapatulog na.

"Tangina ano 'to?!" Nagulat ako ng biglang sumigaw ang kapatid ko. Biglang humangin sa lugar namin hindi namin alam kung dahil ba sa aircon o talagang may parang dumaan.

Tinignan ko ang litrato na kinagulat niya at ganon din ang naging reaksyon ko. Bigla akong nanlambot. "Kanina wala 'to ah?! Gago ka may ginawa ka ba?!" Nanginginig na ako sa takot.

"Bobo ka ba? Tumitingin lang ako ng picture mo tas nakita ko yan eh!" Sigaw din niya. Zinoom in ko yung picture para malaman kung ano talaga 'to. Shet! Ng i-zoom in ko muntik na akong mahimatay! Isang babaeng nakaputi nakalutang siya at walang paa sa tabi ng poste. Agad kong binitawan ang cellphone ko at nagtalukbong kami ng kumot. Pilit naming kinakalimutan ang nakita namin.

Kinabukasan. Napagpasyahan naming ipakita ito sa lahat ng pamilya namin. Maging sila ay nagulat at hindi makapaniwala. Sobrang halata kasi yung babae sa picture. Kumalat ang larawan sa buong street namin. Kinagabihan tumambay na naman kami sa bahay ng kaibigan ko ng biglang lapitan ako nung kapitbahay nilang lalaki.

"Uy Sam! patingin naman nung sinasabi nilang picture." Agad kong binigay sa kanya ang cellphone ko at sinuri niya ng mabuti ito. "Hindi ba edited to?" Bigla akong nainis sa tanong niya. "Gago ba't ko naman gagawin yun?" Sabi ko. "Hindi ako maniniwala dito." "E di huwag!" Saad ko. Aalis na sana ako ng bigla niya akong hilain ulit. "Picturan mo ulit yung lugar! Kapag yan naging ganyan ulit maniniwala na ako." Ayoko sa lahat yung sinusubukan ako. Lumapit ako doon sa poste at ginawa ko pinagpipicturan ko ulit yon.

"Magpakita ka!" Ulit-ulit kong saad. Nakailang take ako pero walang nagpakitang babaeng nakaputi. Napahiya ako. Pero hinayaan ko na lang basta ako alam ko sa sarili kong hindi edited yun.

Alas dose na uwian na naman namin ulit. Sa sala kami natulog kasama ng kapatid ko. Sobrang lamig kaya bigla akong nagising. Tinignan ko ang cellphone ko at tinignan ko ang oras. 3:02am. Bigla akong natakot dahil alam kong sa mga oras na ito sinasabi nila ay may nakamasid sayo kaya ka nagigising. Tumingin-tingin ako sa paligid at ng dumako ang tingin ko sa bintana ay bigla akong nanginig sa takot. Yung babaeng pilit kong pinapalabas sa picture kanina ay biglang nasa bintana. Nakalutang walang paa. Pinikit-pikit ko ang mata ko pero walang nangyari. Nandon pa rin siya. Nag-sorry ako at nagdasal ng paulit-ulit. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at kinumutan ko ang sarili ko mula ulo hanggang paa. Nakatulog naman ako at paggising ko wala na sya.

Sobrang haba pa ng kwento ko pero hanggang dito nalang muna dahil habang tina-type ko ito ay nandito na naman siya sa bintana ng kwarto ko nakamasid at nagsisitaasan ang mga balahibo ko.

Please, tulungan nyo ako. Hindi ko alam kung parusa ito o isang gift na nade-develop ko palang. ipo-post ko ang kasunod na kwento sa susunod. Pasensya na mahaba at bitin.

Sammie
Manila

Scary Stories 4Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang