Creepy sa Japan

208 8 0
                                    


Hi Admin, sana ma-i-post po ito.

Hi I'm Bella, gusto ko lang sanang i-share ang na-experienced ko when I was in Japan way back 2016. Actually, ayoko talaga sanang magpunta sa Japan that time kasi ayokong iwan ang jowa ko plus may work ako. But since need talaga ng kapatid ko na may makakasama mga anak niya sa bahay kapag nasa work sila ng bayaw ko ay pumayag na ako. In less than 3 weeks nasa Japan na ako 3 days lang kasi binaba na yung visa ko.

Unang tapak ko sa bahay ng ate ko sa Japan iba agad ang na-feel ko. Ang bigat sa pakiramdam na parang pati pakiramdam ko nadadala sa lungkot. Hindi ko agad sinabi sa kanya. So ayun tamang kwentuhan, kumustahan hanggang inabot na kami ng madaling araw. Sa sobrang antok ko na nga yata nun tinulugan ko na ang ate ko. Pero yung panaginip ko tumatak sakin hanggang paggising ko. Sa panaginip ko kasi may nakita akong haponesang bata na sa tingin ko kaedaran ng pamangkin ko 4 years old at isang babae na hapon din na nakaputing bestida, hanggang lagpas balikat ang buhok, singkit at matalim ang mata at pakiwari ko putlang-putla siya. Parang galit na galit sa akin yung babae, kahit saan ako tumingin nandun siya matalim ang titig hanggang sa nagulat ako papalapit siya sakin at pakiwari ko di ako makahinga. Naramdaman ko may humawak sa ibabang damit ko pagtingin ko yung batang babe nakatingala siya sa akin. Bigla akong nagising.

Lumipas yung ilang araw saka nagkwento ang ate ko sa mga kababalaghang nararanasan nilang mag-anak sa bahay na yun. Noong una natakot ako kasi unang gabi ko ni-welcome na agad ako nung dalawa pero naisip ko din hindi ako dapat matakot kasi buhay ako sila ay mga kaluluwa na lang. Mas makapangyarihan ang pananampalataya. Ikinuwento ko din sa ate ko ang panaginip ko at dinescribe yung nakita ko, sobrang natakot ang ate ko kasi pareho pala kami ng nakita ng kaibigan niya, ang pinagkaiba lang, ako sa panaginip pinasok yung kaibigan niya sa mismong kusina ng ate ko nagpakita, nakadungaw daw sa pintuan nila na may salaming transparent kita ang likod.

• May experienced din mga pamangkin ko na sobrang nakakatakot. Katulad ng pamangkin kong si "Ana". Naglalaro lang daw silang magkakapatid ng biglang may humawak sa binti niya kaya siya bumagsak sa sahig. Nung chineck daw ng ate ko ang binti niya may bakas ng daliri silang nakita.

• Meron ding scenario na tumunog ng kusa yung laruan ng pamangkin ko na jeep-jeepan na nakatago sa genkan. Nagpalipat-lipat ng tunog, ang pinagtataka ng ate ko kung nasanggi lang hindi dapat maglipat-lipat ang tunog unless iniikot yung manibela ng jeep-jeepan ng pamangkin ko.

• Pinaka-worst na nangyari sakin. Pinapatulog ko ang bunso kong pamangkin sa sala. E medyo nagwawagamama, pinalo ko ng mahina yung paa kasi nagwawala, nang biglang sumara yung sliding door sa harap ko ng pagkalakas-lakas. Sa sobrang lakas yung pamangkin ko biglang tumigil sa pagwawala sabay yakap sakin at kita kong takot na takot siya. Ang ginawa ko binuksan ko ulit yung pinto kahit nanginginig mga tuhod ko pati kurtina sabay nagpatugtog ako ng worship songs. Nung dumating yung bayaw ko saka ate ko sinabi ko agad ang nangyari. Kinausap nila ang pamangkin ko tinanong nila kung sino gumawa nun, ang sagot niya "mama" niya daw. Kaya natakot kaming lahat. Kasi napakaimposibleng sumara ng malakas yung pinto dahil may magnet yun sa ilalim proteksyon sa mga bata para walang maipit.

Marami pang kababalaghan akong naranasan dun JUSMEEEE!
Next time na lang ulit medyo nanlalamig na ang batok ko eh.

PS. Huwag kayong tatalikod sa lugar na kinatatakutan nyo kung ayaw ninyong makakita ng multo.

Scary Stories 4Where stories live. Discover now