Patient (Parts 1-3)

381 12 1
                                    

PART 1

MAHABA TALAGA ITO. PASENSYA NA SA MGA TAMAD MAGBASA AT SALAMAT SA MGA BABASA. HINDI ITO SERIES AT PURO KABANATA PASENSYA NA KAYA ISANG LAGAY NA AGAD.

Hello spookifiers. Thanks admin kung ma-post itong confession ko.
Happened year 2017
Ako si Rica (as usual not my real name) isa akong nurse ng isang mental patient dito sa Pulang Bubong. Wala akong alam masyado sa mga mental health kasi physical health lang alam ko. na-hired ako bilang nurse aid sa anak ng isang pamilya na pinoy chinese español race/lahi, marangya buhay nila. At stay-in ako sa malaking house nila modern style naman kaya hindi mukang haunted house.
Ang anak nila si Melissa ilang beses maka-labas pasok sa loob ng mental facility, dahil bagong hired lang ako noon gusto ko may malaman sa patient ko kasi matipid yung orient sakin ng magulang ng patient ko edi naki chismis ako sa mga katulong nila pero "NO COMMENT" lang.
1st Day of work getting to know , mukha naman syang normal. Maayos sya kausap, Maayos makitungo di naman sya mukang sinto eh. Laging pina-pacheck sakin vitals nya every after 4 hrs. Everything is fine until 3am not exactly mga nasa 3:20am, Time routine ko yun para check vitals, mauulol ako sa nakita ko kasi yung patient ko kinukutkot yung pader ng room nya na which causes to bleed ng nails nya kasi full force sya mag-scratch eh concrete pa naman yung pader. Na-bothered din ako kasi tumatawa sya, sabay harap sakin tapos nagtatalon sya papunta sakin sa takot ko lumabas ako sabay sara ng pinto. hinawakan ko yung pinto nun mula sa labas para di nya mabuksan, nung di na nya dinadabog yung pinto iniwan ko na dali-dali ako tumakbo quarters maid nagpasama ako sa isang maid kasi need ko bumalik eh para i-check vitals nung patient. Habang papunta nagsalita yung maid sakin na "simula na ng totoong work mo" diko sya gets pinipilit ko sya sabihin kung ano yun ibig sabihin nun, sinabihan lang ako na
"sige ako una papasok sumunod ka sakin ah"
pag pasok namin naka-upo sya sa kama nakatulala sa may bintana nya, di nako tumingin sa may bintana mamaya kung ano pa makita ko. binilisan ko pag kuha ng vitals nya nagulat ako mga seswang ang taas lahat yung pulse rate di normal pati B.P nya mataas yung Temperature nya mas mataas pa sa 40, hinihipo ko yung noo nya kahit nanginginig sa takot yung kamay ko wala naman ako na-felt na mainit normal lang.
dahil takot at takot din ako sa amo ko sinabi ko kahit dis-oras na ng gabi sakanila may sinabi silang gamot sabi nya ipainom ko sakanya, pampatulog idunno kung ininom ba nya kasi parang nag tricks lang sya sakin eh.
kinaumagahan ibabalik sa facility si Melissa may bahay akong matitirahan malapit sa Red Roof at note sakin ni amo twing umaga lang ako hanggang gabi ng 9pm mag check ng vitals at mag gagamot sa mga wounds na out of nowhere nyang nakukuha, after 9pm uuwi nako at magpahinga. Pabor sakin hindi hassle.

FF. nakaka 1 month na ko nag aalaga kay Melissa. Nakaupo ako sa may harap ng establishment katatapos ko lang palitan gasa ni melissa inisip baka kaya sya may mga sugat self inflict nya yun. Then, nag yosi ako may nakisabay sakin aid din sya sa red roof nakisindi sya kasi wala syang lighter. Dahil gusto ko ng enlightenment about sa patient ko nagtanong ako sakanya at salamat naman nakipag usap sya.

Ako : Maam nag rorounds ka ba sa lahat ng patients?
Aid : Oo
Ako : Edi may alam ka kay Melissa? Yung 19 yrs old na patient sa room ****.
Aid : Nahihiwagaan ka noh? HAHAHA
Ako : Bakit? ano ba meron? medyo lang nakakatakot kasi sya eh.
Aid : nakakatakot talaga syang baliw.
Ako : Paano ka nya natatakot? I mean kayo dito.
Aid : Mukhang mild palang nakikita mo sakanya.
Malalaman mo rin yan, hindi kami allowed magsalita kasi bawal talaga yun pero gusto ko mag ingat ka kasi once na yung mga baliw dito hindi naging baliw may isang tao ang may dahilan nun.

Tapos umalis syang tumatawa feeling ko nahawaan na rin ata sya sa mga nakakasalamuha nya. One night 6pm Tuesday yun, nagpunta ako sa room ni Melissa habang nasa hallway ako yung mga patients nagsasabi sila na "ilabas nyo ko dito hindi na ako baliw pinagaling nako" "ilabas nyo ko yung mga anak ko" "hindi kami baliw ilabas nyo kami" then may matanda na babae bigla hinampas yung pintuan sabi nya "dumating na ang dyos pinagaling na nya kami". Dire-diretso lang ako nun nasa tapat na ko ng room ng patient ko rinig ko mula sa labas parang andami nyang kausap sa loob sinilip ko nakaharap lang sya sa may pader bumubulong. Inaantay ko yung aid na may hawak ng susi para makapasok ako may kasama ako sa loob taga awat if ever na may mangyaring attack. Eh wala pa sya. Tinitignan ko lang sya napahawak ako sa rosaryo ko bigla kasi bigla rin syang tumingin sakin, yung kaba ko grabe kasi ang dark ng face nya yung andilim ng aura nya sa mukha. Sabi ko sa isip hindi na to baliw eh iba na to nag dadasal ako "Aba ginoong maria" anakng pu****** tumakbo papuntang pinto tapos tawa ng tawa nagdadasal din pero iba yung boses, boses impakto tapos lahat ng patients sa hallway nagsisigaw tinuloy ko yung dasal ko, bigla syang umatras bumalik sa pader dumating din yung aid na napakatagal napamura na ko. Hindi ako pumasok kasi pano ba naman sinabi nya sakin di nya ko masasamahan kasi ang chaos ng ibang patient sabi ko isarado mo nalang dito nalang ako sa labas titignan ko nalang sya. Habang tinitignan ko sya napasabi akong "Hindi sya to, Iba to" natakot ako lalo kasi nag lelevitate sya habang nag lelevitate na konti lang parang mas lalong triple ang ingay ng Hospital hindi kaya ng eardrums ko di yun normal na ingay feeling ko nga nasa loob lang ng room ni Mel yung ingay na yon kasi pag lalayo ako umu-okay naman medyo tahimik pero pag malapit masakit sa tenga. *wala soundsystem dun sa kwarto tanging higaan lang po meron.
nagdasal na ko ng "Ama namin" at nag station of cross prayer na ko salamat naman nagiging okay na sya umupo sya tapos umaaliwalas na yung mukha nya after ilang hrs umabot ng 8pm yun binalikan ako ng aid sabi "Tara maam samahan na kita" nakasalampak nako sa sahig nakasandal sa pader. Pag pasok sabi ko

Scary Stories 4Where stories live. Discover now