Ang Salamin sa CR

301 9 0
                                    


Hello! I'm a fan of spookify for so long and I don't know if you guys can tell if the story I'm going to share is true or not, but because of the extraordinary stories that spookify had provided, I urge myself to share mine too.

This story happened when I was a 1st year student. Well, college student po ako and I'm taking up the course Medical Technology. so normal na sakin na magkaroon ng night class na natatapos ng around 7pm-8pm. Nagkataon na Chem Lab ko that time at 10 minutes na lang papalargahin na kami ng prof namin so I patiently waited for the time to past, kasi talagang nadi-jingle na ako at ang sakit-sakit na talaga ng pantog ko nun. So nung largahan na namin patakbo na akong bumaba ng building na kinaroroonan ko, nasa 3rd floor kasi yung lab namin at nasa labas ng building na yun yung cr na gustung-gusto ko nang puntahan. So ayun, sa sobrang pagmamadali ko, di ko na naisip na magyaya ng kasama ko (and probably that is my greatest mistake). Nang nakarating na ako ng cr, patakbo akong pumasok sa unang cubicle na nandon. so ayun nang naka-jingle na ako at success naman I flushed the toilet bowl and decided to go to the mirror to retouch my face. Pero nung time na nakalabas ako ng cubicle, iba na yung pakiramdam ko bigla na lang akong pinagpapawisan ng malamig at bumilis yung tibok ng puso ko, saka ko lang napansin na ako lang pala yung nasa loob ng cr na yun that time at wala nang ibang taong nandoon, so I checked my wrist watch, past 8pm na that time. Pero nag-decide pa rin akong magsalamin for a while. Nang nasa tapat na ako ng salamin ipinatong ko yung shoulder bag ko sa lalagyan na malapit dun sa mirror inilabas ko yung phone ko para tingnan kung may sms or missed calls ako, wala naman so I placed it on that flat surface. maya-maya yung phone ko nahulog as in nahulog talaga siya at ang lakas-lakas ng impact niya dun sa floor bigla akong kinabahan pinulot ko yung phone ko para i-check kung nasira LCD niya, buti na lang yung tempered glass lang niya yung nadale, tapos nagtaka ako. tinitigan ko yung phone dahil iba yung pagkaka-crack nung tempered glass as if na-concentrate sa iisang part nang phone yung crack at yung itsura ng pagkaka-crack e parang tinusok ng something na matulis na bagay, tapos ang ipinagtataka ko pa. pano kaya nahulog yung phone ko na yun e sa pagkakaalala ko maganda yung pagkakalapag ko dun at wala namang hangin sa loob ng cr. so that time alam kong there's something wrong na in that place. So sa kabila ng pagtataka ko, inilabas ko pa rin yung pressed powder ko at lipstick pero maya-maya ulit may narinig akong mga yabag as in malalakas na footsteps na parang tumatakbo sa bandang likuran ko, syempre bigla akong lumingon pero wala akong nakita. so I am trying my hardest to ignore it kaya hinarap ko ulit yung salamin pero alam kong deep inside sobrang naki-creepy-han na ako sa mga nangyayari but I continue my business anyways. But this time, may narinig akong malakas, as in malakas na parang "nahambalos na tunog" sa wall, as if sinuntok ito ng malakas. Mga beeeeees! dun na talaga ako natakot, napatalon pa ako nun, tiningnan ko yung buong place maliwanag naman at wala talagang katao-tao dun na pwedeng mang-trip sa kin. So nung haharap na ako para kunin yung gamit ko at maka-sibat na rin may nahagilap yung mata ko sh*t halos lumuwa yung mata ko kasi may hand print ng bata dun sa salamin!!!!! E sa pagkakaalam ko wala yun kanina dahil malinis yung salamin at walang kahit na anong trace duon. My God! Ewan ko ba kung san nanggaling yung lakas ng loob ko pero isinigaw ko na " HINDI AKO NATATAKOT SAYO! KUNG SINO KA MAN AT KUNG ANO KA MAN WAG MO AKONG GAGAMBALAIN DAHIL DI AKO NATATAKOT SAYO!! MAY DIYOS AKONG PUMOPROTEKTA SAKIN!" wala sa loob kong nasabi yung mga katagang yun as in late na nag-sink in sa utak ko yung mga pangyayari pero alam kong kelangan ko na talagang makaalis sa c.r. na yun so kinuha ko na yung gamit ko at para akong tangang kumaripas ng takbo palabas sa sinumpaang cr na yun. Habang mabilis akong naglalakad papuntang front gate wala sa loob kong tinawagan ko yung bf ko para magpasundo. Hinintay ko siya saglit sa labas ng school at habang hininhintay siya saka nag-sink in sa utak yung nangyari dun talaga ako kinabahan at natakot ng sobra baka kasi sundan ako ng kung anumang kaluluwa o maysa demonyong nilalalang na nandun sa cr na yun, kaya bigla na lang akong napadasal ng wala sa oras pagkadilat ng mga mata ko nandun na yung bf ko sa harapan ko. Saka ko ikinuwento sa kanya ang buong pangyayari. alam kong na-shock siya but I knew also that he chose to ignore and be strong to comfort me. Nang nakauwi na ako ikinuwento ko rin lahat sa mama ko thru call sa messenger ang lahat at binilinan niya akong magsimba kinabukasan at magtirik ng kandila para sa ikatatahimik ng kaluluwa na yon. So after ng lahat ng yun, I go for a quick shower and decided to go to sleep already pero di ako makatulog at nakatulala pa rin ako sa kisame ng kwarto ko at saka ko naalala yung kwento ng prof ko sa english na may estudyante daw dati dun sa particular na school na pinag-aaralan ko ngayon (sorry if I can't mention the name of the school) na nilaglag niya yung baby niya sa one of the comfort rooms ng school namin, kaso hindi niya ini-specify kung anong particular na cr na yun para di daw kami matakot. Pero now, alam ko sa sarili ko kung anong cr yung tinutukoy niya.

Thank you for patiently reading this story alam kong ang haba-haba hahahaha pero sana ma-post ito ng admin. Thank you po ulit.

Jingle Girl

Scary Stories 4Onde as histórias ganham vida. Descobre agora