Muling bumabalik

234 6 0
                                    


Hello Spookify. Allow me to share some of experiences of having third eye. Please do not reveal my identity. Thank you.

Ilang beses ko ng gustong ibahagi, ilang beses ko ring binura haha hindi kasi ako magaling magkwento. Anyway, first time ko ito kaya pasensya na po kung maguguluhan kayo.

Bata pa lang ako may third eye na ko, ako ang nakamana sa lolo ko (tatay ni mama). manggagamot kasi ang lolo ko at kapag manggagamot ka, may abilidad ka na rin makakita nang hindi normal sa mata ng iba. Hindi ko alam kung ako lang ba, pero yung third eye ko parang by stage siya. Palala ng palala. ibig sabihin nung una, anino lang ang nakikita ko, tamang nahahagip lang ng mata ko hanggang sa katagalan nakikita ko na nang harapan at minsan gusto nang makipag-usap.

Marami akong naranasan, pero ikukwento ko lang ay dalawa.

Story 1 — Babaeng Nakabelo

Third year high school ako nito, malala na ang third eye ko. tumabi ako sa lolo ko matulog dahil wala akong kasama sa kabilang kwarto. Brownout nun,nagising ako nang madaling araw dahil sa sobrang init. naalimpungatan ako sa nakita ko. Sa pintuan ng kwarto namin may nakatayong babae. Nakapangkasal na damit, may hawak na tumpok ng kulay pulang rosas at nakabelo ito. pero yung belo, yung belo nakalutang dahil hindi makita ang mukha niya. pero yung kamay niya puting-puti. Sa sobrang puti naging kulay abo na. Kinamot-kamot ko ang aking mata dahil baka nananaginip lang ako, pero hindi. Biglang nanlaki ang mata ko na hindi nalang ako makagalaw. parang pinossess niya ako. Hindi ako makasigaw o makagalaw. gusto kong gisingin ang lolo ko pero wala akong magawa. Unti-unti siyang lumalapit sakin inaabot ang kamay. Sa isip ko nagdarasal na ako kay Lord na tulungan niya ko at dun na nga, hinawakan niya yung pisngi ko. Sobrang tigas at sobrang lamig niya. at pagkatapos nun para bang nawalan ako ng malay. Kinaumagahan, kinuwento ko sa lolo ko kasi baka nababaliw na naman ako pero sabi niya totoo daw yun. dahil siya mismo, minsan ng nakita ang babae na yun na sinusukat ang haba ng katawan niya habang natutulog siya which is hindi maganda.

Story 2 — Ang Lalaking Pinaglalaruan Ako

High school din ako nito, one time naiwan akong mag-isa sa bahay. Mga ala-sais ng gabi, nagluluto ako, nagsa-soundtrip. pakanta-kanta pa pero nagtataka ako, kasi tuwing pumupunta na ako ng kusina para i-check yung piniprito ko namamatay yung music ko. Siguro mga dalawang beses nangyari yun. By the way guys, sa lamesa ko kasi iniwan ang phone ko at papuntang lutuan namin may harang pa at imposible na mamatay ang music ko kasi hindi naman ako nagpapatugtog sa youtube at eto na nga, sa pangatlong beses sinilip ko na. Dahan-dahan kong sinilip, kitang-kita ko yung lalaking itim, pangiti-ngiti pa na pinapatay ang patugtog ko. takot na takot ako nun, pero nilakasan ko nalang ang loob ko at maya-maya dumating na rin ang pinsan ko.

Ayan lang muna ang kwento ko, pasensya na kayo hindi ako magaling magsalaysay ng mga pangyayari. kaya talaga ako sumulat dito dahil gusto kong humingi ng payo, bumabalik kasi ang third eye ko. nung college ako napasara ito, pero sabi ng manggagamot darating ang araw at magbubukas ulit. Sa tingin ko dumating na ang araw na yun. Bumabalik siya, kung anu-ano na naman ang naririnig ko, nakikita at nakakaranas ako ulit ng mga paulit-ulit na sleep paralysis. Ang hirap magkaroon nang ganito dahil minsan na akong iniwasan ng mga kaibigan ko dahil sa takot at napagkamalan na rin ako minsan na parang baliw. hindi ko alam ang gagawin ko maliban sa magdasal dahil nasa ibang bansa ako. Wala namang manggagamot dito di tulad sa Pinas. Ano ba ang magandang gawin? Ayokong mapraning ulit. Salamat sa pagbabasa.

— mel

Scary Stories 4Where stories live. Discover now