Hospital

646 20 0
                                    


Silent reader ako ng page at enjoy na enjoy ako sa pagbabasa, lalo na ng mga aswang stories. Kaya sana dumami pa ang mag-share ng mga aswang encounters nila dito sa page. Kaya eto at ise-share ko ang recent experience ng kaibigan ko sa isang hospital. 1 week before christmas nagkaroon ng problema ang nanay ng kaibigan ko sa paghinga at dinala agad nila ito sa Angono Medics. Noong una wala naman daw silang nararamdaman na hindi maipaliwanag. At noong araw din na iyon kinabitan kaagad ang nanay niya ng tubo sa bibig. Sa pangalawang araw nagbabantay ang kaibigan ko, gising na gising si nanay pero bigla itong parang may pinapaalis, Hindi ito pinansin ng aking kaibigan at nagpatuloy lang sa pagpe-facebook nung oras na iyon. Kinagabihan, nilalamig daw ang ulo ni nanay at nag-utos ito na lagyan siya ng bonnet. Habang patulog na ang kaibigan ko, napapansin niya na natatanggal ng dahan-dahan ang bonnet ng nanay niya na parang may naglalarong bata. So ayun napatingin siya sa ilalim ng kama at nagulat siya na may isang mabilis na kulay itim na parang anino ang tumakbo galing sa ilalim ng kama, pero hindi niya ito pinansin dahil sa antok.

Sumunod naman na nagbantay ang ate niya sa hospital, hindi din ito nakatagal sa pagbabantay at umuwi dahil may kumakalabit sa kanya sa kwarto. And take note dalawa lang sila ng nanay niya na nakahiga at siya naman ay nakaupo sa gilid ng kama. After 1 week nakalabas ang nanay ng kaibigan ko sa hospital at nagulat sila sa kwento ng nanay niya. Sabi ni nanay, nung time na nag-aagaw buhay siya ay merong isang lalaking kulay itim. Mahaba ang buhok at mapula ang mga mata na pilit ng pilit sa kanya na sumama dito. Kahit anong pilit daw kay nanay ay hindi siya sumasama sa lalaki na inaabot pa ang kamay nito sa kanya. Noong time pala na may pinapaalis si nanay, yun pala yung lalaki na sumisilip galing sa cr ng kwarto sa hospital. Laking pasasalamat din ng kaibigan ko na nakalabas sila kaagad sa hospital dahil si nanay pala ay talagang lapitin daw ng mga kakaibang nilalang. Hanggang dito na lang muna at sana nag-enjoy kayo sa kwento ng kaibigan ko. Sa susunod na ise-share ko ay ang kwento ng mga kaibigan kong taga-Visayas tungkol sa paglalason at mga Aswang.

Jannie

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon