Suicide Note

285 12 0
                                    


"Hi Babe, palangga ta gid ka. Indi mo gid pagpabay'an lawas mo haa. Biskan wala na ko sa tupad mo, always mo pinsaron nga palangga2 ta gd ka. Sorry kung hemuon ko ni. No choice ko eh, nahuya na ko mag atubang sa mga taho tungod sa natabo. Pray mo ko always haaa. Para mag peaceful man ang spirit ko kung diin man ko matupa. I will always love you , goodbye."
-Gen

(TAGALOG)
"Hi babe, mahal na mahal kita. Wag mong pababayaan sarili mo ha, kahit wala na ako dyan sa tabi mo. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Sorry kung gagawin ko ito. No choice na kasi ako, nahihiya na akong humarap sa mga tao dahil sa nangyari. Pray mo ako always ha. Para naman maging peaceful yung spirit ko kung saan man ako mapunta. I will always love you. Goodbye."

Yan ang isa sa limang suicide note na isinulat ni gen bago siya nagpatiwakal. Si Gen po ay yung girlfriend ko noon 9 years ago. Si Gen po yung tipo ng babae na masasabi mong super ganda ngunit napaka-simple nya. Siya yung tipo ng babae na masasabi kong perfect na sa aking mga mata, yung babaeng matalino, mabait, maganda, makinis na maputi, at dyosa kung tawagin sa aming eskwelahan. Campus crush ika nga nila. Samantalang ako ay badboy, trouble maker (warfreak), at di kasing gwapo na ka-level ng kagandahan niya. Niligawan ko siya noon pagkatapos ng aming retreat. Dahil nong nasa retreat kami, may isang session kami doon na magse-share at susulat ang individual sa kanilang inspirasyon at gusto sa isang tao, at ibibigay mo ito sa kanila. Doon ko nalaman ng sabihin ni Gen ang gusto nya sa isang tao. Yung tipong Robin Padilla daw ang galawan at ang angas, yung tipong parang masamang tao pero ang bait pala kung iyong makilala, yung taong handang proteksyonan ka at damayan ka kung ikaw ay may problema, at yung tipong hindi boring kasama at hindi nauubusan ng mga jokes. Ang lahat ng yun ay ako ang dini-describe nya. At ayun na nga, pangalan ko nga yung binanggit niya. Doon nag simula ang pagiging close namin at doon ko na siya niligawan. Noong nasagot nya na ako, sinabihan nya ako na wag mong baguhin ang istilo ng pag-uugali mo dahil lang naging tayo, wag mong palitan ang mga nakasanayan mo dahil naging tayo, at lalong-lalo na wag mo akong lolokohin ha dahil minahal kita kung ano ka, at mamahalin pa rin kita kahit sino ka pa. Naging maganda ang aming relasyon, open ako sa pamilya nya at open din siya sa pamilya ko. Pumunta ako sa bahay nila at minsan sa bahay rin siya natutulog. Nagtagal kami ng isang taon at walong buwan bago nangyari ang lahat. Ang pangyayaring iyon ang nagpabagsak ng mundo ko ng ilang taon. Ang hirap makapag-move on nung mga panahong yun, para bang bula na naglaho bigla ang mga pangarap nyo sa isa't isa. Parang panaginip lang ang lahat na hindi mawala-wala sa isipan mo. Isang araw, nagpaalam si Gen sa akin na mag-aabsent daw siya bukas dahil susunduin daw nila ang tita at pinsan niya sa airport na galing Canada. Tanong ko sa kanya, "kailan ka babalik?" Sinagot nya lang ako na "basta tatawagan na lang kita." So, nag-agree na ako.

Kinabukasan, pagdating nila ng bahay nila galing airport, dumiretso siya agad sa bahay para bigyan ako ng mga chocolates, doon niya sinabi sa akin na baka 1 week daw siyang aabsent dahil daw mag-a-outing sila. Sabi ko ang tagal naman noon 1 week din kita di makakasabay sa school? Sabi niya, wag kang mag-alala mahal naman kita, parati kitang bibisitahin sa inyo. Kaya't nag-agree na ako. Kinabukasan, tumawag siya sa akin na pupunta daw sila ng Bora, 2 days & 1night. So sabi ko "mag-ingat ka diyan, alam mo naman na mahal kta, wag masyadong magbabad sa dagat baka ma-sunburn ka." Kinilig ako sa sinagot nya na "opo boss, iingatan ko itong katawan ng mahal mo. Mahal din kita." Tatlong araw ang lumipas, nang makatanggap ako ng tawag galing sa kanya. Pasado alas dos na yata yun ng madaling araw. Umiiyak siya at ang hina ng boses, na hinihingal, pisok ng pisok, di ko tuloy na intindihan ang mga sinasabi niya. Sinabi ko sa kanya na i-text na lang dahil di ko maintindihan, ang naintindihan ko lang sa mga sinabi nya na "palagi mong tatandaan boss, mahal na mahal kita. Alam mo yan, mag-ingat ka palagi" at saka naputol na ang tawag at yun na yung huling oras ng aming pag-uusap, huling boses nya na aking napakinggan, huling salitang mahal kita na kumilig sa akin. Yun na pala ang huli ng lahat. Yun na pala ang katapusan. Nung umaga na, agad akong pumunta sa kanila, ngunit walang katao-tao, di ko rin ma-contact ang cp nya. Wala din akong number ng mama niya kaya't umuwi na lang ako. Lunes, nung pumasok na ako ng school. Marami ang nagtatanong sa akin kung bakit di pa rin daw pumapasok si Gen. Sinagot ko lang ng nag-outing sila siguro ng family niya kasama ng tita nya na galing Canada. Kinabukasan Martes, nagulantang ang lahat sa eskwelahan ng sinabi ng principal namin pagkatapos ng flag ceremony na let us all pray for the soul of "Gen *********". Agad akong natulala, nagulat ang lahat. Nataranta ako, at biglang tumakbo palabas ng campus patungo sa bahay nila. Pagdating ko sa bahay nila, nakita ko na ang daming tao, may mga pulis at nakita ko ang mama niya na hinimatay. Sinubukan kong pumasok ngunit hindi ako pinapasok ng mga pulis, kaya't nagtanong-tanong ako sa mga taong nandon kung ano ang nangyari. Sinabi nilang si Gen daw nagpakamatay, napasigaw ako at para bang gusto kung magwala. Biglang nakita ko ang papa ni Gen, agad ko siyang nilapitan at lumuluhang tinanong. "Tito, ano po ang nangyari." Yumuko ito at niyakap ako. Umiiyak sabay sabi halika sa loob. Pagpasok namin dumiretso kami sa kwarto ni Gen at nandon ang mga pulis. Nakita ko ang tali na nasa kisame at may mga dugo sa kanyang kama. May inabot sa akin ang papa niya na isang papel at isang malaking box. At sinabi ng papa niya na, "ibigay ko daw sayo, paki-ingatan mo na lang daw ang mga alaala na natira niya dito sa mundo." Nalungkot ako at di makapagsalita, napaupo ako sa gilid at humagulgol ng iyak. Nang nagising na ang mama ni gen, doon na rin sila nag-umpisang magkwento ng buong detalye ng pangyayari. Pinagpantasyahan daw ng pinsan nyang balikbayan ang katawan ni Gen. Noong nasa Boracay daw sila, ginahasa ng pinsan nya si Gen. Hindi daw agad nakapagsumbong si Gen dahil tinakot daw siya na papatayin ang buong pamilya niya kung magsusumbong siya. At naulit pa ang panggagahasa sa kanya pagbalik nila sa bahay nila. Sabi pa ng mama niya, ikaw ang huling kinausap nya sa phone nakita namin sa call logs ng phone nya, di nya pala sinabi sayo? Nagsalita ako "tumuwag po siya tita kaso di ko maintindihan ang mga sinasabi nya dahil iyak lang siya ng iyak." (lumuluhang sabi ko). Umuwi ako na tulala, di makausap, di makakain, di lumabas ng kwarto buong gabi. Kinaumagahan, di ako pumasok sa school dahil namamaga yung mga mata ko sa kakaiyak at wala pang tulog. Pilit akong binibigyan ng lakas ng aking pamilya para lang malabanan ang problemang dinadala ko noon. Napakabigat sa damdamin para bang ayaw mo na rin mabuhay sa mundo. Nang biglang parang may bumulong sa akin na buksan ko daw yung box na binigay ng papa ni Gen. Pagbukas ko, humagulgol ako sa kakaiyak habang binabasa ang huling sulat nya bago nya ginawa yun. Nakita ko rin ang lahat-lahat ng mga bagay na memories namin. Humagulgol ako at nagwala sa loob ng kwarto ko, hanggang sa napagod ako sa kakaiyak at nakaidlip. Nang biglang nagpakita siya sa panginip ko. Umiiyak, laslas ang pulso. May mga sinasabi siyang hindi ko maintindihan, may mga salita siyang di ko marinig. Tanging mga bigkas lang ng bunganga niya ang sinusundan ko para maintindihan ang mga salita nya. Ng biglang napasigaw ako at nagising. Ginigising na pala ako ni mama dahil daw binabangungot ako. Doon ulit ako umiyak ng umiyak. Sabay niyakap ako ni mama, at nagsalita. "Ayusin mo ang sarili mo, puntahan mo na si gen sa bahay nila nandoon na siya. Magbaon ka na rin ng ibang damit na susuotin mo don, samahan mo muna doon si Gen. Bilis, tahan na. Maligo kana." Nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni mama. Dali-dali akong pumunta sa bahay nila Gen ng hapon ding yun pumunta ang mga school techears at ibang students at mga classmates namin sa bahay nila Gen. Noong gabi na, nagsabi ako sa papa ni Gen na iidlip muna ako para mamaya ako naman ang magbabantay at sila naman ang iidlip, nagsabi ang papa ni Gen na sa guest room katabi ng room ni Gen na lang daw ako matulog kasabay ng ibang pinsan ni Gen. Habang nakahiga na ako doon at ang ibang kasama ko sa room na yun ay mahimbing na natutulog. Biglang may narinig akong umiiyak sa kabilang kwarto, nang biglang parang may bumagsak. Dali-dali akong bumangon at tiningnan ang loob ng kwarto ni Gen. Pagbukas ko ng pinto biglang umihip ang malamig na hangin na siyang nagpatindig ng mga balahibo ko. Nagsalita ako, "Gen? Ikaw ba yan? Magparamdam ka kung ikaw yan. Gen?" Umupo ako sa kama niya at unti-unting bumagsak ang mga luha ko habang kinakausap ko siya. Ang sabi ko "Gen, alam kong naririto ka, alam kong ikaw ang naririnig kong umiyak. Gen, bakit mo naman ito ginawa? Bakit mo sinarili ang problema, diba sabi mo pa dati, kung may problema tayong dalawa hindi tayo matutulog kung hindi pa ito naaayos. Diba sabi mo pa nga walang problemang walang solusyon? Gen? Bakit. Bakit gen?"
Humagulgol na ako sa kakaiyak. Maya-maya pa, di ko namalayan nakatulog na ako sa kama niya. Pumasok na naman siya sa panaginip ko iyak siya ng iyak na nagsasabing "Sorry. Sorry talaga. Lagi mong tatandaan na mahal kita" at akala ko nagising na ako at nagulat sa nakita. si Gen nakasabit sa kisame tumutulo ang dugo sa kamay at umiiyak. Dilat ang mga mata na nakatitig sa akin. "Gennnnnn?." Sigaw ko, At biglang nagising ako at napaupo sa kama. Bago inilibing si Gen, walang gabi na hindi ko siya napapanaginipan. Walang araw na hindi ko siya iniiyakan sa harap ng kabaong nya, oras-oras kung sinisilayan ang mala diyosang mukha ng mahal ko, at minu-minuto siyang pumapasok sa isipan ko. Pagkatapos ng libing nya, umuwi na ako sa bahay. Ilang weeks din akong di nakapasok sa school, inilagay ko sa kokote ko na tutuparin ko lahat ng sinabi ni Gen sa huling sulat nya.

Bawat taon. weeks bago mag-death anniversary niya (August 2), nagpapakita siya sa panaginip ko at pinapaalala sa akin na bisitahin ko siya. Lagi nyang sinasabi sa panaginip na mahal na mahal nya ako. Sa bawat monthsary namin palagi ko siyang binibisita sa puntod nya. Pinakilala ko rin sa bago kong girlfriend ang babaeng pinakamamahal ko noon. Kapag bumibisita ako sa puntod ni Gen palagi ko siyang sinasama. Minsan kapag bibili ako ng bulaklak at kandila, bibili din siya ng sa kanya at iniaalay din sa puntod ni Gen. Hanggang dito na lang ang istorya ko, salamat sa pagbasa ninyo at salamat din admin sa pag-post nito.

PS. Ang pinsan pala ni gen na ng rape sa kanya ay nasa bilibid na, habang buhay na pagkabilanggo ang hinatol sa kanya. Pati ang ina nya ay di pumanig sa kanya. Kaya't napabilis ang kaso.

-Billy

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon