Sa Tricycle ng Antipolo

645 23 0
                                    


Hi Admins and Spookify Readers,

Once again A'chi here. Ikukwento ko lang yung nangyari last September 5, 2019 na medyo nagpatindig ng balahibo ko. Maikli lang ang kwento ko promise.

Around 7pm yun, papasok ako ng work nun at graveyard schedule ko. Sa labas ng maliit na subdivision somewhere in Antipolo, nag-aantay ako ng tricycle kaso halos lahat ng dumadaan may sakay na. Kaya todo antay pa din ako hanggang sa may tricycle na akong natanaw na paparating sa di kalayuan sa kinakatayuan ko, sumenyas ako at pinara ko si kuyang driver, palapit na sya sakin pero may sakay na pala sa loob at nakatingin sila sakin. Huminto sa harapan ko ang tricycle tinanong ako "Ate saan ka?" Sagot ko naman terminal sa 7/11 bayan "Okay sige"  As usual backride ako pero itong sakay sa loob tingin ng tingin pa din sakin, pero medyo may pagkasuplada ako kaya dedma lang. Ito na, ilan minuto na ang lumipas nanlalamig yung nakasandal kong katawan, naiilang na din ako ramdam kong dungaw ng dungaw sakin yung pasahero sa loob na tila ba gusto akong kausapin o baka may itatanong lang sa akin? Kaso wala pa ako sa mood makipag-usap kaya hinayaan ko lang. Realtalk; Yung tricycle medyo may kalumaan na yung tipong konting baha tiyak itutulak mo na. Yung pasahero sa loob may edad na babae nakatali anh buhok at may kasama siyang babae din na sa tingin ko ay teenager na.
Hindi ko sila masyadong mamukhaan nung time na sumakay ako dahil walang ilaw ang loob ng tricycle pero naaninag ko agad yung matanda. Nang half way na ang byahe at maliwanag na yung dinadaanan napansin ko ulit ang pagdungaw sakin ni "manang pasahero" kaya hindi na ako nag-atubili pang tingnan siya at kausapin sana. Nang paglingon ko sa kanila, Putsa! Biglang nawala yung pasahero, wala si manang at yung kasama niya, tiningnan ko sa gilid ng kalsada baka bumaba na sila nang hindi ko namamalayan, pero putsa! wala talaga! Kinilabutan ako, Shit! Yung feeling na papasok pa lang ako sa trabaho pero yung pakiramdam ko tapos na ang shift ko, nakakapanghina at isa pa nakakakilabot!.

Naglakas loob akong magtanong kay kuyang driver "Kuya ako lang ba ang pasahero mo?" Sabi niya, "Oo ikaw lang, nagtaka nga ako sayo bakit ka sa likod sumakay? Bakit mo natanong?" Hindi na ako umimik, sa tinagal-tagal ko ng sumasakay
ng tricycle ngayon lang ako nakakita ng ganito.

Nung nasa 7/11 na, bumaba na ako sa tricycle nagbayad ako kay kuya at sabi ko sa kanya "Kuya may dalawang pasahero diyan nakasakay kanina isang matanda at teenager" sabay turo sa upuan. Nagulat si kuyang driver at sabi pa niya,
"wala ka naman kasabay ikaw lang ang pasahero ko"  Pero yung mata ni kuya nanlaki at kitang-kita na bigla
siyang namutla sa takot. Ramdam kong may itinatago si kuyang driver.

Kinabukasan, pagkatapos ng shift ko dumaan muna ako ng simbahan
bago umuwi. Para sa mga taga bayan baka makasabay nyo din sila. Ingatz!

Thanks ulit sa pagbabasa.

A'chi

***
Shared by Donny D

Parehas kami ng experience ni sender, pero yung sakin di naman dumungaw at isa lang sya sa loob pero sa backride din ako sumakay, nakaupo sya sa pinakaloob para siguro pag may sumakay makakaupo agad pero sa likod pa din ako sumakay, kalagitnaan ng byahe napatingin ako sa loob ng trike (wala na yung sakay) sabi ko kay manong "kuya bumaba na yung pasahero nyo sa loob?" Sabi nya wala naman, ako lang daw ang pasahero nya, pagbaba ko sabi ko kay kuya "kuya di po ako umupo sa loob nakita ko kasi may nakaupo na nung pinara ko kayo", kaya tinanong ko din kayo kanina kung bumaba na ba yung nasa loob" nagtaka at parang natakot si kuya sa sinabi ko, ako naman todo isip na namalikmata lang ako at guni-guni ko lang yon, ilang months na nakalipas ito pero bumalik sa isip ko yung nangyari sakin.

Scary Stories 4Where stories live. Discover now