Late Received

307 9 0
                                    


Hi po sana ma-post nyo 'to. I'm Mark from San Pedro, Laguna. share ko lang yung story ko, hindi naman po sya masyadong nakakatakot.

Kagaya ng normal na buhay estudyante, katatapos lang ng huling klase namin sa school, bago mag-semestral break. Habang sila busy na sa pagpaplano ng mga outing nila,
ako iniisip na kung pano ko pagkakasyahin, ang tulog, kain, fb, at kain, tulog uli na schedule ko, wala kasi akong budget pang-outing.

Habang naglalakad ako pauwi ng bahay ay nag-e-fb naman ako, at may napansin akong page, sa news feed ko "Spookify", naisipan kong magbasa-basa sa page na 'to pag nakauwi na ako ng bahay.

Hapon na ng makarating ako ng bahay. wala pa ring ibang tao sa bahay, dahil si nanay sinamahan si tita (kapatid ni nanay) sa hospital, si tatay naman gabi na nakakauwi galing ng trabaho at si kuya naman gabi na rin nakakauwi galing ng gimikan.

Ako na ang nag-asikaso sa bahay,
pagkatapos kong magluto, at kumain, naligo naman ako saka ako pumunta sa kwarto namin ni kuya.

Dalawa lang kami ni kuya na magkapatid at share kami sa kwarto pati na rin sa kama. Nakahiga na ako sa kama at nag-uubos oras na lang ako sa paglalaro ng iba't ibang application, hanggang sa nakatulog na ako.

(Makalipas ang ilang oras)
Naalipungatan ako dahil narinig kong bukas na ang TV sa may sala,
may naririnig din akong mga lagaslas ng tubig sa CR malamang si tatay yun, mahilig kasi maligo si tatay pagkagaling sa trabaho.

Nakapatay na rin ang ilaw sa kwarto, malamang si kuya nagpatay nun bago sya humiga sa tabi ko,
Balot na balot pa ng kumot si kuya, malamang, nag-inom na naman, at nagtalukbong ng kumot para di malaman nila nanay pag sumilip sila sa kwarto namin.

Tumagilid ako ng higa, bale nakatalikod na ako kay kuya, medyo nahirapan na kong bumalik sa pagkakatulog mula nung maalimpungatan ako at naalala ko yung page ng spookify at sinubukan kong magbasa-basa.

Nakakadalawang paragraph na ako at mukha akong timang na lilingon-lingon sa paligid. Biglang bumangon si kuya, kaya medyo nagulat ako ng konti lang.

Hininaan ni kuya yung electric fan, saka sya bumalik ng pagkakahiga sa tabi ko,bhindi ko na sya pinansin pa dahil wala naman akong gana na makipagtalo pa sa kanya tungkol sa electric fan, para-paraan kasi yun, kunwari hihinaan lang tas yun pala itututok lang sa kanya.

Bandang kalagitnaan na ko ng pagbabasa ng maka-received ako ng text message,

"Mark, pakisabi kay Nanay na hindi ako makakauwi ngayon, pag ako lang nayari kay nanay, babatukan kita haha" -kuya

(kaninang hapon pa sya nag-text, pero ngayon ko lang na-received).

Natulala ako sa nabasa ko,
Ni hindi ko magawang lumingon sa likod ko. Gusto kong magsalita pero parang umurong ang dila ko. At wala akong ibang marinig kundi ang malakas na pagtibok ng puso ko,
Napapikit na lang ako sa sobrang kaba at tuluyan na akong nawalan ng uliran.

Nang biglang may humawak sa likod ko...

"Mark!, Mark!"

Bumalik lang ang uliran ko, nang marinig ko ang boses ni tatay, "okay ka lang ba?, may sakit kaba?", tanong ni tatay,

(nakabukas na rin ang ilaw sa kwarto),

"wala naman tay" tugon ko kay tatay,

Para akong nabunutan ng tinik,
pagkatapos ni tatay kuhain yung charger nya,

"Nak matulog ka na, huwag mo nang tinatakot pa ang sarili mo"

Saka lumabas si tatay ng kwarto at pinatay ang ilaw sa kwarto. Muling bumigat ang pakiramdam ko,

"Walang multo"
"Walang multo"
"Walang multo"
"Walang multo"

Tatlong beses kong binigkas ang "walang multo" habang nakapikit, nang may bumulong sakin ng pang-apat na...

-1642

Scary Stories 4Where stories live. Discover now