Isang baso, Dalawang Ako

933 27 1
                                    


Kamusta at magandang gabi sa lahat. Gusto ko lang sana i-share ung karanasan ko about sa mga kababalaghan.

Isang gabi, niyaya ako ng tropa na si Japs na maglaro sa bahay nila ng mobile game. 10pm na nun. Mga isang tricycle lang ang layo ng bahay namin, so punta naman agad ako. Pagdating ko sa bahay nila, nakita ko na nag-iinom pala sya at malapit na ding maubos ung alak nya, so bale pinatagay nya lang ako ng isang baso tapos tuloy na kami sa paglalaro sa mga phone namin. Napaganda ang laro kaya siguro mga bandang 11:30pm na ako nakauwi. So uwi na ako at nagpaalam na sa tropa. Pagdating sa bahay, didiretso na sana ako sa CR para maglinis at makatulog na. Ung kwarto namin nasa unang pinto sa mahabang hallway namin papuntang CR. Nasa dulo nang hallway ung CR namin. Nasa kwarto na ung kuya ko tulog, ung kama nya nasa sahig. So eto na nga, padaan na ako nang hallway, nang makita ko ung kuya ko na tulog tapos walang ulo. Nagulat ako at napasigaw. Tumakbo ako pabalik ng kusina, nagising na ung kuya ko. Niyakap ako at tinanong ako kung bakit. Sabi ko wala syang ulo nakita ko, di sya naniwala. Naamoy ung isang baso na ininom ko kaya nasabi na lang nya na lasing lang ako. After nun, wala namang nangyari sa kuya kong masama. Okay pa din sya.

Fast forward. After 1 week yata after ng nangyari. Nasa bahay lang ako mag-isa nag-iinom. Gabi na nun mga 9pm nang biglang may tumawag sakin sa labas. Tropa pala, si Kevin. Nagyaya din mag-inom so dalawa na kami. Paubos na ung binili kong alak so ung last tagay binigay ko na sa kanya. Di pa sya nakakainom sa ibang lugar so wala pang ka amats-amats. So ubos na ung alak, tumayo na ako. Pumasok ako nang kwarto para kumuha nang pera sa wallet. Ung tropa naririnig-rinig ko sa sala namin kwento ng kwento, salita nang salita, so ako dali-dali din ako sa pagkuha ng pera then dumungaw ako sa pinto at sabi ko "'Tol ano sabi mo? Di ko masyado maintindihan sa loob eh." Si Kevin gulat na gulat na tumitig sakin. Takot at gulat ang nakita ko sa mukha nya. Kanina nya pa daw ako kakwentuhan dun. Nakaupo daw ako katabi nya. Nakatingin at parang walang emosyon ang mukha na nakikinig. So kinilabutan kami pareho. Ang nangyari, kahit bibili kami sa napakalapit na tindahan, dalawa pa kami. Hindi ko alam pero tingin ko related 'to sa nangyari sa kuya ko. Hindi ko alam kung may history ba ung bahay namin o lugar namin sa kababalaghan eh. Hanggang dito na lang. kwento ko ung iba pa kapag na-post na 'to. Salamat.

Scary Stories 4Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora