Kaybiang Tunnel

506 11 0
                                    


Nangyari ito recently lang. I won't mention nalang yung exact date.

So sa mga hindi nakakaalam, yun po yung pinakamahabang subterranean road sa Pilipinas and estimated na mapapadali nito ang biyahe from Cavite to Batangas. 300 meters lang ang tunnel pero ang mahaba eh yung mismong highway and this is where all the creepy things happened in-add nyo pa na gabi na like 8pm to 9pm.

So galing kami from Batangas dahil sa family gathering. Sa ilang taon na naming pabalik-balik sa beach resort na pinuntahan namin, kung saan kami dumaan papunta, dun rin kami dumadaan pabalik so syempre hayahay na mga katawang lupa namin dahil kampante kaming alam na namin ang dadaanan namin kahit maaksidente or so we thought.

Yung driver ng isang jeep na inarkilahan namin, nag-iba sya ng way. Hindi namin alam pero ang sabi daw nung driver nila sa driver namin ay sundan nalang sya sa 'shortcut'. We had two stopovers and sa last stopover, dun ako nagkaron ng hinala na may mali sa biyahe namin. Titignan ko palang yung entry ng mahabang highway, tumatayo na ang balahibo ko and yung jeep na nauuna samin, may lobo sa pintuan ng jeep sa likod kung saan ka sasakay.

Di ko nalang pinansin. Then as we venture the road, lumalamig, dumidilim. I asked our driver na buksan ung ilaw and binuksan nya. Pero pinatay nya rin kasi nasisilaw daw ung driver ng unang jeep. So isa samin sa jeep eh nagbukas nalang ng flashlight ng phone. Bakit ini-insist kong may ilaw? Kasi may third eye ako and alam kong that's one way na hindi lalakas ang loob nilang pumasok. (Maybe pag nag-confess pa ako dito you'll know every detail of me). Habang ilaw nalang ng jeep ang pinagbabasehan namin ng dinadaanan, maya-maya, hindi na ako napakali. Lahat kami naghinala na pabalik-balik lang kami sa dinadaanan namin. Kaya sinabi ko na sa driver namin na huwag naming sundan ung nauunang jeep dahil nakakaramdam na ako na may sumusunod sa amin. Maya-maya, sa highway na walang kailaw-ilaw, walang katao-tao, may nakita kaming tricycle na nagbababa ng mga tao to think na bundok ang dinadaanan namin. Pinapara nila kami pero masama ang kutob ko lalo na nung makita naming sa kabikang side ng daan eh may dalawang lalaking nagjihintay ng masasakyan. Hindi kami tumigil at dinaanan lang namin. Masama na kung masama pero masasabi nyong tama ang ginawa namin.

Hanggang sa nakakita ako ng yellow stone na katulad nung mga may sulat na itim na may KM so un ung basis na ginamit ko kung talaga bang bumabalik lng kami. Maya-maya, nakakita ako ng isa pa so kampante na ako pero higit isang oras na ang biyahe namin, wala na akong makita. Ung signages, ung ayos ng puno, ng kahoy, ung parang fences sa edge ng bundok, parehas na parehas every time na liliko kami. Bitukang manok na type ang daanan kaya hindi kami sure hanggang sa may nadaanan na kaming mga bahay. Halos puro pula ang ilaw, sarado ang mga bintana pero hindi ang mga pinto. Sinong magbubukas ng nakatiwangwang na pinto kung ang bahay mo eh nasa gitna ng kawalan? At sino ang titira sa gitna ng kawalan?.

Bilang alam ko magdasal ng Latin, nagdasal ako. Nakakakita na ako ng mga hindi ko dapat nakikita at nilalapitan na kami ng hindi dapat kami lalapitan. Uminit ang pakiramdam ko kahit na sobrang lamig. Way ko iyon ng pagbukas ng kakayanan ko. Huminto kami sa intersection. May mga dumaan na sasakyan pero parang wala silang dinadaanang jeep. Hinintay namin ang isang jeep dahil inunahan na namin sila. Nung nakaabot na ulit sila, pinauna na namin sila at nung tignan ko ang likod ng jeep, dalawang batang itim na espiritu ang nakasakay sa likuran nila nilalaro ang lobo. Ayaw nitong tumigil kaya pinapabalik-balik kami sa dinadaanan namin. Sinubukan ko ang kakayahan ko sa pagdasal ng Latin at unang bulong ko palang sa dasal ay alam nilang pinapaalis ko na sila. Mabigat na rin ang pakiramdaman ko sa mga sinasakyan namin kaya tinuloy ko ang dasal. Unti-unting gumaan ang mga pakiramdam ng lahat ng nakasakay at parang guminhawa ang pakiramdam naming lahat. Maya-maya pa ay natanaw na namin ang tunnel. Mas mabigat ang pakiramdam ko doon. Dahil papasok nalang kami, napa-zigzag pa kami dahil sa mga bakal na may nakalagay na-checkpoint. Pagpasok ng tunnel, sobrang dilim, at nakakarindi ung mga boses na bumubulong sakin kaya nagdasal ulit ako. Wala pang isang oras nakalagpas na kami sa highway na iyon.

Kinabukasan, nagbasa ako ng tungkol sa Kaybiang Tunnel at merong nabiktima ng aswang sa parte ng mga dinaanan naming bahay na halos pula ang mga ilaw.

Kung dadaan po kayo sa Kaybiang Tunnel or kaya naman ay balak nyo, huwag pong gabi or madaling araw. Kung hindi maiiwasang gabi na makakadaan, mag-ingat po tayong lahat.

Sketchy ang kwento ko dahil hndi ako handa i-reveal ang mga kakayahan ko.

goalithick
Pasay city

Scary Stories 4Where stories live. Discover now