Sitsit at Susi

340 11 1
                                    


Naaalala ko itong pangyayaring ito kasi ito yung kaisa-isang pangyayari na napaniwala akong may kababalaghan sa mundo, na may paranormal activity talaga. Dati kasi kahit natatakot ako sa mga kuwento, I always dare sometimes na may magparamdam or magpakita. Kaya malakas loob ko kahit mag-isa kasi wala naman talagang nagpapakita or nagpaparamdam sa akin, until this happened.

Di ko na tanda yung actual date pero it would have been between 2007-2008. Nagtatrabaho ako sa call center, sa Allied Building sa Ayala Avenue, Makati City noon. Ang pasok ko eh from Sunday to Thursday. Ang oras ng pasok ko noon ay 11pm until 8am. Sunday evening shift ko yun, then lunch break ko (ito ung term ng mga nasa BPO sa 1 hr break regardless anong oras). Nasa 8th floor yung office namin nun, I think 12 floors lang ung building plus ung penthouse.

So pababa na ako ng building para kumain at magyosi, eh mag-isa lang ako pababa at walang kasabay mag-break kasi kadalasan kapag weekend mas kaunti ang tao na naka-shift kasi di naman ganun kadami ang tawag unlike pag weekdays.

So at 3:00 AM, bumaba na ako ng building, pinindot ko yung down arrow ng elevator, then bumukas na yung pinto ng elevator. Sumakay ako, mag-isa lang akong laman ng elevator, then siyempre ang pinindot ko eh yung ground floor.

So expected ko na since 8th floor lang naman panggagalingan at wala akong kasabay, wala pang 1 minute eh nasa ground floor na ako, as what always happened before ng incident na ito.

Nakasandal ako sa pinakalikod na part ng elevator, yung part na if siksikan sa elevator at ikaw unang pumasok sa dulo ka mapupunta at pag lalabas ka na ng elevator eh ma-iistorbo mo lahat ng dadaanan mong tao.

Anyway, nakasandal lang ako nun sa elevator, tapos nagbabasa ng text messages galing sa clan ko pa sa text clan ko noon, nang suddenly huminto sa 5th floor. Eh from 8th floor na pagsakay ko, ground floor lang ang nakailaw sa elevator kasi nga dun naman ako pupunta talaga at mag-isa lang ako sa elevator. Nagtaka man ako ng sandali, hinayaan ko lang sumara kusa yung pinto kasi pagod na ako agad ng araw na iyon dahil sa dami ng calls.

So ayun, hinayaan ko magsara kusa yung pinto, pero sa halip na sumara, nakatengga lang yung pinto ng elevator na bukas. Tandang-tanda ko, ang una kong narinig eh yung kalansing ng susi, siguro mga nasa 15-30 pcs na susi, yung tunog. May kasunod na sitsit, "pssssssst" at kung ang pagbabasehan mo eh yung tunog, mistulang galing sa labas. Ako naman wala pa ring alintana kasi nga baka nga naman may guard doon na nanti-trip lang talaga. Pero sinilip ko na saglitan yung floor pagbukas ng pinto, kasi normally pag maaga pa nakikita ko rin naman itsura nun, office yun na malaki ng isang bangko at kapag bumukas yung pinto makikita mo na yung structure ng office ng bangko na ito, pero since early Monday morning na yun, walang mga naiwang trabahador kasi nga sobrang aga pa. Pagsilip ko, sobrang dilim, as in pitch black, wala kang makita ni anino ng mga walls or poste na normal kong nakikita. Anyway, hinayaan ko ung narinig ko at nagte-text pa rin. Suddenly nagkalansingan uli yung maraming mga susi, as if lalong nilaro yung mga susi na magbanggaan sa isa't isa na nakapag-produce ng kakaibang tunog. Right after ng kalansing ng mga susi ay isa na namang sitsit, both judging from what I heard should still be coming from the outside. Kinabahan na ako nun pero di pa halata kasi nga mag-isa lang ako, wala rin namang makakarinig sa akin if magsisigaw ako. Haha.
So ang ginawa ko tumayo ako sa pagkakasandal ko sa elevator then pinindot ko na yung close na button para sumara na yung pinto.
So sumara na nga yung pinto, from 5th floor bumibiyahe na uli yung elevator pababa sa ground floor. Sumandal na uli ako sa elevator sa pinaladulo na parte. Sobrang bilis ng pangyayari at napansin ko na lang kasi na nakatitig na ako sa indicator ng elevator if anong floor na dahil nga gusto ko na ring makababa dahil may naririnig na rin akong kwentu-kwentuhan sa building na ito. Sakto pagdating ng 3rd floor, may narinig uli akong sitsit, pero napaka-imposible.
"Psssssssst!", yan yung tunog. Pero ang nakakahindik dito sa experience ko ay dahil yung sitsit, yung tipo ng sitsit na yung sumisitsit sayo katabi mo na kasi yung pinagmulan ng tunog eh tila binulungan ako at inilapit pa mismo yung bibig niya sa tainga ko. Doon nanlumo buong pagkatao ko, halos yung dugo mula sa paa ko nag-unahang umakyat hanggang ulo, tapos pagdating sa ulo bumaba uli pero hinang-hina yung tuhod ko sa nerbiyos, as in parang nabali mga tuhod ko sa gulat.

Pagbukas ng pinto ng elevator, dali-dali na akong lumabas at nagmadali na papunta sa main entrance/exit sa ganung mga oras. Dahil sa na-stressed ako hindi na ako nakakain, nagyosi na lang ako.

Then syempre babalik ako sa pagko-calls, kaya nung papasok na ako ng  building uli, may dalawang guard na nakapwesto sa pasukan. Pinalalakas ko lang loob ko kasi sa kasamaang palad wala uli akong kasabay paakyat. So tinanong ko yung isang guard.

Me: "Kuya, may nakabantay po bang guard ninyo sa 5th floor?"
Guard 1: "Sir wala po. Bakit po? Nagparamdam sa inyo?"

Doon ako kinabahan lalo, kasi they are aware that these things do happen. Then si guard #2 further explained na may pinatay palang security guard dun sa mismong 5th floor, thus explains yung pagkalansing ng maraming susi, kasi ang mga guards sa Allied Building minsan marami ding bitbit na mga susi.

So ako bilang nagpapalakas ng loob, nagbasa na lang uli ng mga text, di ko na binantayan yung pag change ng numbers ng floor sa indicator. Nag-focus na lang akong magbasa ng mga text messages to divert my attention at nung marating ko yung 8th floor tas pagbukas ng pinto, dali-dali akong lumabas at pumasok na sa production floor para magtawag uli.

The next break ko, I made sure na meron na akong kasabay bumaba.

Ayan admin yung story na ise-share ko. Sana ma-post ninyo. Salamat at more power.

Ryan P. San Miguel
Beermen Fan San Juan

Scary Stories 4Onde as histórias ganham vida. Descobre agora