Dalawang buwan pagkatapos ng aming paranormal tour sa iba't ibang parte ng Manila, biglang kinontak kami ng head ng aming grupo, si Ate Sha. Humihingi ito ng suporta para makausap namin ang kanyang kaibigang namayapa. Mayroon daw kasing naipong pera sa bangko ang kaibigan nyang ito na hindi alam ng kanyang pamilya noong nabubuhay pa ito. At dahil hindi nila makuha ang pera, humingi ito ng tulong sa aming head, na humingi naman ng assistance sa aming grupo. Kaya naman napag-usapan namin na mag-conduct ng tinatawag na "seance." Ang venue ay sa paboritong tambayan ng namatay, isang mall sa EDSA NORTH.Dumating kami sa venue na halos kumpleto ang grupo maliban kay Aero na tarot reader namin dahil bago lang ito sa aming grupo at busy ito sa trabaho. Nandun si Ate, si Sir Jay, si Januz, JM, Carlo, Dan, Dyan, Alfredo at syempre, ako. Nasa isang coffee shop ulit kami na tambayan ng namatay noong siya ay nabubuhay pa. Nagkasundo kami kung anong role ng bawat isa. Si Dan ang automatic writer; sina JM, Sir Jay at Carlo ang seer at kami naman ni Dyan ang tagapakinig ng mensahe. Ung iba support. Si Ate naman yung head ng seance. So nandun na kami. Nag-umpisa ng ilagay ang papel sa lamesa at hawak na ni Dan ang ballpen. Kami naman hawak-hawak kami ng kamay sa isang malaking bilog at nakaharap sa isang lamesa. Si Ate nag-umpisa nang simulan ang ritwal habang nakapikit kaming lahat.
Napadilat ako saglit at nakita kong tulog si Dan habang gumagalaw ang kanyang kamay sa papel at may isinusulat. Nasa ilalim ng hipnotismo si Dan. Ito naman din kasi ang expertise niya kaya siya ang naatasan sa role na iyon. Pumikit ako ulit at nagsimula nang magmeditasyon. Nakakarinig ako ng puro 'sitsit.' Di ko alam kung saan nanggagaling ang sitsit na yun. Parang may bumubulong sa tainga ko pero di ko maintindihan. Hinayaan ko lang yung boses na yun na sobrang liit pero di ko talaga maintindihan. Ung iba naman nakadilat na dahil nagmamasid kasi yun ang role nila habang si Dan patuloy sa pagsusulat sa papel habang tulog. Kapag tumigil si Dan sa pagsusulat saka matatapos ang ritwal.
Huminto sa pagsusulat si Dan. Pinadilat na kami habang ang mga 'seer' ay nakangiti. Tinanong kami isa-isa ni Ate kung anong naobserbahan namin. Sinabi ng mga seer na ilan sa kanila nakita yung lalaki na nakatingin sa amin. Ako naman inamin ko na puro sitsit lang ang narinig ko. Ganoon din naman si Dyan. Ayon kay Ate, nag-uumpisa na daw lumakas ang clairaudience namin ni Dyan. Matatandaan ninyo sa kwento ko noon na na-i-share ko din dito sa mga previous stories ko ay hindi naman talaga bukas ang ESP ko. Habang tumatagal, na-develop ko ang ESP ko from clairsentience at clairvoyance at ngayon nga clairaudience na ang nade-develop sa akin. Mahina pa lang daw ang naririnig namin dahil nag-uumpisa pa lang itong bumukas. Si Dyan naman, simula nung maging kasintahan nya ang isa sa kagrupo namin naging precognition naman siya. Ang kanya nga lang nakikita nya sa panaginip. Not necessarily bad yung precognition niya kaya hindi considered na premonition ang nakikita niya kundi precognition o mga bagay lamang na mangyayari. Kinausap ni Dan si Ate Sha at mukhang nagkakaintindihan sila kung anong sinasabi ng multo. Kami naman pagkatapos noon ay nagkanya-kanya na ng uwi dahil magkakaiba naman kami ng lugar. Ako naman, nagsimula na talaga akong makarinig ng mga kakaiba na hindi ko naman nararanasan noon pagkatapos ng insidenteng iyon.
Masasabi ko na ang karanasan ko noon ay maihahalintulad sa mga may "schizophrenia" dahil literal na nakakarinig na ako ng mga boses na galing sa lupa at minsan naman ay bumubulong sa tainga ko pero nakakayanan ko naman. Hindi ko naman iniisip na nasisiraan ako ng ulo kasi alam ko naman ang ginagawa ko at hindi naman ako nakakarinig ng boses oras-oras kundi kung kailan lang kapag mag-isa ako. Nag-umpisa iyon noong isang gabi na natutulog ako sa bahay namin. Kasama ko sa bahay ang aking kapatid at aking pinsan. Tatlo lang kami na magkakasama sa bahay at wala naman kaming kanya-kanyang kwarto. So ang siste yung kapatid ko sa katre nakahiga tapos kami ni pinsan sa sahig lang kami pero hindi kami magkatabi. Puro kami mga lalaki. Ako noon galing akong OJT at sobrang pagod ko noon kaya pumwesto ako sa isang sulok at naglagay ng harang na upuan at nilagyan ko ng karton saka ako humiga sa inilatag ko na sapin. Feel ko noon may konting privacy na kasi parang nagkaroon na ako ng maliit na kwarto. Pagkahigang-pagkahiga ko sa sobrang antok ko di ko namalayan na ganun kabilis ako mawawala sa ulirat. Paglipas yata ng tatlong minuto biglang may bumulong sa akin na parang galing sa ilalim ng lupa o mas mainam siguro sabihin na parang nasa ilalim ng balon o parang nasa kuweba. Nasa gamma state ako.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree