Camping at Iba, Zamables

178 5 1
                                    


This story happened way back 2009.
4th year high school kami noon, nag-aaral kami sa isang christian school.
The past 2 years na invite yung school namin para mag-youth camp sa Zambales, as far as I know sponsored by christian community yung camp namin. 2 days and 1 night ang activity na ito. Yung itsura ng camp area, sobrang lawak, maganda yung ambiance, and may mga activities talaga like mud slides, boating etc. And may mga dorms. Separate ang boys and girls.

So here are some creepy experiences na na-encounter namin while staying there.

First part (Parking Area)
5pm na kami nakarating ng Zambales. Bago papasukin sa camp site pinapatigil muna kami sa labas or doon sa parking lot. From there kitang-kita mo talaga na nasa province ka. Matalahib, bundok lang ang matatanaw. Walang mga bahay sa paligid. Private property in short.
Kami ng mga classmates ko, we've decided to finish our lunch yung mga hindi namin naubos na pagkain sa bus kinain namin sa may parking lot, pumwesto lang kaming magbabarkada sa ilalim ng puno. After naming kumain, I saw a black huge dog. Sobrang laki niya (parang wolf ganern). Then tinawag ko siya para sana ibigay yung mga tira-tira namin. I don't know what happened next, little did I know sinusundan ko na yung aso. And then nagulat na lang ako na may humawak sa braso ko. Yung best friend ko, tinanong nya ako saan daw ba ako pupunta. Kako yung aso, bibigyan ko sana ng pagkain. Tinignan nya yung tinuro ko, wala daw. Tsaka pano magkakaaso e wala naman daw mga resident dun. And to my surprise ang layo ko na sa mga kasama ko. Kanina pa daw nila ako tinatawag pero parang tulala daw ako. Pero I swear totoong may aso.

Second part (Dorms)
Mag-aala sais na ng nakapasok kami sa mismong dorm site. Parang mga 5 minutes from parking area via bus yung distance. So medyo malayo-layo kung lalakarin. Nung nakarating na kami in-assign na kami ng mga teacher sa mga dorms namin. Dorm no.5 kami napunta. Isa siyang malaking kwarto na merong napakaraming double deck. So medyo bandang unahan kami, malapit sa pinto. Yung cr nasa dulo. Malaking cr naman siya hiwalay ang shower room and toilet. Then may malaking salamin. Walang outlet or saksakan sa mismong room. Iisa lang yung outlet. Doon pa sa loob ng CR. So malas naming mga nasa unahan. May program sa camp site. May role playing then worship songs. May curfew so dapat 10pm lights out na lahat ng kwarto. Since mga low batt lahat, kanya-kanya ng dala ng extension sa may cr para mag-charge yung iba kong classmates. Dahil sa sobrang antok ko di ko na ni-charge yung phone ko. Madaling araw na ng maalimpungatan ako, nakita ko yung isang classmate ko nagmamadaling umakyat doon sa bed niya. Sabay talukbong. Dinedma ko lang, so nung kinaunagahan nagkita-kita na ulit ka para magaalmusal. Nagkakwentuhan.
Si Avs yung classmate ko na nakita ko nung madaling araw nagkwento, nagcha-charge daw siya noon, cp lang nya yung source of light that time parang biglang nanlamig yung bandang batok nya and then out of nowhere may nakita siya sa salamin, may nakatayo daw sa likod niya. And then yung isang classmate ko naman si Bie, tinanong nya kung tumabi daw sa kanya si Thubs last night. Sabi naman ni Thubs sa ibang dorm siya natulog, pero since ini-insist niya na si Thubs yung tumabi sa kanya kasi nga daw kulot. Impossible since 10pm pa lang lights out na, bawal ng tumambay or pumunta sa dorm ng iba. Di na lang namin masyadong sineryoso gawa nga na baka mga pagod lang. Pauwi na kami, around 4pm gayak na lahat naghihintay na lang sa mga bus. Medyo nagkaaberya dahil 2 buses yung nasira that time so mas nauna yung mga grade school students and lower year. Naiwan yung 3rd year and 4th year. Around 6pm wala pa ding bus.
So yung isang schoolmate namin, si Rafa nag-cr sa loob ng dorm di na siya nagpasama. Then nakita daw nya yung classmate niya na si Yhela sumunod din daw. Nauna siyang lumabas ng cubicle, sinabi daw nyang hihintayin na lang niya si Yhel then after a couple of minutes wala pa din daw lumalabas. Nagtaka daw siya kasi wala namang dumaan sa harap niya kung tapos na mag-cr yung tao sa loob. Lumabas na lang daw siya. Then to her surprise Yhela was outside kasama yung iba nilang friends and tinanong niya kung pumasok din ba ito sa loob. Hindi naman daw. Doon na siya nag-iiyak. Lahat kami that time medyo natatakot na kasi it's almost 7pm na pero wala pa din yung bus. Ang dami na naming naririnig na kwento. Yung sa mga boys naman, may nakita daw silang dumudungaw na mga lalaki sa bintana. Parang nagroronda pero nung silipin daw nila nung nakaalis na, men floating in the air. Hindi nakasayad yung mga paa sa lupa. Around 2am daw yun nung nakita nila. And then eto na may dumating ng bus luckily, yung bus din namin last time pero nakipag-unahan yung mga taga 1st section so na-occupy nila no choice kami but to wait for another couple of minutes. May dumating din naman agad nung palabas na kami ng camp site, nakita ko na naman yung aso pero parang galit siya sa akin and talagang eye to eye lang kami. Nung medyo pa-highway na kami nadaanan namin yung 1st section, nasiraan sila ng bus, ang creepy lang kasi walang bahay halos doon sa gilid ng daan. Luckily hindi naman sila napahamak. Siguro way na rin yun para mapagpag yung anumang mga naramdaman namin doon.

Sorry kung medyo mahaba and di masyadong creepy. Sino kaya yung tumabi sa classmate ko? Ano kaya yung aso na yun, sabi ng mga tita ko kung di daw ako nakita at nasundan ko yun baka naligaw na daw ako ng tuluyan. Hindi ko alam kung pagod lang ba o trip-trip lang. Siguro takot lang talaga kaya ayaw i-entertain ng isip ko yung mga ganitong kwento. Next time about sa school naman namin. Sana mapansin.

-ms.024

Scary Stories 4Where stories live. Discover now