Stroll

186 3 0
                                    


Hi! avid reader po ako dito sa Spookify since 2015 pa po. This is my first time na magse-share ako ng karanasan kong nakakakilabot at hinding-hindi ko makakalimutan kahit kailan dahil nangyari lang ito last August 10, 2019 so sisimulan ko na.
Paki-hide nalang po ng identity ko. Salamat po.

Ako po si Zephyrus (Zeph). Mula ng mamatay si Lolo, tatay ng mama ko down na down na ako, nagrebelde ako. Kailangan ko yun kasi pakiramdam ko mababaliw ako, pumunta ako sa bahay ng pinsan ko sagot ko ang unang set at videoke, 12mn hindi na ako tumagay, ayokong malasing dahil magda-drive pa ako pauwi pero nahihilo na ako. Lumabas ako para magpahangin, sumunod ang pinsan ko. Nainip ako kaya inaya ko siya mag-stroll, pumayag naman siya sanay naman kaming mag-stroll ng hatinggabi. Nag-stroll kami sa province namin sa Cavite, mapuno at sobrang dilim pa rin, nilagpasan namin ang kanto papunta sa bahay namin at dumiretso sa Norte, may shortcut kasi dun papuntang Biga sobrang dilim bago namin suungin ang mapuno at baku-bakong daan siniguro ko munang okay lang doon dumaan. Marami kasing kwento na may engkanto daw doon, sinabi ng pinsan ko na safe naman dumaan doon kaya dumiretso na kami papunta doon. Chill lang ako sa pagmamaneho, lasing na ang kasama ko at ako naman medyo nahihilo na. Nagkukwentuhan kami habang nasa biyahe, maya-maya pa naubusan kami ng mapag-uusapan  so ako nag-focus nalang sa pagmamaneho ko at iningatang huwag ma-flat ang gulong. Maya-maya pa may nakita akong isang bahay sa kanan ng daanan kitang-kita ko mula sa bintana ng bahay may nakatingin sa amin kulay pula ang ilaw ng bahay kaya na-weird-uhan ako, napansin ko rin ang isang aso na nakatali sa puno at ikot ng ikot. Kinilabutan ako ako at tinawag ang pinsan ko, humigpit ang pagkakapit niya sa akin.

Siya: "'Insan naeengkanto na yata tayo!"

Sabi ng pinsan ko na takot na takot. Tumindi pa ang takot na nararamdaman ko pero pilit ko yung hindi pinapahalata.

Ako: "Sira, hindi yun totoo sabi ko"

At biglang sinabi ng pinsan ko na kanina pa tayo pabalik-balik dito isang oras ka ng nagda-drive.

"Zeph, walang 30 minutes ang biyahe dito alam ko, kasi 30 minutes lang ito kapag nilalakad namin hanggang sa inyo. Saka kanina pa tayo dumadaan sa punong iyan oh." Tinandaan ko yung puno na itinuro niya shit! Sa loob-loob ko. Binilisan ko ang pagmamaneho. Nang dalawang beses pa ulit kaming dumaan sa punong yun, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na hindi totoo ang nangyayari, kanina lang may nakita akong puting ilaw at yun ang sinundan ko inihinto ko ang motor mas humigpit ang pagkakayakap sa akin ng pinsan ko. Diretso ang tingin ko sa ilaw na nasa poste at nanlaki ang mga mata ko ng makita kong unti-unting lumalayo sa amin ang poste ng ilaw. Lalo akong napamura ng biglang kumipot ang daan. Ang kaninang two way na kalsada ay ngayon naging isang kalsada nalang na single na motor lang ang kakasya. Nawala ang pagkahilo ko at pagkalasing ng pinsan ko dahil sa takot, takot din ako, takot na takot at wala akong idea kung ano ang dapat kong gawin sa ganung sitwasyon pero responsibilidad ko ang pinsan ko dahil ako ang nagyaya sa kanya, pinilit kong biniro ang pinsan ko para mabawasan ang takot niya.

Ako: "'Insan, kapag hinimatay ako sa takot ikaw na ang mag-drive ha?"

(at pilit akong ngumiti)

Siya: "Sira ulo ka ba? Kaya mo yan!"

Inatras ko yung motor para iikot yun pabalik sa dinaanan namin kanina, hinding-hindi kami daraan sa daang bigla nalang nagbago pero hindi ko maiatras ang motor dahil ang bigat ng pinsan ko.

Ako: "'Insan, baba ka muna iaatras ko lang."

Siya: "Ayoko nga!"

Para siyang tuko sa likod ko kaya ako nalang ang bumaba, ang bigat talaga ng motor noong maiikot ko na bumulong ang pinsan ko.

Siya: "Anong gagawin natin? Paano tayo uuwi?"

Huminga ako ng malalim, hindi ako nagsisimba pero alam ko yun lang ang makakapagligtas sa amin. I doubt but this time, we will pray together ang bilis ng pagmamaneho ko habang patuloy pa rin kami sa pagdarasal, wala pang 10 minutes nakalabas na kami. Pinagtawanan kami ng mga pinsan namin ng ikwento namin ang nangyari sa amin sa shortcut na daan, inaaya pa ako ng isa ko pang pinsan na bumalik doon gusto daw niyang ma-experience ang naranasan namin. Sabi ko naman "hayaan mo ituturo ko sayo yung daan pero never mo na akong mapapadaan muli doon ng gabi".

Nang isang gabi, nagpasya ang pinsan ko na pumunta doon may pangyayari na hindi na namin inaasahan hindi na siya nakabalik sa amin at bigla nalang siyang naglaho.

At hanggang ngayon hinahanap pa din namin siya na halos isang buwan ng siyang nawawala.

Zephyrus | Tanza,Cavite

Scary Stories 4Where stories live. Discover now