19th Floor

281 7 0
                                    


Hi readers! Dati akong Call Center Agent. Share ko lang ung creepy experience ko sa isang kilalang lumang building sa Eastwood.

4pm ang pasukan namin noon. Medyo maaga pa para sa shift kaya kwentuhan muna ng mga kasamahan. Dumating ang workmate ko na si Jane (hindi niya tunay na pangalan). Medyo nagtaka ako at nagmamadali sya na lumapit at parang medyo takot. Ayun nga, in-open nya sa amin na ang haba ng pila sa baba kaya sa service elevator daw sya sumakay which is bihira ngang gamitin ng mga empleyado ng building na yon. BTW, yung company na pinagtatrabahuhan ko ay sa 23rd floor.

So eto na nga, 3 lang daw silang sumakay sa service elevator. Di na nabanggit kung ano ang floor ng dalawa pa nyang kasabay. Nang tumigil bigla ang elevator sa 19th floor. Nagbukas ang door. Dahil bago lang rin si Jane sa building na yon, nagulat sya ng walang katao-tao sa floor. Isang malaking bodega sya. Ung glass window at magulo na table at mga nakapatong na swivel chair ang tumambad sa kanila. Lalo nyang ikinagulat at kinatakot nang sabihin ng lalaki na kasabay nya, na pindutin agad ang close button para sumara agad ang door. Ngunit hindi daw agad nagsara dahil tumunog ang alarm na "FULL" na daw sila.

Lumapit ang lalaki sa kabilang side ng door para paulit-ulit na pindutin ang close button. Pagkasarado ng pintuan nabanggit agad ng lalaki na matagal ng inabandona ang floor na yun. Hindi nya alam ang tunay na kwento, basta ang alam nya lang daw ay marami na daw talagang nagpaparamdam doon sa floor na yon. Sa mga matagal na daw talaga na nagtatrabaho sa building na yon alam nila na abandonado at walang gumagamit sa 19th floor. May mga nakakaranas din daw talaga na kusang titigil ang service elevator sa 19th floor at hindi mo agad maisasara dahil nag-a-alarm ang elevator na puno na ang loob.

At eto na, tapos na ang shift namin. Dahil nakwento ni Jane sa karamihan sa amin ang nangyari sa kanya, nagkayayaan ang iba na subukang gumamit ng service elevator pababa ng building. Ayoko na sanang sumama dahil na-i-imagine ko ang mga elevator scenes sa mga horror movies na napapanood ko. Pero dahil kasama at ka-work ko noon ang kabarkada ko simula ng college na si Mhay (hindi tunay na pangalan), pumayag na din ako at medyo na-excite pero mas takot. Pagpunta namin sa service elevator medyo nawala ang takot ko dahil di ko inaasahan na may pila at medyo madami din pala ang gagamit ng elevator taliwas sa sinasabi na bihira ang mga sumasakay dito. Turn na namin sa pagsakay, may mga nauna sa grupo namin. Mga 8 kaming magkakatrabaho na nagkayayaan. Yung grupo namin ang huling sumakay kaya yung pwesto namin ay nasa unahan at dalawang hilera ang sakop namin. Lahat kami sa ground floor ang baba. Kaya ilaw lang ng "GF" ang makikita mo sa mga pindutan ng floors. Pagsara ng pinto ay wala kaming imikan ng mga workmates ko. Siguro gaya ko, nag-aabang din sila kung meron ngang mangyayari.

22...
21...
20...

*Tiiiing!!*

Nang biglang tumunog ang elevator. Kinabahan ako dahil pag tumingala ka sa may bandang taas ng pinto makikita mo na tumigil ang elevator sa 19TH FLOOR. Kabadong-kabado ako non. Bumukas ang pinto. Madilim. Tahimik. Malaki ang espasyo. Isang malaking glass window sa buong floor. Ilaw lang ng mga building sa labas at ilaw galing sa aming elevator ang tanging nagbibigay liwanag sa buong palapag. Totoo nga ang sabi ni Jane, magulong mesa na may mga swivel chair na nakataob at nakapatong sa mesa at mangilan-ngilan na nasa sahig. Nabasag ang katahimikan nang may babae sa likod namin na sinabi na pindutin na agad ang close button. Katabi ko si Mhay noon. Sya ang katabi ng pindutan kaya kinalabit ko sya at saka lang rin siguro sya natauhan at panay na ang kanyang pindot.

Lalo akong natakot nang biglang nag-alarm ang elevator at umiilaw na "FULL" na daw kami. Lalo akong di makapagsalita at kabadong-kabado. May mangilan-ngilan na nagsalita na tao galing sa likod namin na galit.

"Sinong pumindot ng floor na ito?"
"Ano masaya na kayo?"
"Diba gusto nyo maglaro?"

Hindi ko alam kung naririnig ba nila sa pila bago kami sumakay, ang mga kasama ko na pinag-uusapan ang 19th floor. Pero ang mas kinatakot ko ay may biglang nagsabi sa kanila na..

"HINDI TAYO MAKAKAALIS DITO HANGGA'T WALANG BUMABABA SA INYO"

Lalo kaming natahimik. Sino ba naman ang gustong magpaiwan sa floor na yon?. Ayoko ng lumingon sa harap sa takot ko na baka biglang may magpakita sa amin. Kabadong-kabado na ako at iniisip ko na mata-trap na kami sa floor na yon. Nakikita ko si Mhay na pinipindot pa din ang close. Sa bawat pindot nya ay sinasabayan naman ito ng alarm na "FULL" na daw kami sa loob. Di ko na alam kung ano ang iisipin ko pakiramdam ko ang tagal-tagal na namin sa floor na yon. Nang marinig ko na nag-uusap ang dalawa kong ka-work na lalaki si Mark at John (di nila tunay na pangalan). Sila ang nasa pinakaharap at nakatayo sa gitna. Di ko maisip na pag-uusapan nila kung sino ang bababa sa kanilang dalawa. Pinapakinggan namin ang bawat salita nila. Tunog ng tunog pa din ang alarm. Napagdesisyunan nila na dalawa na lang silang bababa. May nagsalita ulit na babae sa likuran namin na kulang na lang itulak sila palabas.

"Sige na bumaba na ang bababa! Ginusto nyo ito diba?"

Makikita mo kay Mark at John ang takot. Nagtitinginan silang dalawa ng inilaktaw nila pareho ang tig isang paa nila sa labas ng elevator at nakatapak na sa sahig ng 19th floor. Natahimik sila. Ikinabigla namin ang sabay nilang pag-atras ulit papasok sa elevator at sabay pindot ni Mark sa close button. Sa wakas nagsara ang pinto at hindi na ito nag-alarm. Tahimik lang kaming lahat.

Pagdating sa GF hindi kami agad naghiwa-hiwalay at pinag-usapan saglit ang nangyari sa amin. Agad na tinanong ni Mark si John kung bakit pumasok ulit si John sa elevator. Nagulat si Mark dahil pareho sila ng dahilan. Pareho sila ng narinig. Narinig nila pareho na may tumawang babae kaya sila napaatras.

Mga naging palaisipan samin ay: Kung walang pumindot sa loob ng elevator ng 19th button, hindi ba dapat galing sa labas ang pipindot para tumigil at magbukas ang elevator sa floor na yon?. At posible ba na sumakay kami sa elevator ng hindi pa nag-alarm na full kami tapos pagdating sa ibang floor ay bigla itong mag-a-alarm at magsasabi na puno na at di na kasya sa loob?

G

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon