CreepyPasta 666

537 16 0
                                    


So yung story ko ay about samin ng bestfriend ko when she tried to search this video.

Years ago (I can't remember exactly when) mag-isa ako sa bahay. Syempre akong si matatakutin ay nagtawag ng kaibigan na makakasama sa bahay hanggang sa dumating ang parents ko. So ayun na nga, dumating si Ana, nanood kami ng movie and nagkwentuhan. Nakwento nya sakin yung about sa creepy video na 'CreepyPasta 666' daw. That time fresh pa yung video so curious na curious sya don lalo na may kumakalat daw na creepy na story about dun. Sabi nila huwag mo daw papanoorin yun ng mag-isa kasi may namatay na daw dahil dun. So ayun di ko ni-try panoorin. Matatakutin nga ako. E kaso makulit ang best friend ko nagpumilit sya panoorin yon. So sabi ko, sige pero maliligo muna ako. Iniwan ko sya sa kwarto pati laptop ko.

Then habang naliligo ako, narinig ko yung aso ko may kinakahulan. Weird. Kasi di ganun tumahol ang aso ko. Yung tahol nya galit na galit sya at yung ingay ng tahol nya ay nanggagaling sa kwarto ko. So nagmadali ako sa paliligo. Nagtataka na talaga ako kasi kilala ng aso ko si Ana. So nagbihis ako, lumabas ako ng banyo at dumiretso sa kwarto. Pagdating ko nandun yung aso ko nakakagat sa kamay ng best friend ko. Pero yung kagat na hindi nya intention saktan ito tinatanggal nya yung kamay ng best friend ko sa laptop. At yung best friend ko. Tulala.

Tulala pa din sya nun. Natataranta na ako kaya nasampal ko sya. Bigla syang natauhan. Bigla syang umiyak at niyakap yung aso ko.

Kumuha ako ng tubig at pinainom sa kanya hinintay ko syang kumalma.

Maya-maya nagkwento sya. Sinearch nya daw yung video. Tapos biglang nag-hung yung laptop ni-try nya ayusin at habang ginagawa nya yun the screen turned red. All bloody red. Natakot na sya kasi ganun daw yung sa story na narinig nya about dun sa video. Ni-try nya bitawan yung laptop pero di nya magawa di makawala yung kamay nya. Then pumasok yung aso ko sa kwarto at nagtatatahol. Akala nya sinapian ng demon yung aso ko. Akala nya lalapain sya. Pero na-realized nya nung tignan nya ito hindi sya yung tinatahulan nakatingin sa likod nya yung aso ko. Hindi daw sya makalingon natatakot sya kung anong meron dun. Di tumigil yung aso ko sa pagtahol at pagtulong sa kanya tanggalin yung pagkakahawak nya sa laptop pero wala, di nya maalis, alam nyang may tao pa din sa likod nya takot na takot na sya. Umiiyak sya nung kinukwento nya yun. Di nya naramdaman ang pagdating ko. Parang naninigas katawan nya sa takot. Nakahinga lang sya ng maayos nung nawala yung presensya ng tao sa likod nya at nabitawan nya yung laptop.

Natatakot na din ako nung nagkukwento sya pero di ko pwedeng ipakita yun. Kailangan may mag-comfort sa kanya.

So ayun sinamahan pa rin nya ako kahit natatatakot na sya. Hinintay namin yung parents ko. Nakatulog si Ana nun. Napagod siguro kakaiyak. Ako naman tinabihan ko lang sya sa higaan, trying to fall asleep. Pero di ako makatulog. I faced the wall (katabi kasi nung kama ko yung pader) Dim yung light. Perfect para makatulog. Pero bago ko pa maipikit yung mata ko, I saw a shadow. Nag-reflect sa pader. Parang bumangon sya mula sa kama so lumingon ako tinignan ko si Ana at fuck tulog sya. Ano yung shadow na nakita ko? I really tried to fall asleep pero pabalik-balik yung shadow. Naaaninag ko sya. Fuck fuck fuck fuck!!! Pabalik-balik sya. Lumilibot sya sa kwartoooo!

I tried not to scream! Natatakot na talaga ako nun. I stay awake hanggang sa dumating ang parents ko.

Kinabukasan umuwi na si Ana. Tinago ko yung laptop. Di ko na ginagamit. Minsan ginagamit ng pamangkin ko pag hinihiram nya. Ako, ayoko, natatakot ako.

Ayaw maniwala ng parents ko sa nangyari. But I begged them na lilipat nalang ako ng room. Pumayag naman sila.

And until now, that shadow is still roaming in that room. I know. Minsan pag nagagawi ako sa kwartong yun ay nakikita ko pa rin sya.

Blank
Pasay City

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon