Puro Nikko... Nikko.. Nikko.. Ang nasa isip ko.

Leche.

"No! Wala akong dapat aminin." She just look at me.

"Wala nga ba?" She even raise her eyebrows, seems not to be convinced, kahit din naman ako, hindi ko maamin sa sarili ko, dahil natatakot ako. Sa dinami dami pa kasi ng lalaki bakit siya pa, sa taong hindi ko aakalain na magugustuhan ko dahil sobra akong naiinis sa kanya.

Nakakainis. Humiga lang uli ako at nagtalukbong ulit.

"You are really messed up E, fix it." Then Taylor shut the door and leave me alone.

Yeah I really need space

Magulong-magulo na talaga yung utak ko, mas magulo pa sa buhok ko ngayon.

Lumayo ako sa kay Nikko para malinawan ang isip ko. Pero hindi ko magawa dahil lapit siya ng lapit sa akin. Mas lalo niya akong ginugulo.

I cant bear this feeling anymore.

Mahal ko na ba talaga siya?

Ayoko.

........................

Gabi na nung naisipan ko na bumalik sa bahay, siguro ay wala na yung Nikko na iyon.

Pero paano kung nandun pa siya? Ay ewan ko na lang, isa siyang dakila kapag nandoon pa rin siya sa pamamahay ko.

But, how can I face him, kakayanin ko ba? Lalo na at may nararamdaman na ako sa kanya.

Paano kung hindi ko kayanin ang magiging epekto niya sa akin, mahimatay na lang ako bigla.

OA na yun Eris

Hay nako bahala na lang, basta kakayanin ko kung anoman ang mangyayari, wala man siya o nandoon sa apartment ko.

Nanlaki ang mata ko ng mga nakaparadang Porsche Carera S sa harap ng apartment ko.

Bigla kong naalala yung natulog siya doon.Tinignan ko ng mabuti yung salamin, kahit na heavy tinted iyon. Baka kasi nandoon siya natutulog ulit.

"Eris."

Napatalon ako sa gulat. He stands before me, Iba ang porma niya he wears long sleeves na nakatupi ng 3/4 then khaki pants. Mas mukha siyang disente ngayon, saan ang binyag?

"Where have you been, I am waiting for you all night, all day."

"Hindi ko naman kasi sinabi sa iyo na hintayin mo ako all night, all day" I said without looking at him.

Ayoko siyang tignan, baka hindi ko kayanin at bumigay ako dahil nagwawala na naman yung siraulo kong puso. OA na kung OA pero nangyayari na sa akin. Para akong mauubusan ng hininga sa bilis nito.

"Eris gusto kitang makausap.."

"For what." Nakayuko pa rin ako, paano ko ba sasalubungin yung letseng mga mata niyang iyan.

"Would you please look at me." Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Wala rin naman akong choice

Damn those brown tantalizing eyes.

It penetrates my soul again, making my knees like a jellyace, tempting me to look at it over and over again.

Agad din akong nag-iwas ng tingin, baka matuluyan pa ako, still he makes my heart pounding fast.

Bakit ba kasi pamatay yung mga titig niya, sarap tusukin ng mata niya.

"Ano ba kasi ang kailangan mo?"

"I just want to talk to you."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, Finally Eris, nagawa mo. Pero tila kailangan ko na lakas para alalayan ang sarili ko, para akong nanginginig ngayon.

Huminga ako ng malalim para kumuha ng lakas, para sa mga susunod kong sasabihin sa kanya.

"Can you just stay away, I obviously need space Nikko, kaya ako umalis sa bahay mo, lagi ka na lang malapit sa akin. I need space! I need to stay away from you." Pinagdiinan ko talaga yung 'space' at 'stay away' sa kanya.

"No."

Sinamaan ko siya ng tingin, why so persistent Nikko.

"Please Nikko, gulong-gulo na ako. Gulong gulo na isip ko."

"Naguguluhan na ako kasi hindi ko alam kung bakit unti-unti na ako nahuhulog sayo."

Silence occupied us.

Tila walang lumalabas sa bibig niya, he just look at me.

Then I realized what did I just said to him.

Oh crap!

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now