"May pagkatanga ka kasi, hindi ka sana masasampal kung hindi mo nasabing papatayin mo si Hya"wika ulit ng isa.


Sumilip ako nang kaunti para makita kung sino talaga ang nag-uusap. Silang dalawa nga yun, tama ako.


"May punto ka nga, nakakabwisit kasi yang Hya na yan eh. Alam kong magagalit si Kenzie kung papatayin ko sya, kaya pahihirapan ko na lang siya nang sa ganun, planado ang entrance ni Kenzie na sasalo sa kanya dahil sisiguraduhin ko na iba ang pagkakaabalahan ni Wallace. Mas mapapabilis na makuha ni Kenzie ang gusto niya"sabi ni Tiffany.


Teka paano nadawit si Kenzie dito, magkasabwat ba silang tatlo at magkakakilala? Mabuti na lang at lumabas ako kung hindi, hindi ko malalaman ang totoo.


"Nakakapagod nang makipagplastikan kay Hya, at sa ginawa ko kanina siguradong galit na sya sa akin. Parang nakawala na ako pero mas maganda kasi pwede ko na syang kalbuhin"sabi pa ni Tiffany nang nakangiti.


Kalbuhin pala ha, baka gusto mong ikaw ang kakalbuhin ko bukas. Komprontahin ko  kaya bukas, naiinis na ako.


"Ang galing mo nga eh, buti hindi ka pa nasuntok ni Walace bago mo pa siya patulugin gamit yung droga. Ninja ka"namamanghang wika ni Brittany.


"Isa pa yung Terrence, nakakairita, panira eh sarap na sarap na ako sa ginawa ko kanina kay Wallace. Tara tulog na nga tayo, hindi maganda para sa atin ang mapuyat at magka eyebags"ang arte mo Tiffany, halatang masyado kang conscious sa itsura mo.


Tama nga si Wallace tungkol sa kanya.


Patay nandito pa naman ako nagtatago, nasa kanan ko pa naman yung pintuan ng dorm nila at nakasandal ako sa pintuan ng dorm ni Lauren.


Naglakad na sila palapit dito, naririnig ko ang mga yabag nila. Anong gagawin ko, lalabas ba ako sa pinagtataguan at magkunwaring kakalabas lang galing sa ibang dorm?


"Parang may anino doon sa tabi ng pintuan natin, may tao ata"kinabahan na ako sa sinabing ito ni Brittany.


Ang tanging magagawa ko lang ay ang pumasok sa dorm ni Lauren na sinasandalan ko lang. Pinihit ko ang doorknob pero nakalock siya, baka natulog na. Alanganmang kumatok ako. Ano nang gagawin ko? Nakakakaba sobra.


Naglakad sila nang palapit na palapit na dito, natataranta na ako. May bigla akong naaninag na liwanag sa likod ko at may humawak sa braso ko sabay hila sa akin papasok, buti di ako napasigaw sa gulat.


Si Lauren pala, at nandito ako sa loob ng dorm niya.


"May narinig akong tunog ng pagpihit ng doorknob at kinutuban ako na mahalagang buksan ito kaya binuksan ko. Pero nakita kitang nakatalikod na natataranta at ang anino nina Tiffany at Brittany na palapit. Kaya hinila kita papasok para hindi ka nila makita. May nangyari ba? Halata kasing hindi nila alam na nandoon ka"paliwanag niya.


Ang talas ng pandinig niya, ang galing.


Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now