KABANATA XLIV

20 4 1
                                    

KABANATA XLV
•BACK STAB•



NAPA AWANG ang bibig ko sa nakita. I-imposible patay na sila!

"S-Saigie" rinig kong sabi ni Leo. Pero nasa tapat lang nya ang atensyon ko.


"Saigie mag iingat ka-" Ang kaninang nawalang luha sa mga mata ko ay bumabalik na naman.


"K-kwain-K-Kain" Nauutal kong sabi habang naka tingin ng diretso sa kanila. But they just stared at me like a stranger. Kahit kailan man ay hindi nila ako tinignan ng ganon!

Nag tuloy tuloy ang pag agos ng luha ko. Sa puntong yun ay hindi ko na inalam kung bakit at kung paano sila nabuhay. Wala akong pakialam basta makita ko lang sila na humihinga't buhay, gusto ko na silang salubungin ng mainit na yakap. Ang bunso namin.


"Saigie!" Nabalik ako sa katinuan ng marinig ko ang boses ni Leo. Pero ganon nalang ang pag ka gulat ko ng makita ko sya nasa harapan ko na na para bang ginagawang pansangga ang sarili nya.


"D*mn it! That was close" ani nya habang nakatingin lang sa harapan kung saan nang galing ang dagger na lumipad papunta sakin. Buti nalang at si Leo ay agad na nag punta sa harapan ko kundi baka ako na ang natamaan non.


"Saigie! Be careful! Those daggers has a poison" babala nya. Pero hindi ako nag abalang sumagot. Naka titig parin ako sa dalawa.


"Kwain, Kain" garangal kong boses. Nagulat naman ako ng nginisihan ako ni Kain. Naramdaman ko naman na nag sitayuan ang balahibo ko dahil doon. Hindi ko alam pero kinilabutan ako doon.


S-si Kain! Kailan man ay hindi nya ako tinignan o nginisihan man lang ng ganon!


Pero sa isang kurap ay nakita ko na kinumpas ni Kwain ang kanyang kamay at nagulat nalang ako ng nag pakawala sya ng napaka raming dager at lahat yun ay may tumutulo pang mga kulay lila na likido.


Gusto ko mang maka alis sa kinatatayuan ko para sana mailagan yun pero hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang magawa na maihakbang ang paa ko. Sh*t papalapit na! Saigie galaw!



Pilitin ko man na maka alis sa pwesto ko ay hindi ko kaya at nagulat nalang ako ng may maramdaman akong malakas na pwersa na tumulak sakin papaalis sa kinalalagyan ko.



Napa salampak ako sa lupa at itinukod ko ang mga kamay ko para hindi ako masaktan. Agad naman akong napa lingon sa dating kinalalagyan ko at nakita ko doon ang mga naka tusok na daggers sa lupa. Darn! Para talaga samin ang atakeng yun!




Napansin ko naman na wala na doon si Leo kaya agad ko syang hinanap gamit ang paningin ko at nakita ko sya na nasa malayo. Kahit na gusto ko syang bulyawan sa ginawa nyang pag tulak sakin ay hindi ko nalang ginawa dahil malamang ay nag aagaw buhay na ako ngayon kung hindi dahil sa kanya.



"Die!" Agad akong napa lingon sa nag salita at doon ay nakita ko sina Kwain at Kain na may mga pulang mata habang matiim na naka tingin sakin. Ramdam na ramdam ko ang pag kirot ng dibdib ko dahil sa sakit. Wala parin talagang makakatalo sa emosyonal na sakit. Kailan man ay hindi nila ako sinabihan ng ganyan!



Magkasabay nilang kinumpas ang kanilang kamay at kagaya ng kanina ay may lumabas na dagger doon na may lason at lumipad yun papunta sa direksyon ko. Even in my shockef stated I still manage to dodge it.



Agad akong napa tingin sa nga dagger at nabaon yun sa mga lupa na maraming damo. Agad namang nalanta ang mga damo. Napa yukom naman ako sa galit. Alam ko-alam ko na hindi sina Kwain at Kain to! Pero sino sila?



"Arrgghh!" Napa lingon ako sa direksyon ni Leo at nakita ko syang naka hawak sa kanyang tyan habang sapo sapo yun at matiim na naka tingin kay Kwain. Tinignan kong maigi ang kanyang tyan at mukang hindi naman ata sya nasugatan. Napa hinga naman ako ng maluwag dahil doon.



"Saigie! Watch your back!" Agad akong napa lingon sa likuran ko dahil sa sinabi ni Leo at doon at nakita ko ang mga daggers na papalapit sakin kaya agad akong napa iwas doon.



Napa pigil ako sa pag hinga ng may dagger na dumaan sa buhok ko at naputol ang ilang hibla ng buhok ko. Darn! That was pretty close!



"Sino ka?" Linakasan ko ang loob ko para tanungin si Kain-este ang lalaking kamukang kamuka ni Kain. Pero binigyan nya lang ako ng nakakakilabot na ngisi.



"Kain" sagot nya at nagpakawala ng mga daggers. Agad naman akong naalerto at agad na napa ilag doon at agad kong pinalabas ang pana ko.



Pinosisyon ko ang sarili ko at agad na hinila ang string ng pana ko at agad na inasinta sya. Pero binato nya lang ang dagger papunta sa direksyon ng palaso na pinakawalan ko at agad naman itong kumikha ng pag sabog. Dahil doon ay napa pikit ako.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now