KABANATA XXXV

14 4 0
                                    

KABANATA XXXV
•MEET THE DESCENDANTS OF THE ARIES AND LIBRA•

NANG matapos ipaliwanag samin ni Granny ang lahat ay doon lang ako naliwanagan. Sya pala ang kinatawan ng mga tao kaya nandito sya sa mundo ng mga tao. At walang kaalam alam non si Yuei.

"Mag papahanda lang ako ng pagkain. Kukuha rin ako ng damit para sa inyo" dahil sa sinabi ni Granny kaya bigla tuloy akong napa tingin sa damit ko at tinignan ko rin ang damit na suot ni Yuei. Ang dungis na talaga namin.

"S-sige po" nahihiya kong sabi but she gave me a reassuring smile. At tumayo sya at umakyat sa hagdanan.

"S-so you're husband and wife" pag babasag ng katahimikan ni Justice. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Bat ba napaka mausisa mo?" Naka taas kilay kong tanong sa kanya napa lunok naman sya at napa iwas ng tingin.

"Don't mind her. Masyado lang talaga syang affected kasi nang hihinayang sya na hindi kay Mirdle kinasal" here he is again. Bat ba kasi pinaglihi pa to sa karpentero.

"Shut up Lorthus. Stop talking nonsense" irita kong suway sa kanya at sumandal sa sandalan.

"Whatever"

"Ever mo muka mo" inis kong pahayag. Wala talagang pagkakataon na hindi ako naiinis sa kanya. Kahit naman pareho sila ni Leo na malaki ang kasalanan sakin pero ewan ko ba kung bakit sa kanya talaga ako sobrang naiinis.

"E-easy. Bagay pala talaga kayo" napa irap ako sa ere dahil sa sinabi nong Libra.

"Isa kong Sancire hindi bagay. At eto naman" turo ko doon sa Toro. "Hayop to" giit ko. Narinig ko naman ang kanyang paghagikhik. Ang cute nya—

"I heard that" napa irap uli ako ng marinig ko ang boses ni Yuei sa isipan ko. Hindi ko naman talaga sadya na maiparinig sa kanya yun. Naninibago lang talaga ako at hindi ko pa lubusang na-ko-kontroll ang bagong kakayahan ko. Para tuloy akong walang privacy. Ang daya si Toro naririnig yung iba kong iniisip habang ako hindi man lang mabasa kung anong iniisip nya o kung talagang nag iisip sya.

"Alam nyo ba na may kasabihan ang mga tao" naiiling nyang sabi. Hindi ko rin alam kung bakit pinag aaksayahan ko sya ng oras para pakinggan. Ginto ang oras ko. Pero dahil nga isa naman sya sa mga Z kaya pag bibigyan ko sya.

"Naniniwala sila sa kasabihan na “the more you hate the more you love” at marami narin ang nagpatunay non. Baka naman maisipan nyo na dumagdag" ani nya kaya binigyan ko sya ng bored look. Ewan ko lang dito sa katabi ko pero panigurado naman ako na walang pakialam yun sa mundo kaya hindi ko na iisipin ang reaksyon nya.

"Alam mo rin ba na hindi kami tao?" Sarkastik kong tanong habang naka taas pa ang kilay. Nahihiya naman syang napa kamot ng ulo.

"B-bakit ka ba g-galit diba normal lang naman sa mag asawa ang mahalin ang isat isa?" Bat ba napaka mausisa nito. Hindi ko tuloy alam kung kaninong lahi to. Kung kay Pristine ba o kay Haidie?

"Alam mo kahit na gumuho pa ang mundo, malunod pa ang isda, uminit pa ang yelo. At kahit ma hulog pa sakin tong Toro. Hinding hindi ko sya mamahalin ni gugustuhin" matigas kong sabi at napa sandal sabay cross arms.

"Tsk. Ako magkagusto sayo. Dream on" di ko nalang pinansin ang sinabi ni Toro dahil hindi naman sya ang kausap ko. Isa lang syang masamang hangin.

Hindi ko na namalayan na naka baba na pala si Granny dahil sa sama ng loob ko sa Toro. May dala syang mga damit at inabutan nya kami non.

Tinignan ko naman ng mabuti ang damit at ganon nalang ang pang lalaki ng mata ko ng makita ko yun

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon