KABANATA XII

27 3 0
                                    

KABANATA XII
•THE NEW MEMBER•

"She's the Acher. And her name is...."

"....Saigie"

Bigla namang napa awang ang bibig ko. At kahit na isa ay walang makapag salita. Binalot ng katahimikan ang buong lugar na para bang may dumaang anghel.

"H-hes j-just joking r-right?"

"It's really i-imposible"

"Y-yung abhor na baba-babaeng y-yun"

"Sya yung nakalaban ni Yuei diba?"

Sari saring komento ang bumalot sa buong auditorium room.

"May I request the presence of yours, Ms. Saigie" hindi parin ako naka galaw sa kinatatayuan ko. Dahil una sa lahat ay talagang imposible mangyari yun. Una sa lahat ay isa lang akong Abhor na biglaang nawalan ng kinikilalang pamilya at nalaman na isang Sancire ako at nakapag aral sa paaralan nila tapos ngayon isa na ako sa Z?

"Ms. Saigie?" At sa pangalawang tawag nya ay tumayo na ako at naglakad papunta sa stage. Nakita ko rin na nandoon na ang Z.

Nginitian ako nila maliban lang kina Leo at Yuei na walang pakialam sa paligid na para bang may sariling mundo.

"Students I introduce you the new member of Z." Sabi ni Headmistress.

"Saigie. The Descendants of the southern zodiacal constellation pictured as a centaur shooting an arrow. The Zodiac Sagittarius." Pagpapatuloy nya at biglang hinawakan ng isang babaeng council ang tuktok ng ulo ko at bigla namang nagdilim ang paligid. Nag bukas sara ang mga ilaw at humangin ng malakas at maya maya pa ay nagulat ang lahat ng nabuksan ang bubong ng auditorium at doon ay may sumilay na mga bituin na may binubuo na porma. Ang liwanag non ay napunta sakin kaya napapikit ako. Parang ito rin ang nangyari noong duel.

Naramdaman ko naman ang enerhiya na napunta sakin at biglaang nagbago ang suot ko. Naging armor yun na kulay ginto at hinaluan ng pula.  Ang aking buhok ay nag-iba. Mula sa itim ay napalitan yun ng platinum blonde at nagkaroon ng highlights na kulay pula.

Mayamaya pa ay bumalik narin ang liwanag sa paligid at ang bubong din ng auditorium ay biglaang ding nasaayos na pala bang walang nangyari.

"Let us all welcome the 7th member of the Z."







"AS IN hindi parin talaga ako maka paniwala na isa ka samin Gie" hindi ko nalang pinansin ang mga sinasabi ni Haidie. Ilang beses na ba nya nasabi ang salitang yun ngayong araw?

"Ako nga din hindi maka paniwala eh. Pero noong unang nakita ko palang si Saigie ay alam ko na na parang may kakaiba talaga sa kanya" isa pa tong si Pristine.

"Guys pwede ba wag nyo na ngang paulit ulit na banggitin yan. Kahit saan nga naman ako mag punta ay talagang naririnig ko yan" iritang saway ko sa kanila at napatawa naman sila. 

"Okay hindi na. Tyaka yung mga naririnig mo sa paligid don't mind them okay insecure lang talaga sila" paalala ni Haidie

"Tch bakit ko naman papatulan ang mga katulad nila?"

"Syempre incase of emergency lang. Ay wait tara na pala sa cafeteria I'm hungry na" wika ni Haidie kaya nag lakad kaming tatlo papunta sa cafeteria.

Pagkarating namin sa cafeteria their gaze turn to me. Okay eto na naman sila. Akmang mag pupunta na ako sa usual na table na palagi naming pinu-pwestuhan ng hilain ako ni Haidie papunta sa pinaka gitnang table na naiiba ang disenyo sa lahat at elegante yun.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora