KABANATA LXXIX

14 2 0
                                    

KABANATA LXXIX

FORGIVENESS•

NAKA RINIG AKO ng mga hiyaw at daing kaya agad akong napa mulat pero agad na sumalubong sakin ang malawak na Eure dimention. Pero ang agad na nag-pakaba sakin ang napaka raming dugo sa paligid at ang mga naka handusay na mga katawan na hindi ako sigurado kung may buhay pa ba o wala na. 

Nanginginig akong napa balikwas ng bangon habang sinisiyasat kung ano bang nang yari habang wala akong malay. At nang muli kong ibinalik ang paningin ko sa mga naka handusay sa sahig at halos manlambot na ang mga tuhod ko nang mamukaan ko kung sino ang mga naka handusay. 

"H-Hindi..." umiling ako habang pinipilit na mag gising ang sarili ko. H-hindi i-sa lang 'tong panaginip! Isang napaka samang panaginip! Saigie gising!

"Y-Yuei... K-Kinos!" napa hagulhol ako nang makita ko ang walang buhay nilang katawan habang halos bumaha na ng dugo ang buong dimention. Napa upo ako sa pang hihina dahil ang lahat ng Z ay naka handusay sa sahig habang napaka raming tadtad ng saksak sa buo nilang katawan. 

Naka rinig ako ng kalansing na para bang may humihila ng metal. Napa pikit nalang ako habang naka takip sa tenga ko at patuloy na kinukumbinsi ang sarili ko na gumising. 

"Nakikita mo ba 'yan?" halos man laming na ako nang maka rinig ako ng boses na puno ng pagka muhi at napaka lamig nito. 

"U-Umalis ka!" pag tataboy ko pero narinig ko na lamang ang kanyang mala-demonyong tawa. Agad akong kinilabutan at nanginginig na napa lingon sa kanya. 

Nahingit ko ang aking pag hinga dahil sa gulat. Isang babaeng naka suot ng pang prinsesang damit at may korona pa sya sa ulo. Pero ang mas nakaka-pag-dagdag pa ng kilabot sa katawan ko ay hindi ko man lang maaninag ang kanyang muka at nagiging malabo ang paningin ko kapag tinitignan ko ang muka nya. 

"Inagaw mo ang lahat ng para sa'kin!" nangangaiting sambit nya habang tinututok sa'kin ang dala nyang espada. Agad namang akong napa tayo at lumayo sa kanya. A-anong ibig nyang sabihin?!

"H-Hindi kita maintindihan! Umalis ka na!" kinakabahang sambit ko pero nag patuloy lang sya sa pag lapit sakin kaya napa atras ako habang nanginginig na naka tingin sa muka nyang hindi ko maaninag. 

"Inagaw mo ang lahat sakin!" pag uulit nya. "Ako ang dapat na nandyan sa posisyon mo! Ako!" Puno ng galit na sabi nya at inambahan ako ng saksak. Kahit na tulala ay naka hinga ako ng maluwag nang maiwasan ko ang espadang dapat sana ay naka tarak na ngayon sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kakaibang kaba habang naka tingin sa kanya. 

"Isa ka lang impostor! Isa ka lang kasangkapan!" At muli nyang winasiwas ang espada nya. Mabilis akong umilag. Pero anng mahagip ng paningin ko ang isang simbolo na naka ukit sa espada nya ay agad na nanlamig ang katawan ko. Isang simbolo ng isang RAM. 

Dahil sa panlalamig at gulat ay bigla na lamang akong napa ngiwi nang maka ramdam ako ng kirot at hapdi sa tagiliran ko. Agad na umalingawngaw ang malakas na tawa ng babaeng nasa harapan ko habang ako naman ay nag hahabol ng hiningang naka tingin sa kanya. 

"Hindi ka karapatdapat sa posisyon na 'yan! Napaka hina mo!" pang aasar nya sakin at akmang i-sasaksak na uli sakin ang espada pero agad akong umiwas at sinipa sya sa tyan. Mabilis syang napa atras habang nag aapoy ang matang naka tingin sakin. 

"W-wala akong alam sa pinag sasabi mo!" seryoso kong sabi habang matiim na naka tingin sa kanya. Napa ismid naman sya at muli akong inambahan ng saksak pero ginamit kong pang sangga ang kamay ko at hinawakan ang dulo ng espada. Napa ngiwi ako habang dinadama ang hapdi ng sugat sa tagiliran at kamay ko. 

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now