KABANATA LXXVI

9 2 0
                                    

KABANTA LXXVI

•SPILLING SOME BEANS•

THIRD PERSON'S POV

MABILIS ANG naging kilos ni Lanster nang makuha nya ang mahimbing na batang natutulog sa crib. 

Bago pa sya muling tumakbo ay tinignan nya uli ang sanggol sa kanyang mga bisig. 

"Napaka ganda mo." namamanghang sambit nya. Muli syang nag palinga linga at isinuot sa ulo ang hood ng kanyang itim na cloak. 

Mabilis ang kanyang kilos na halos hindi na tumama ang kanyang mga paa sa sahig dahil sa maingat ngunit mabilis nyang kilos papaalis sa kwarto ng hari at ng Reyna. Labag man sa kanyang loob na ilayo ang sanggol mula sa kanila pero wala syang ibang alam na sulosyon. 

Nang maka rating sya sa likuran ng palasyo ay agad syang sumitsit at tinawag ang pangalan ng isa sa mga pinag kakatiwalaan nya. 

"Heneral Maximus." pag tawag nya dito. At agad namang may sumulpot na lalaki na naka suot ng isang pang mahikerong damit. 

"Sabi ko naman sayo na 'wag mo akong tawaging Heneral." inis na sambit ng lalaking tinawag nyang Maximus. 

"Pero Heneral ka naman diba." naka ngising sambit ni Lanster. Napa iling na lamang si Maximus. 

"Tara sa bahay baka may maka kita pa sa 'tin." biglang sumeryoso si Lanster at agad na napa tango. Binato sya ni Maximus ng isang bomba na nag lalabas ng usok. Napa iling nalang sya. 'Wala parin talagang kupas ang prinsipeng mahikero.' sa isip nya. 

Sa isang iglap ay nasa loob na sila ng bahay ni Maximus. Agad na kinuha ni Maximus ang sanggol sa bisig ni Lanster. Napa ngiti sya ng masulyapan ang pamangkin sa bisig nya. 

"Bakit kailangan pa nating ilayo sa Reyna at Hari ang sanggol? Alam mo naman na halos mag paka matay na ang Reyna nang mawala ang anak nila tapos ilalayo mo uli sya sa kanila." Nag aalalang tanong ni Lanster. Napa buntong hininga naman si Maximus at tinignan si Lanster. 

"Kailangan natin syang mailigtas laban sa kanya. Nararamdaman ko na sya." Mahinang sambit ni Maximus. 

"Pero may paraan pa naman diba?" pag pupumilit ni Lanster pero umiling muli si Maximus. 

"Hindi. Kapag mag balik sya ay alam ko na hindi ko sya maililigtas laban sa ak—" bago pa man matapos ni Lanster ang sasabihin nya ay bigla na lamang umalingawngaw ang malakas na iyak ng isang sanggol sa kwarto. 

Agad na ibinigay ni Maximus kay Lanster ang sanggol sa bisig nya at agad na pinuntahan ang kanyang anak sa kwarto. At nang bumalik sya sa sala ay kalog kalog na nya ang kanyang anak sa bisig nya habang pinapatahan ito. 

"Sayang nga lang at mukang hindi na lalaki ng magkasama sina Leo at ang kanyang pinsan." nang hihinayang na sambit ni Lanster. Napa ngiti naman ng malungkot si Maximus. 

"Tama ka pero sana naman ay mag tagpo muli ang landas nila." sambit ni Maximus. Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nila hanggang sa mag salita uli si Lanster. 

"Ano naman ang ipapangalan ko sa kanya?" tanong ni Lanster. "O dapat ba talaga nating palitan ang pangalan ni Aster." Dagdag pa nya. Napa buntong hininga naman si Maximus. 

"Para sa kaligtasan nya kailangan." sambit nya sa mababang boses. 

"Kung Aries nalang kaya." Suhesyong ni Lanster kaya agad syang naka tanggap ng masamang tingin mula kay Maximus. 

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon