KABANATA LXV

12 1 0
                                    

KABANATA LXV
•PINKY•

HANNA'S POV

NAPA SIGAW NALANG AKO NG biglang kinuwelyohan ni Captain si Ion. Takte! Ano ba kasing hinithit ni Saigie at naisipan nyang halikan si Ion?!

"You bastard!" Nangangalaiting sigaw ni Captain. Hindi ko na maiwasang hindi mapa lunok. Maski ako ay naawa narin kay Ion. Ilang araw na nga syang walang maayos na buhay dahil ginugulo sya nina Captain tapos—Pakshet talaga.

"C-Captain." Nauutal sa sabi nito. Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa Ion. Hinding hindi ka namin makakalimutan.

"I'm gonna kill you." Matiim na sabi nito. Napa hawak naman ako sa katabi ko dahil sa takot. Wala sa sariling napa lingon ako sa katabi ko at nakita ko si Leo pala ang nahawakan ko. Agad kong napa bitaw.

"Lorthus you're already making a scene. You better stop." Pag aawat sa kanya ni Leo pero hindi sya nito pinansin. At nagulat nalang ako ng biglang kalasin ni Saigie ang mahigpit na pag kakahawak ni Captain sa kuwelyo ni Ion.

"Bakit mo ba sya inaaway Captain? Wala naman syang ginagawang masama ah." Inosenteng tanong nito. Napa awang naman ang bibig ko sa nasaksihan. Packing tape! Ang cute nya ang sarap isako. Pero seryoso ano bang tinira nya at napaka high naman ata nya? Don't tell me nag e-exist pati shabu dito?!

"A-archer what's wrong with you?" Naguguluhang tanong ni Captain. Muka yatang lahat kami ay nag tataka sa inaasal nya. Baka naman aksidenteng nabagok ang utak nito?

"Wala namang mali sakin ah." Inosenteng sagot nito at pinulupot pa ang kanyang kamay sa braso ni Ion at hinila paalis ng cafeteria. Napa lingon naman ako kay Captain na akmang aalis na pero pinigilan sya ni Leo.

Nagkatinginan naman kami ni Haidie at mabailis na sinundan si Saigie. Holy cow! Alam ko naman na sobrang magical ng lugar na to pero sana naman hindi naengkanto si Saigie. Aba naman kapag pati engkanto magka gusto doon baka talaga maka kita ako ng engkantong natutusta!

"Ano ba kasing nang yayari kay Saigie? Ang weird nya." Komento ni Haidie nang madatnan namin si Saigie at Ion na naka upo sa isang bench dito sa garden. Todo iling at iwas si Ion kay Saigie.

"Baka naman ginayuma sya ni Ion o baka naman may gayuma yung halik nya." I concluded.

"Hmm. Pero wala namang mga witches na nagagawi dito sa academy. Sila lang naman ang may kakayahang gumawa ng ganon. Tyaka kung sa halik naman ang pag uusapan imposible din liban nalang kung hindi talaga si Saigie ang lunas sa sumpa—holy sht!" Bulalas ni Haidie nh biglang may naisip. Buti pa to kahit na madaldal matalino.

"B-bakit?" Nauutal kong sabi. Wag naman nyang sabihin na sinapian si Saigie kapag talaga mang yari yun talagang mag aalsabalutan na ako pabalik sa mundo ng mga mortal aba naman na mi-miss ko na kaya ang social media. Wala naman kasing signal dito eh.

"That's explain everything." Mahina nyang sabi habang naka awang ang bibig. Ano ba kasing gusto nyang sabihin? Alam naman nya na mahina ma-process ang brain cells ko tapos puro pa sya pa-suspense?!

"Na ano nga?" Irita kong sabi. Pero tinuro nya sina Saigie at Ion.

"Hindi parin nawawala ang puting buhok ni Ion. Ang mga nilalang na nakakalaya sa isang sumpa ay agad na nawawala ang puting buhok. Pero sya puti parin ang buhok nya. Di kaya naman may mali talaga dito?" Paliwanag nya. Muli ko namang nilingon si Ion at napa himas ako ng baba na para bang nag iisip.

"Hmm. Pero malay mo naman sadyang pinanganak lang sya na puti ang buhok at baka naman talagang kinulayan nya lang yung buhok nya." Sabi ko pero umiling lang sya.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Onde as histórias ganham vida. Descobre agora