KABANATA LXXV

11 2 0
                                    

KABANATA LXXV
THE LEGENDARY CONJURER

THIRD PERSON POV

MAGKA SALUBONG ANG KILAY ni Saigie habang hawak hawak sya sa mag-kabilang braso ng dalawang bruskong kawal. Idagdag mo pa ang dalawang nag lalakihang Cerberus na naka sunod sa likuran nila. 

Nang maka rating sila sa plaza at agad na napa pikit si Saigie nang muling maka aninag ng liwanag. Mistulang parang bumabalik noon ang pang yayari na nag-pabago sa buhay nya—pero iba ngayon. Dahil ngayon naman ang pag wawakas no'n

Nang muli nyang imulat ang kanyang mga mata ay agad na sumalubong sa kanya ang napaka raming Sancire na nasa paligid. Pero mistulang natuptop sa kanyang kinatatayuan si Saigie nang bigla nyang makita ang mga kawal na naka linya ng bilog sa pinaka gitna ng plaza at lahat ng mga ito ay naka armor at may mga hawak na pana habang sa mga tapat nila ay may mga naka lagay na mga palaso. 

Napa lunok sya dahil sa namumuong ideya sa isipan nya. Sino ba naman ang mag aakala na ang minamahal nyang kagamitan at kasangga upang manatiling buhay ang syang kikitil sa kanya. 

Habang nag lalakad ay tinatamasa ang kanyang natitirang buhay sa mundo ay lumalabas masok sa tenga nya ang mga sari-saring boses ng mga Sancire. Mula sa pag kakayuko ay napa angat sya ng tingin upang salubongin ang mga mapang husgang tingin ng mga kauri nya sa kanya. 

"Damahin mo na ang natitirang buhay mo sa mundo." narinig nya ang boses ng isang kawal na naka hawak sa kanya kaya sumama ang timpla ng muka nya at tumigil sa pag lalakad. Halos lahat ng mga Sancire na nanonood at nakikiusisa ay bigla na lamang nag taka sa biglaan nyang pag hinto. Mas lalong nainis si Saigie. Talagang binabantayan nila ang bawat kilos nya. Napa ismid na lamang sya. Mga walang kwenta!

Taas noo nyang tinignan ang lahat at muling napa ismid. 

"Kapag mamatay ako tandaan nyo ang bawat parte ng muka ko." Matigas nyang sabi. Dahil sa katahimikan ng mga nakikiusyusong Sancire ay rinig ng lahat ng boses nya. 

"Dahil ako ang palagi nyong makikita sa bawat panaginip nyo." Pag papatuloy nya. "Ako ang magiging pinaka masamang bangungot na inyong masasaksihan." dahil sa sobrang seryoso at malamig nyang mga titig ay hindi na mapigilan ng mga mamamayan na mapa singhap at mabalutan ng takot sa kanilang buong sistema. 

Pero ang kaninang takot at kilabot ay bigla na lamang napalitan ng pagkagulat ng bigla na lamang silang maka rinig ng palakpak at isang sarkastikong tawa. 

"Ikaw ba munting salot handa ka na bang harapin ang bangungot mo?" pang uuyam ng heneral at humahalakhak. Napa yukom naman ng kamao si Saigie habang nag aapoy ang matang naka tingin sa Sancire na kinumuhian nya. 

"Mag mula nang tumapak ako sa mundo nyo ay nasa napaka lagim na bangungot na ako at ang kamatayan ang mag lalayo sakin sa bangungot na 'to." taas noo nyang sambit. Napa ngisi naman sya at napa iling. 

"Bakit hindi pa natin palalain ang bangungot mo." at sa isang iglap ay bigla na lamang syang pinag babato ng mga Sancire ng mga bato. Pero hindi natinag ang nag babagang tingin ni Saigie sa Heneral habang matiim namang naka tingin sa kanya ang heneral na mistula bang may personal at napaka laking galit sa kaharap. 

Nag mumukang manhid si Saigie dahil hindi man lang nito magawang ngumiwi at dumaing habang pinag ba-bato sya ng mga Sancire. 

Biglang naputol ang matiim na pag tititigan ng dalawa ng bigla na lamang nagkaroon ng singhapan sa pagitan ng mga Sancire. Dahil doon ay agad na bumitaw ang dalawa. Ngunit saktong sa pag lihis nya ng tingin ay may sumalubong sa kanyang maliit ngunit matulis na bato. Hindi sya maka galaw sa kinatatayuan nya dahil sa sobrang gulat maski pag kurap ay hindi nya magawa. 

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora