KABANATA LX

13 3 0
                                    

KABANATA LX
•NEWBIE•



"OH HERE'S THE newbie" agad na napunta ang atensyon namin sa lalaking pumasok at ang mas naka agaw pa ng atensyon namin ay ang kanyang kulay puting buhok. Agad na pumaibabaw ang nakakabinging katahimikan sa loob ng classroom.

"I'm sorry for being late ma'am" magalang nitong sabi pero tinanguan lang sya ni Miss Verizon at sinenyasan na pumasok. Naramdaman ko naman ang pag upo ni Hanna sa tabi ko uli.

"Gosh ang gwapo nya" mahinang bulong nya sa tenga ko na sinang ayunan naman ng isip ko. May hitsura nga sya at mas lalo pang naka pag pa dagdag sa karisma nya ang kulay puti nyang buhok.

"Introduce yourself mister" utos sa kanya napa harap naman samin ang newbie at napa ngiti. Lots of the girls gigs including my sit mate.

"Hi good morning everyone. I'm Jaest Ion Samariet. 20 years old. You can call me Ion or Jaest if you want" naka ngiti nyang sabi. Napa ngiwi naman ako ng yinugyog ako ni Hanna sa balikat na para bang pinang gigigilan kaya napa ikot ako ng mata.

"Okay Mister Samariet you can choose your sit" utos sa kanya ni Miss Verizon na agad naman nyang tinalima. Nag lakad sya papalapit sa direksyon namin kaya mas lalo pa akong pinang gigilan ni Hanna. Argh!

"C-can I sit here?" Tanong nya at mukang sakin pa sya nag tatanong. I want to ignore him but I don't want to be rude.

"Yes" tipid kong sagot. Kaya hinila nya ang upuan na nasa tabi ko at umupo. Tig isahan lang ang mesa at upuan kaya may kalayuan parin kami pero hindi ko lang maintindihan kay Hanna kung bakit parang ang lapit nya sakin kung hindi to babae iisipin ko na may gusto to sakin.



"OKAY CLASS dismissed" para namang nag diwang ang kalooban ko ng marinig ko ang katagang iyon. Agad akong tumayo at niligpit ang mga gamit ko.

"Sai mauuna muna sa cafeteria. Baka kasi pag taguan pa ako nong Caper Kambing. Pvnyetang yung mang hihiram nalang ng libro hindi pa marunong mag balik." Pag papaalam kaya napa tango ako.

"Sige—" nang iangat ko ang paningin ko ay agad na syang nawala kaya napa iling nalang ako at isinukbit ko na ang bag ko at nag simula naring mag lakad. Pero bago pa man ako maka labas ng room ay agad na akong napa hinto ng may humarang sakin.

"Excuse me" casual kong sabi at akmang mag lalakad na sa gilid nya pero hinarangan nya uli ako kaya sinamaan ko sya ng tingin pero napa kamot lang sya ng batok at nahihiyang napa lingon sakin. Tinaasan ko nalang sya ng kilay.

"S-sorry. P-pwede ba akong sumama sayo? H-hindi ko kasi alam kung nasaan yung cafeteria" nahihiya nyang sabi kaya napa tango ako. Nag liwanag naman ang muka nya at sinabayan akong mag lakad. Hindi ko talaga alam pero parang wala akong gana ngayong araw. Siguro nga dahil kanina ko parin iniisip ang mga magiging activities sa school and by just thinking it made me really exhausted. Geez iniisip ko palang nga napapagod na ako pano pa kaya kung gagawin na!

"Ion nga pala" pag papakilala nya kaya walang buhay ko syang tinignan.

"I know" tipid kong sabi at mas binilisan pa ang pag lalakad. Narinig ko naman ang kanyang mga yabag na humahabol sakin kaya napa iling nalang ako.

"I-Ikaw? Anong pangalan mo?" Naka ngiti nyang sabi na para bang hindi naaalala ang pagkapahiya nya kanina kaya nilingon ko uli sya.

"Saigie" tipid kong sabi kaya napa kamot naman sya ng batok. I guess it his mannerism.

"Iyon lang ba? I mean uhm what's your surname?" Tanong nya uli kaya inis ko na syang tinignan pero ng maalala ko ang kanyang tinanong ay napa iwas ako ng tingin.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Onde as histórias ganham vida. Descobre agora