KABANATA LXXIII

10 3 0
                                    

KABANATA LXXIII
•SUFFER•

NAPA PIKIT AKO NG mariin ng bigla na lamang tumama sa mabatong daan ang tuhod ko. Ramdam na ramdam ko ang hapdi ngunit pinilit kong hindi mag labas ng kahit na ano mang daing sa labi ko. Kailan man ay hinding hindi ko ipapakita sa kanila na nahihirapan ako!

"Bumangon ka dyan!" Mas lalo pa akong napa ngiwi ng bigla na lamang humagupit sa likuran ko ang latigo. Tang*na. Kapag talaga maka laya ako dito sya talaga ng una kong papanain uunahin ko pa ang bibig ng kawal na 'to na kanina pa putak ng putak!

"Sabi na ngang tumayo ka dyan!" mas lalo nya pa akong hinagupit ng latigo ng hindi ako umimik at gumalaw. Pano naman ako makakagalaw kung linalatigo nya ako. Baka naman gusto nito mag palit kami. 

Pinilit kong bumangon mula sa pagkaka dapa sa mabatong daan pero sadyang ayaw lang talaga makipag cooperate ng katawan ko. Maski ako ay nang hihina narin at mas gusto ko nalang mamatay ngayon kaysa madagdagan pa ang pag hihirap ko. 

"Bakit ba ang bagal mo?! Anong gusto mo ipakaladkad kita sa kabayo?" napa kagat ako ng labi upang pigilan na mapa hiyaw dahil sa labis na sakit ng sapilitan nya akong pinatayo. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng mga sugat ko lalo na sa bandang tuhod ko. 

Bigla na lamang hinampas ng isa pang kawal ang kabayo kaya nakaladkad ako dahil naka tali ako sa kabayo. Naka tali ang mga kamay ko sa napaka habang kadena. Maski ang leeg ko ay naka kadena din at ito ang naka tali sa kabayo kaya kailangan kong mag lakad kundi malalagutan ako ng hininga dahil masasakal ako. 

Mas napa takbo pa ng mabilis ang kabayo habang lulan ang isa sa mga kawal ng Pvtang*nang heneral nila. At hindi din naka lampas sa tenga ko ang mga tawanan ng mga kawal na nag papahirap sakin. Napa singhap na lamang ako ng bigla akong naka ramdam ng matalas na bagay sa paa ko. Sht! Mukang naka apak ata ako ng bubog! O baka naman pako! 

Sa bawat pag lalakad ko ay rinig na rinig ko ang mga bulungan ng mga Sancire na nakikiusyuso. Nakakaramdam narin ako ng hapdi sa balat mula sa araw. Hula ko ay mag tatanghali na. Ilang oras narin akong nag lalakad ng walang sapin sa paa. Napaka rungis narin ng suot kong bistida na kulay pink na above the knee kaya naman ay sigurado akong napaka rami ko nang sugat sa paa. Nakakaramdam narin ako ng pagka hilo dahil sa gutom at hindi ko narin magawang makapagsalita dahil nanunuyo na ang lalamunan ko dahil sa uhaw at pagod. Ramdam na ramdam ko narin ang pag hapdi ng noo ko at ang malagkit na likido dito. Mukang nasugatan narin ako ako sa noo dahil pagkakatama ng ulo ko sa bato kanina nang nadapa ako. Pero nakakagulat nga lang at buhay pa ako. Wala nang silbi ang buhay ko kaya ano naman kaya ang plano ng tadhana sakin at talagang pinapahirapan nya ako. Wala naman akong dahilan para mabuhay kaya bakit nakakaya ko paring maka tayo at mag lakad.

"Ano wala pa bang mas ibibilis yan!" rinig kong sabi ng pinaka kimumuhian kong nilalang. Ang Heneral nila. 

Bigla nalang akong napa singhap ng paluin ng malakas ng isang kawal ang kabayo na kumakaladkad sakin. Bigla na lamang kumaripas ng takbo ang kabayo. Sinubukan kong tumakbo pero hindi ko na nagawa dahil kumikirot ang paa ko. 

Tuluyan na akong nakaladkad napa pikit ako at pilit kong inabot ang kadena na naka tali sa leeg ko upang hindi ako tuluyang masakal. Ramdam na ramdam ko ang pag tama ng balat ko sa mababatong kalsada. Napa pikit nalang ako ng mariin ng naramdaman ko na tumama ang ulo ko sa isang matulis na bato. Tang*na oo gusto ko nang mamatay pero hindi sa ganitong paraan!

Rinig na rinig ko ang singhapan at tawanan ng mga Sancire na nasa paligid. Napa pikit ako ng mariin habang patuloy na dinaramdam ang hapdi at sakit ng mga sariwang sugat. Para akong binabalatan ng buhay!

Tuluyan ko nang nararamdaman ang pan lalabo ng paningin ko. Tumutulo narin ang dugo mula sa noo ko papunta sa mata ko kaya hindi ako maka kita ng maayos. Tangina! Bakit ba kasi hindi nalang nila ako patayin ng tuluyan! 

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon