KABANATA XLII

15 4 2
                                    

KABANATA XLII
•KISS OR KICK•

"I CAN'T believe this!" Napa pikit ako dahil sa lakas ng boses ng librarian which is Ms. Verizon.

"Ms. Verizon this is just clearly a misunderstanding—" sinubukang mag paliwanag ni Leo pero hindi sya pinatapos ng sasabihin.

"Don't dare to explain Mirdle. Nakita ko na ang dapat na makita—"

"Pero miss Verizon. Hindi po totoo kung ano ang nasa isip nyo!" Napa tayo at napa sigaw narin ako dahil sa inis. God! Bakit ba napaka close minded nya?

"Don't shout at me" madiin nyang sabi kaya wala na akong nagawa kundi ang maupo nalang uli. Bat ba kasi ayaw nyang marinig ang paliwanag namin.

"Pasalamat kayo at sira ang detention room" napa hinga naman ako ng marinig yun. Ayaw na ayaw ko na talagang tumapak doon kahit kailan! "Kaya sa open field ko kayo paparusahan" ang dinidiwang ko kanina ay nag laho nalang na parang bula. Darn! Kakagaling ko palang sa sakit!

"Miss Verizon—"

"Kapag hindi kayo sumunod sakin madadagdagan ang parusa para sa inyo!" At wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. At ganon narin ang ginawa ng katabi ko. Sabi ko na nga ba na wala talagang magandang maidudulot tong sina Toro at Leon sa buhay ko.







"IBANG KLASE talaga kayong mga kabataan ngayon. At naisipan nyo pa talaga na gumawa ng milagro sa library" napa pikit nalang ako ng pukpukin ang ulo ko ni Miss Verizon ng naka rolyo na papel at may kakapalan yun kaya naman talagang masakit yun. Napa himas naman ako sa tuktok ng ulo ko. Geez! Bat ba kasi napaka dumi ng utak nya.

"Hindi kayo pwedeng umalis dyan sa pwesto nyo hanggang hindi ko sinasabi!" Mahigpit nyang bilin bago umalis. Napa buntong hininga naman ako. Hindi ko talaga akalain na ang kaninang balak ko lang na mag basa ng libro sa library ay nauwi sa trahedya.

"D*mn! Bat ba kasi ang hirap kumbinsihin ni Miss Verizon?" Napa sang ayon naman ako sa sinabi ni Leo. Kahit na ilang subok naming ipaliwanag kay Miss Verizon ang tunay na nang yari ay hindi parin sya naniniwala. At idagdag mo pa na ang palda ko ay tuluyan talagang nasira. Kaya sino ba naman ang hindi mag iisip ng marumi kapag nakita nila kami sa ganong posisyon.

Mahigpit kong tinali ang pag kakatali ng coat sa bewang ko. May suot pa naman akong shorts pero napaka ikli nong kaya tinali ko nalang ang coat ko sa bewang ko.

"Ikaw kasi kung hindi mo ako kinulit baka sana wala ako dito at mas lalong hindi ako nabibilad" paninisi ko sa kanya. Well kung sa detention room ay sobrang laming dito naman ay halos ma-prito na kami sa init. Well binilad lang naman kami ni Miss Verizon sa open field. At buti nalang at walang mga estudyante na gumagala dito dahil class hours. Dahil paniguradong pinag titinginan na kami pag nagka taon.

"Tch, kung maka pag salita ka dyan parang hindi mo naman nagustuhan ang pwesto mo kanina sa ibabaw ko" he teased. Napa ikot naman ako ng mata. As if! At tyaka hindi ko alam na may pagka malandi rin pala ang isang to.

Gustong gusto ko man na umupo man lang pero hindi pwede. Bwisit kasi ang lalaking to. Wala silang pinag kaiba nong Toro.

Tinakpan ko nalang ang muka ko gamit ang mahaba kong buhok para maiwasan ang pag tama ng sikat ng araw na masakit sa balat. Kung noon ay gustong gusto kong maka kita ng araw, ngayon naman ay halos isumpa ko naman ito.

"Ano kaya ang ginagawa nila ngayon?" Biglaan ko nalang nasabi. Paniguradong nandoon na sila sa Z building. Ang grupo kasi namin ay may sariling klase at kada hapon yun—pagkatapos ng tanghali ay doon na ang diretso namin. At yun talaga ang paborito ko dahil minsan ay walang sumisipot na guro dahil halos lahat ng guro ay ilag doon kina Toro at Leon.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now