KABANATA XXXVI

16 4 0
                                    

KABANATA XXXVI
•SILVER•

"GIE! shege na kashe!" Hindi ko na pinansin ang kanina pang nangungulit na si Hadie. Kagaya nga ng hula ko kanina ay talagan hindi nya ako tatantanan hanggang sa hindi ko sinasabi sa kanya ang totoo.

"Giieeee!" Napa pikit nalang ako sa inis lalo pa't dahil ang kaninang pangungulit ni Haidie ay nadagdagan pa ng pag yugyog sa balikat ko.

"Giiieeeeeeeeeeeeeeeee! Were best friend!" At mas nilakasan pa nya ang pag yugyog nya sa balikat ko. Inis kong winaksi ang pag kakahawak nya sa balikat ko. Para ngang buong katawan ko ang naalog sa pag yugyog nya.

Agad ko syang tinalikuran at humiga sabay talukbong ng kumot. Nandito kami ngayon sa kwarto sa bahay parin nina Granny. At bukas na kami babalik sa Academy. Kahit naman sa maikling panahon lang kami dito sa mundo ng mga tao ay para paring ilang araw ang lumipas. Na-mimiss ko na tuloy yung kama ko sa dorm.

"GIIIEEEEEEEEEEEEEEEEE!" Napa takip ako sa tenga ko sa sobrang lakas at tinis ng sigaw ni Haidie. Napa upo pa nga ako habang takip takip ko parin ang tenga ko.

"Anak ng—shemay!"

"H-Haidie. Wag kang sumigaw!"

Ilan sigundo pa ang dumaan bago tuluyang tumigil si Haidie sa pag sigaw at yun ang hudyat para tangalin ang pag kakatakip ko sa tenga ko.

"Jusko naman dai! Alam mo ba ang kasabihan na kung ayaw mong matulog mag patulog ka" Hanna hissed. Anong oras narin kasi at kailangan na talaga namin matulog. Maging ako nga ay pagod na pagod pero hindi ko magawang maka tulog dahil kay Haidie.

"Haidie naman pwede namang bukas na kanalang magpa-kwento" mahinahong sabi ni Pristine. Mukang yatang saming tatlo na nandito sa kwarto ay sya lang ang mahinahon.

"Iihh! Eto naman kasing si Gie ayaw mag kwento" naka nguso nyang sabi habang naka turo sakin napa irap naman ako. At talagang ako pa ang sinisi nya.

"Ikaw naman pala ang may kasalanan girl. Bat ba kasi hindi ka nalang mag kwento nang matigil na sa kakasigaw tong babaitang to." Dagdag pa ni Hanna pero napa higa lang uli ako at nag talukbong uli ng kumot.

"Nakakatamad" tipid kong sabi at pumikit.

"Ay nakakaloka eh hindi ka naman namin papasalihin sa fun run kaya hindi ka nyan pag papawisan pramis. Tyaka mas maganda kung yung pang MMK ang i-kwento mo. Yung tipong talagang maiiyak talaga kami." Pinilit ko na hindi na pakinggan ang mga sinasabi nila lalo na ni Hanna dahil hindi ko naman naiintindihan ang iba nyang sinasabi.

"MMK?" Kahit na hindi ko sila tignan ay alam ko na si Haidie ang nag salita.

"Yep! MMK—ay oo nga pala di mo yun alam. Pero yun yung mga totoong kwento............." Di ko na pinakinggan ang iba pang sinasabi ni Hanna dahil talagang hinihila na ako ng antok.


Naka tayo ako sa isang marmol na sahig. At doon ay nakikita ko ang isang babae na naka talikod pamilyar sya sakin pero hindi ko masabi kung sya nga talaga yun dahil naka talikod sya.

Nag lakad sya paalis at hindi ko alam pero may naramdaman nalang akong kakaiba at hindi ko rin alam kung ano ang nag tulak sakin pero nakita ko nalang ang sarili ko na sinusundan na ko na ang babae.

Pumasok sya sa kwarto at napa sunod nalang ako na para bang may sariling buhay ang mga paa ko. At doon ay natagpuan ko ang babae na naka titig sa isang sanggol. Napako naman doon ang paningin ko at lumapit pa ng konti sa bata. Naka damit ang bata ng isang damit pang maharlika. Bigla na lamang napa lingon sa gawi ko ang sanggol at naka ramdam naman ako ng kakaibang kaba.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now