KABANATA XXI

23 4 0
                                    

KABANTA XXI
•GEMINI•

ILANG sandali pa matapos kong sabihin ang katagang yun ay naramdaman ko na nag iiba na ang paligid kaya pinagmasdan ko ang mundo ng mga Abhor sa huling pagkakataon.

Tuluyan nang nagbago ang kinalalagyan namin at tuluyan ko nang naramdaman ang pamilyar na pakiramdam na para bang nahuhulog ako sa napakalalim at walang katapusan na butas.

Naramdaman ko na lumapag ang paa ko sa lupa at nawala narin ang nakakahilong pakiramdam. Kaya iginala ko ang paningin ko sa paligid at napa kunot naman ang noo ko sa kapaligiran na sumalubong samin.

"Bakit tayo nakabalik sa bundok Homos?" Takang tanong ni Haidie na sya ring tanong na nasa isip ko. Madilim din ang kapaligiran at tanging sinag lang mula sa bilog na buwan ang nag bibigay ng liwanag.

Ilang sandali pa ay may narinig kaming malakas na alulong kaya ihinanda ko ang sarili ko sa mga posibleng mangyari.

Mas lumakas ang hangin kaya napa pikit ako dahil nagsimula na namang hanginin ang mga dahon at sumasayaw narin ang mga puno. At bigla nalang akong naka ramdam ng panganib na nanggaling sa kaliwa ko kaya agad akong napa iwas doon at naramdaman ko ang hapdi ng balikat ko kaya napahawak ako doon at dumudugo yun. Naramdaman ko na wala na ang tali sa palapulsuhan ko kaya malaya akong nakakagalaw.

"S-sh*t talasan nyo ang pakiramdam nyo!"

Agad akong napa linga linga sa paligid upang ihanda ang sarili ko sa mga mag tatangkang sumugod sakin at ganon din sila.

Nakaramdam ako ng mabilis na hangin na dumaan sa harapan ko at napunta sa likod ko kaya napa lingon sako sa likod ko at agad kong nakita ang isang babae na naka tali at naka suot sya ng uniporme ng Z.A kaya tinignan ko syang mabuti. At ganon nalang ang pang lalaki ng mata ko ng makita ko kung sino yun.

"Pristine!" Sigaw ko at naramdaman ko naman na tumingin ang mga kasama ko sa direksyon na tinitignan ko.

"Sh*t Pristine!" Kagaya ko ay gulat din ang reaksyon nila habang naka tingin sa direksyon na kinalalagyan ni Pristine. Pero si Pristine ay umiiyak lang.

Lalapitan ko na sana sya ng may matulis na bagay na dumaan sa harapan ko at paniguradong matatamaan ako noon kung hindi ako naka iwas.

Lalapit na sana uli ako sa direksyon ni Pristine ng may nag apoy na bumulusok papunta sa direksyon ko at nanlaki nalang ang mga mata ko at hindi ko na alam ang gagawin ko mabuti nalang at may naramdaman ako humingit sakin. At nang lingunin ko kung sino yun ay nakita ko si Haidie yun.

"Gie ayos ka lang ba?" Tinaguan ko sya dahil sa tanong nya. Pero muntikan na talaga ako don.

"Darn! Mag iingat kayo sa mga matutulis na bagay na binabato ng hangin!" Narinig kong babala ni Leo samin.

Nag simula na akong mag lakad papunta sa direksyon ni Pristine at kasama ko si Haidie at nasa likod ko naman ang iba halos sa bawat hakbang namin ay may sumasalubong samin na patibong kaya mas lalong dinoblehan ko ang pag iingat.

Nang halos ilang dipa na lamang ang layo namin kay Pristine ng napapitlag ako sa gulat dahil sa may biglaang sumulpot na nilalang mula sa itaas. At doon ay binato nya kami ng bolang apoy kaya halos mag kanya kanyang ilag na kami. At dahil doon ay napa layo kami ng konti sa isat isa.

Nag hahabol ako ng hininga habang pinapanood ang mga galaw na ginagawa nong nilalang na sa tingin ko ay lalake pero hindi ko gaanong maaninag ang muka nya dahil naka hood sya ng aabot sa talampakan nya at hanggang tungki naman ng ilong ang natatabunan sa bandang ulo nya.

Sinubukan kong palabasin ang pana ko at nagulat naman ako ng maramdaman ko ang pamilyar na pakiramdam sa tuwing pinapalabas ko ang pana ko at ilang sandali pa ay naramdaman ko nalang na may bagay na akong hawak kaya napalingon ako sa kamay ko at hindi nga ako nagkamali dahil hawak ko na ang pana ko at may kasama din itong tatlong palaso pero di gaya ng dati. Ngayon ay wala na itong apoy.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon