KABANATA XXIV

14 5 4
                                    

KABANTA XXIV
•VIE•

NARAMDAMAN ko ba parang may kung anong tumutuktok sa ulo ko kaya napa ngiwi ako at unti unting iminulat ang mga mata ko. Agad akong napa hawak sa ulo ko at napa ngiwi ako.

Agad kong nilibot ang paningin ko at napa kunot nalang ang mata ko ng bumungad sakin ang hindi pamilyar na lugar.

"N-nasaan ako?" Taka kong tanong at muling inilibot ang mga mata ko. H-hindi ko talaga alam kung ano ang lugar na to. Pinagpagan ko ang sarili ko at pagewang gewang pang tumayo. Pinagpagan ko rin ang ulo ko at naramdaman ko naman na may umalis doon at nang mapa lingon ako sa itaas at nakita ko ang isang ibon na lumipad na sa tingin ko ay yun ang tumuka sa ulo ko.

"Pristine? Haidie?" Pag tawag ko sa kanila umaasa na maririnig nila ako pero ni isa ay walang nag abala na sagutin ako.

"Caper?! Scium?!" Nilakasan ko ang pag sigaw ko pero wala parin akong naririnig.

"Castor?! Pollux?!" Pag tawag ko uli sa kanila pero wala paring sumasagot. Geez nagkahiwa hiwalay ba ulit kami?

"L-Leo?!" Pero kagaya ng mga nauna ay wala rin akong natanggap na sagot.

"Y-Yuei?! Tauei?!" Kahit naman ayaw kong sabihin ang pangalan nya ay wala akong ibang choice. Nasaan ba kasi sila?!

"Yuei!" Pag tawag ko uli pero kagaya ng kanina ay wala ring sumagot sakin kaya inilibot ko ang paningin ko sa paligid.

"Z?" Bagsak balikat akong napa upo sa lupa. Darn! Nasaan na naman kaya ako?!

Napa yakap ako sa tuhod ko at isinandal doon ang baba ko. Dinampot ko ang bato na nakita ko na nasa paanan ko at binato ko yun sa kung saan.

"Darn! Bakit ba kasi nahiwalay pa ako sa kanila!" Mamamaktol ko. Sh*t lang talaga. Kung hindi kaya ako bumitaw baka sakali nakasama ko pa sila.

"Kaasar. Kasalanan to ng toro nayun!" Inis kong sabi at dumampot na naman ng panibagong bato pero mas malaki na yun kaysa sa nauna kanina at inis kong hinagis yun sa kabilang direksyon at napa hinga ako ng malalim. Mas maganda siguro kung sa mga bato ko nalang ibaling ang inis ko. Iisipin ko nalang sa si Toro yun—

"D-Darn!" Naka rinig ako ng mahinang daig kaya agad kong nilibot ang paningin ko. A-ang boses nayun. Pamilyar yun sakin!

"Y-Yuei?!" Nilakasan ko pa ang pag tawag ko sa kanya at nakarinig ako ulit ng daing gaya ng kanina. "Yuei asan ka?! Captain?!" Sigaw ko uli at nakita ko naman ang mga tambak na itim na lalagyan at malaki yun at hindi ko alam kung ano ang laman ng yun. (A/N: Garbage bag)

Agad akong lumapit doon ng makita ko ang paggalaw non. "Captain andyan ka ba?" Ulit ko at dahan dahang nag punta doon.

Nang tuluyan na akong makalapit ay agad akong sumilip doon at gaya ng hinala ko ay—

"Yuei!" Agad akong napa singhap ng makita ko si Yuei na sapo sapo ang kanyang noo. Agad ko naman syang nilapitan.

"H-hoy a-ayos ka lang?" Kinakabahan kong tanong. At agad naman nya akong nilingon at kinunutan ng noo.

"W-where are we?" Geez deja vu? Parang ito rin kasi ang tinanong nya noon.

"Ewan ko" wala sa sarili kong sabi at binalingan ko uli sya ng tingin na naka sapo parin sa noo nya. "M-may masakit ba sayo?" Kahit naman naiinis ako dito hindi ko naman maatim na mamatay to ngayon. Ako pa ang papatay dito.

"Darn kapag talaga malaman ko kung sino ang bumato sakin. Humanda talaga sya!" Bigla naman akong napa lunok at napa tingin sa bato na nasa lapag. S-sh*t! Di ko alam na sya pala yung natamaan. Pero sa kabilang banda ay parang gumaan din ang pakiramdam ko. Sana pala nilakasan ko nalang para naman maka ganti ako sa kanya kahit konti lang.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now