KABANATA LXIII

13 2 0
                                    

KABANATA LXIII
•CURSED•

"SAIGIE AYOS KA LANG BA?" Napa igtad ako sa gulat dahil sa biglaang pag pasok ni Hanna at Haidie sa kwarto ko.

"Hindi ba kayo marunong kumatok?" I hissed. Pero parang hindi ko man lang sila sinermonan dahil nag tuloy tuloy lang sila sa pag pasok at agad na sumalampak sa kama ko. Great! Hindi ko akalain na may pagka makapal din naman pala ang muka nila.

"Ang lambot ng kama mo Gie! Iba talaga si Captain." Agad kong binalingan si Haidie na tumatalon sa kama ko.

"Hmm. Mukang hindi mo ata alam. Pero si Captain talaga ang nag paayos ng kwarto mo. Sya rin ang pumili ng kama mo." Paliwanag nya. Dahil sa sinabi nya ay bigla tuloy pumasok sa isip ko ang muka ng isang Toro habang naka ngisi.

"Ang sweet nya. Sana all. Sana talaga lahat ng mga lalaki kagaya ni Captain. Sheez! Kapag nga magkaharap sila ng mukang tuko kong ex baka nga kahit sa kuku lang ang ipang laban ni Cap baka mamulubi na iyon." Dagdag pa ni Hanna. Napa iling nalang ako.

"Ano ba kasing ginagawa nyo dito?" Pag iiba ko. Nilingon naman nila akong dalawa. Napa tigil si Haidie sa pag tatalon sa kama at sumeryoso.

"Well nandito lang naman kami para tignan kung buhay ka pa. Susme! Aba dalawang araw ka nang hindi lumalabas at hindi pumapasok." Parang nanay na sermon ni Hanna. Bigla naman akong natahimik. Dalawang araw na akong hindi lumalabas sa kwarto. Dalawang araw narin ang nakaraan mula nong makita ko ang papel na iyon. At sa loob ng dalawang araw ay wala akong ibang ginawa kundi ang isipin iyon. Pero kanina ay napag tanto ko na wala an akong magagawa doon. Hindi naman mabubuhay si kuya Lanster para lang ipaliwanag ang mga nalaman ko. Alam ko rin na may dahilan sya.

"But seriously Saigie ano ba kasi ang meron sa apat na sulok ng kwarto mo at hindi ka man lang lumalabas. Don't tell me gusto mo uli bumalik sa dati yang balat mo. Yung para bang mag mumuka ka nang bampira sa putla." Saad ni Hanna.

"Ano ba kasing ginagawa nyo dito?" Irita kong tanong. Nagkatinginan naman silang dalawa at tumingin uli sakin na may nakakalokong ngisi.

"Of course! Sleep over!" Malakas nilang sabi at magkasabay na tumalon sa kama ko at nag simula nang mag hampasan ng unan habang tumatalon. Napa hilot nalang ako ng sindito. They're hopeless.

"Saigie wag kang KJ! Sumali ka!" Yaya ni Hanna. Inilingan ko naman sya pero palihim ako na kumuha ng dalawang unan at malakas na binato sa kanilang dalawa. Huli na para mailagan nila iyon. Parang yumanig ang mundo nila dahil sa lakas ng pag kakabato ko kahit na unan pa iyon. Bigla silang lumingon sakin at gulat akong tinignan at maya maya pa ay magkasabay nila akong binato ng unan na hindi ko nailagan. Sinamaan ko sila ng tingin at dumampot ng mga unan at binato rin sila hanggang sa nag batuhan na kami ng unan.

Napuno ng tawanan at sigawan ang buong lugar. And dmn! Pinag tutulungan nila ako!

Mas dinoble ko pa ang pag bato sa kanila ng unan. Agad naman nila akong ginantihan. Pero mabilis akong naka ilag. At bigla nalang akong nagulat dahil biglang bumukas ang pintuan. Agad na nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong si Toro ang pumasok. At mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko ng sa mismong muka nya tumama ang unan na ibinato nina Haidie.

"C-Cap..." Gulat na sabi nila na puno ng kaba. Maski ako hindi hindi na napigilang hindi kabahan. Napa kagat labi ako at linapitan sya.

"A-ayos ka l-lang?" Kinakabahang sabi ko pero wala lang syang imik. Agad ko namang napansin ang isang tray na puno ng pagkain. Buti nalang talaga at hindi natamaan to.

Mabilis kong kinuha sa kanya ang tray ng pag kain. Napansin ko naman na naka pikit sya ng mariin at parang nag pipigil ng galit. Dmn it! Sana naman hindi nya ako bugahan ng apoy! Bwisit kasing Toro ba't ba sya hindi marunong kumatok?!

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now