HULING KABANATA

25 3 0
                                    

HULING KABANATA

THIRD PERSON'S POV

UMALINGAWNGAW ANG MALAKAS at mala demonyong tawa ni Villanus habang pinag mamasdan ang mga umiilaw na mga mata ng mga Abhor na pinasukan ng mga kaluluwa ng mga dating namatay na Mescreant. 

Sa ilalim ng kulay dugong buwan ay dumanak ang dugo ng mga Mescreant, Abhor, at Sancire na kasali sa maka saysayang digmaan. 

AGAD NA GINAWANG yelo ni Haidie ang mga Mescreant na makakasalubong nya at bigla na lamang itong mababasag na parang isang salamin. 

Gumawa ng isang malaking bolang tubig na may kuryente si Scium at pinaikot ito sa kanyang kamay hanggang sa pomorma ito na parang isang buhawi na gawa sa tubig. Agad na hinihigop nito ang mga Mescreant na malapit sa kanya at namamatay dahil sa kuryente. 

"Parang hindi sila nauubos—sa likod mo!" sigaw ni Haidie kay Scium at agad na hinagisan ni Scium ang Mescreant na nasa likuran nya ng kuryente. 

Agad na nanlaki ang mga mata ni Haidie nang makita ang napaka raming Mescreant na papalapit sa kanila. Aga silang nag katinginan ni Scium at magka sabay na tumango. Agad na inangat ni Haidie ang kanyang dalawang kamay at naka buo sya ng isang napaka laki at nag yeyelong dragon. Agad na nag hagis si Scium ng Magikē dito at naging isa itong buhay na dragon na gawa sa yelo at kuryente habang napapalibutan ito ng mga isdang gawa sa kuryente na lumulutang. 

Mabilis na sinugod ng dragon ang kumpol kumpol na mga Mescreant at agad itong nag paka wala ng matutulis na yelong may kuryente habang mano mano namang pinapatay nina Haidie at Scium ang ibang kalaban. 

Agad na humandusay ang katawan ng mga Mescreant at hinihingal na nilibot ni Haidie at Scium ang kanilang paningin pero agad silang napa kapit sa isa't isa nang bigla na lamang yumanig ang lupa at kasabay noon ang pag litaw ng mga Abhor na kulay lila ang mga mata at napaka raming ugat ang bumabakat sa kanilang balat. 

Nagkatinginan ang dalawa at sabay na napa lunok. 

KINUMPAS NI HANNA sa ere ang nag aapoy nyang staff at agad na natusta ang mga Mescreant na kanina pa nila hindi maubos ubos. 

Hinampas ni Caper ang kanyang maso sa lupa at agad na nagkaroon ng pag sabog sa lupa at lumitaw ang mga luntian dahon at sabay sabay din itong sumabog. 

Napalibutan ng usok ang paligid. Napa atras sina Hanna at Caper at bigla na lamang nag tama ang kanilang likuran habang nakikiramdam sa paligid. 

"A-ano yun?" kinakabahang tanong ni Hanna nang bigla na lamang naka rinig ng kakaibang tunog para bang mga yapak. Agad silang napa singhap sa gulat ng bigla na lamang nilang makita ang mga Abhor na mistulang hinipnotismo habang kulay lila at bumabakat ang maiitim na ugat. 

"Sht!"

NAG PAKA WALA SI Castor ng Magikē sa mga agrisibong Abhor pero na ilagan ito ng mga Abhor at bumalik lang ang opensang ginawa nya ay agad nang gumawa ng depensa si Pollux. 

Magkasamang sinusugpo nina Castor at Pollux ang mga kalaban. Si Castor ang nag sisilbing Opensa at si Pollux naman sa depensa. Sa kanilang pinag samang kakayahan ay nagagawa nilang maka lamang pero dahil sa kakaibang lakas ng mga Abhor ay hindi na nila maiwasang hindi magkaroon ng mga galos. 

"Bakit parang napaka lakas nila kaysa sa ordinaryong Mescreant?" Inis na reklamo ni Castor at binato ng Magikē ang papalapit na Abhor sa kanila. Agad na natumba ang Abhor pero maka raan ang ilang sadali ay tumayo uli ito na para bang wala man lang naramdamang atake. 

"PAPALAPIT NA SILA sa palasyo!" Sigaw ni Justice habang kino-kontrol ang gavity habang tinatali naman sila ni Pristine ng mga maliliit ngunit matutulis na sinulid. 

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now