KABANATA XIX

22 3 2
                                    

KABANTA XIX
•THE LEGEND OF Mt. Homos•

AFTER Yngrid bid her goodbye to her mother our settings change. And I just found my self together with Yuei standing in the dark forest.

"Yngrid will go here at the dark forest" wika ni Yuei. At ganon din ang inaasahan ko. Dahil pamilyar ako sa kwento ni Yngrid dahil isa yun sa mga paborito kong kwento noong bata pa ako.

Minsan ko naring pinangarap noon na makilala ang lalaking para sakin na makakasama ko't makakatuwang sa buhay ko. And they called it prince charming. Pero ng lumipas ang mga panahon ay tila ba gumising ako sa ilusyon ko. True love only exist in books and fairy tales.

Gaya nga ng inaasahan ko ay nakita ko nga si Yngrid na tumatakbo at para bang may humahabol sa kanya.

"Ahhhh! Tulong! Tulungan nyo ako!" Sigaw nya. Para namang kaboses nya ang narinig ko nong aksidente kaming napunta sa Mt. Homos. Napa tingin naman ako sa kanya na tumatakbo naalala ko naman kung paano kami kabilis tumakbo noon nang habulin kami ng mga Sancire.

Ilang sandali pa sa kanyang pagtakbo ay bigla syang natisod sa bato kaya sya ay nadapa at nakita ko naman na dumudugo ang kanyang tuhod. Hindi na ako nakapag isip basta ang nasa utak ko lang ng nga oras na yun ay kailangan ko syang iligtas.

Nang maka rating ako sa harapan nya ay tinangka ko syang hawakan pero tumagos lang ako. Naramdaman ko naman na hinawakan ako sa balikat ni Yuei kaya nilingon ko sya.

"Kahit anong gawin mo wala kang magagawa. Yun ang naka sulat sa kwento at kahit na anong mangyari ay hindi mo matatakasan ang naka takda" seryoso nyang sabi at inalalayan akong tumayo pero tumayo ako sa sarili kong mga paa.

Nakita ko na ang isang bulto ng nilalang na paparating kaya napa tabi ako kahit na alam ko naman na tatagos lang sya sakin at di rin nya ako makikita.

"RRRAAWWRRRR!" Dumadaungdong na ululong nya. Para bang kaboses nya ang narinig namin sa Mt. Homos.

"P-patawad ginoo! Patawad hindi ko sinasadyang kumuha ng tanim mo!" Pag mamakaawa ni Yngrid at hihikbi narin sya. Ilang sandali pa ay mawalan sya ng ulirat.

Naramdaman ko naman na nag babago na ang paligid at natagpuan ko nalang ang sarili ko na naka tayo sa isang engrandeng sahig. Pero gaya ng kanina ay wala parin yung ka-kulay kulay.

Doon ay nasaksihan namin ang pagiging malapit sa isang isa ni Yngrid at ng halimaw hanggang sa malaman nila na tumitibok na ang puso nila at sinisigaw noon ang kanilang pangalan.

Natapos na naming panoorin ang kwento nila Yngrid at ilang sandali pa ay nag bago naman ang lokasyon namin pero ngayon ay nakakahilo yun at para bang nahuhulog ako sa malalim na butas at walang katapusan ang pagkahulog ko.

NAPA mulat ako ng mata ng maramdaman ko na nawala na ang nararamdaman kong hilo. Inilibot ko ang paningin ko at kagaya ng kanina ay kaming dalawa lang ni Yuei ang may kulay dito.

"Nasaan tayo?" Tanong ko at inilibot ko ang paningin ko nakita ko na nasa isang bangka kami na nasa tubig. Makikita doon ang maliwanag at bilog na buwan sa kalangitan. Napa kapit ako ng mahigpit sa katabi ko ng umuga ang bangkang sinasakyan namin. At dahan dahan akong  umupo dahil sa takot ko na baka tumaob ang bangka. Dahil ramdam ko rin na ang lamig ng tubig na babagsakan namin kapag tumaob ito. Dahil malamig ang hangin na dumadampi sa balat ko.

Naramdaman ko naman na umupo rin sa tabi ko si Yuei.

"Bakit naman kaya tayo napunta dito?" Taka kong tanong sa kanya dahil alam ko naman na may ideya sya kung saan lalo na dahil matalino sya.
 
"I don't know either" kibit balikat nyang sagot at napa linga linga sa paligid at hinanap kung may clue man lang kaming makikita pero wala at ang mas malala pa ay nasa kalagitnaan kami ng tubig.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now