KABANATA XXVIII

19 4 3
                                    

KABANATA XXVIII
•QUEST TO THE MORTAL WORLD•

NAGPABALIK balik ako ng tingin sa mga nasa loob at hinihintay ko kung sino ang unang mag sasalita pero ang lahat at nanatiling tahimik. 

"Mom, ano naman ang ibig sabihin ng matandang yun?" Usisa ni Yuei. Sa wakas ay may nagpangahas narin na basagin ang katahimikan.

"He's one of the legendary Oracle." Si Miss Wicha ang sumagot sa tanong nya. Pero mukang ako lang ata ang walang alam dito.

"Oracle?" Taka kong tanong. Ngayon lang ako naka rinig ng ganong salita. At kanina talagang kikilabutan ako sa itsura ng matanda. Tumayo nga yata halos lahat ng balihibo ko. Geez he's creapy.

"He has the ability to see the future. He's like a living book of prophecy" sagot sakin ni Headmistress. Napa tango naman ako. Ibang klase rin naman pala talaga ang mga Sancire.

"But. Ano naman ang ibig sabihin nya kanina?" Taka ko ring tanong. Wala ngang pumapasok sa isip ko tungkol doon. Geez may ginawa ba sa utak ko si Yuei habang nagkapalit kami ng katawan?

"Yeah it's really makes sense." Pag sang ayon ni Yuei.

"Hmmm. About that" Miss Wicha trailed. "I think it's about the descendants." Naagaw non ang atensyon ko. Don't tell me may hahanapin na naman kami

"The first and seventh? The Ram and the Scale? Do he means that—" di na natapos ang sasabihin ni Yuei ng sumabat si Headmistress.

"I think it's about the descendants of the Aries and the Libra" dahil sa naging komento ni headmistress ay doon lang pumasok sa isipan ko ang idea. Baka nga talaga yung dalawa ang tinutukoy. Aries are represented by the ram and libra is represented by the scales.

"So wag nyong sabihin na hahanapin na naman namin sya or susunduin or what?" Irita kong tanong. Sino ba naman kasi ang hindi ma-tra-trauma sa mga pinagdaanan ko noong hinanap namin sina Castor at Pollux.

"Sad to say but I think yes." Napa buntong hininga nalang ako dahil sa sinagot ni Miss Wicha. Bakit ba kasi di nalang sila mag punta sa Academy ng hindi na kami mahirapan? Tyaka hindi naman nakin sila pinahirapan at pinahanap pa sakin eh. Bakit sila kailangan hanapin?! It's really unfair!

"So saan naman natin sila hahanapin ng matapos na to?" Kagaya ko ay mukang naiirita narin si Yuei.

"Relax son. Mainit na nga ulo ng asawa mo dadagdag ka pa" napa ikot nalang ako ng mata. Bakit ba kasi nawalan ng malay yung matandang wizard edi sana wala na akong prino-problema. Nagising pa naman ako ng maaga para lang madaling ipawalang bisa ang kasal namin tapos ganon ganon nalang!

"Mom!" Suway sa kanya ni Yuei. Mag sasalita pa sana si headmistress ng may kumatok sa pintuan kaya lahat ng atensyon namin ay naagaw non.

"Come in" usal ni headmistress at agad namang bumukas ang pintuan at agad naming nakita sina Haidie, Caper, Scium, Pristine, Leo, at ang kambal. Hindi nga maayos ang pagkakasuot ng uniporme nila at nakita ko na aligaga pa si Caper na suotin ang kurbata nya. Tanging si Pristine nga lang ang maayos. At ang kambal naman ay hindi pa maayos ang pagkakakurbata ng suot nila at ganon din si Leo na nasa balikat pa ang kurbata at wala pa syang suot na coat at bukas pa ang unang butones nya kaya napa iwas ako ng tingin  Habang si Scium na inaayos pa ang coat at si Haidie na panay pa ang sukhay sa basa nyang buhok buti nga lang at maayos na ang uniporme nya.

"Headmistress pinapatawag nyo raw po kami?" Sabay sabay pa talaga nilang sabi. Sinenyasan naman sila ni headmistress na pumasok muna at agad namang tumabi sakin si Haidie at dahil nasa mahaba kaming couch kaya kasya kami habang katabi naman nya si Pristine. Nag kanya kanya naman ng upo ang iba. At nilapitan naman ako ng kambal.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now